- BULGAR
- Jul 22, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 22, 2021 (Huwebes): Hindi masama ang tumulong sa mga malapit sa puso mo, pero ang mas maganda ay magamit mo ang iyong suwerte para sa sarili mong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang pakiramdam mo na hindi umaabante ang iyong buhay. Ang mas magandang ilagay sa isipan ay ang katotohanang kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-20-23-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa mga makalumang patakaran ng buhay. Ito ang susi nang hindi ka matangay ng tukso, na sa totoo lang ay malakas ang dating, mapagpilit at makulit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-28-30-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibangon mo ang isang malapit sa puso mo nang sa gayun ay harapin ang mga bagong umaga na nakalaan para sa kanya. Pero tandaan mo, mali na mahulog sa kanya ang loob mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-27-31-32-37-32.
CANCER (June 21-July 22) - Paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Huwag kang tumulad sa iba na nabubuhay lang sa kasalukuyan. Magsaya ka at maglibang, pero muli, paghandaan mo ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-12-14-28-30-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Normal na kaganapan na ang araw ay papalitan ng gabi at darating ang bagong umaga. Ipanatag mo ang iyong kalooban, wala kang dapat ipag-alala. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-14-26-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong pansinin ang mga panay ang kontra sa iyo. Ang totoo, kapag nanahimik ka, ang mga suwerte na nasa kanila ay magsisilipat sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-25-31-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sisingit sa kapalaran mo ang pangyayaring ipagpapalagay mo na hindi maganda para sa iyo. Ang totoo, kailangang maganap ang mga ito nang mabigyang-daan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-16-20-21-25.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gumaganda pa ang takbo ng iyong kapalaran. Hindi sapat ang mga nadarama mong lungkot para masabing hindi ka na mapalad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-17-28-31-37-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw makiisa. Maraming puwedeng makatulong sa iyo. Ang totoo nga, hinihintay ka lang nila na gawin mo silang bahagi ng iyong magandang proyekto. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-18-21-26-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo pa rin ang araw na ito, kung saan nag-aabang pa rin sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang mga suwerteng noon pa naghihintay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-25-30-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Punan mo ang kulang sa iyo at bawasan ang sobra. Kulang ka sa pagtutok sa pangarap mo, habang nasobrahan ka sa pagsasaya at paglalakwatsa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-25-26-37-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ipilit ngayon ang gusto mo, pero panatilihin mo ang gusto mong ito. Maghintay ka ng magandang tiyempo at ito ay tiyak na darating sa ilang araw na lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-14-18-25-27-34-41.




