- BULGAR
- Jul 25, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 25, 2021
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 25, 2021 (Linggo): Huwag mong sayangin ang iyong lakas at talino sa mga walang kuwentang bagay. Ituon mo sa pagpapayaman ang iyong isip at lakas dahil ang lahat naman ay gustong yumaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pag-aralan mo kung wala na sa panahon ang kasalukuyang sistema ng iyong pagnenegosyo. Dapat mong matanggap na ang mga pormula noon ay hindi na epektibo ngayon. Baguhin mo ang iyong pormula upang mas madali kang yumaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-17-20-23-26-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mamasyal ka. Sa pamamasyal, lalaya ang isip mo at ang malayang kaisipan ay nakadidiskubre ng mga bagong pananaw na magpapaunlad sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-13-24-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang maniwala sa magagandang salita. Sa ngayon ay mahina ka, kaya puwede kang mabiktima ng mga mandaraya. Kaya lumayo ka agad sa mga napakahabang magsalita at maraming sinasabi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-23-25-39-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na hindi mo kailangang gamitin ang damdamin at awa. Sa halip, isip at praktikalidad ang gamitin mo upang mas madali kang lumigaya at umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-25-38-40-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo at ang masayang balita, malalaking suwerte ang mga ito, gayundin, sobra sa sapat upang magsitigil na ang mga kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-13-26-38-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Wala kang aasahan maliban sa sarili mong talento. Ang totoo, ang mga nasa paligid mo ang umaasa sa iyo. Alam nilang nakakahigit ka pagdating sa paglutas ng mga suliranin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-25-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sarili. Kung babalikan mo ang iyong nakaraan, may nag-aayos ng iyong buhay at ito ay ang mismong langit. Ito mismo ang kapalaran mo at ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-19-20-25-37-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malihim ka. Madalas na itinatago mo ang iyong saloobin, pero ang hindi mo alam, may mga lihim na may pagtingin sa iyo, ngunit hindi nila ito ibibisto sa iyo. Kaya naman masasabing sa panahon ngayon, ikaw ay nabubuhay sa lihim. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-28-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na hindi ikaw ang laging dapat masunod. Sumunod ka sa isang mahal mo sa buhay na palagi mong inuutusan noon. Kapag nagawa mong sumunod sa kanya, mag-uumpisa kayong suwertehin at magtatamo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-25-37-43-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibababa ng langit ang senyales na matagal mo nang hinihintay. Ito ay nagsasabing ngayon mo simulan ang proyektong magpapaganda sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-23-28-32-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakabibigla pero ang mga magbibigay sa iyo ng kalungkutan ay aalisin ng langit sa iyong harapan. Pero hahanap-hanapin mo pa rin dahil akala mo ay kailangan mo pa sila. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-23-29-42-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Kapag ginawa mo ngayon ang matagal mo nang gustong gawin at kapag pinuntahan mo ngayon ang mga lugar na matagal mo nang gustong puntahan, ang mga ito ang magdadala sa iyo ng mas malaking suwerte at pag-asenso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-20-25-33-37.




