top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 29, 2021 (Huwebes): Ikaw ang taong napakalakas ng kutob. Nakita mo pa lang ang tao, alam mo agad kung masama o mabuti siya. Ang mabuting balita, ang iyong kutob ay mapakikinabangan mo rin sa sugal.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka muli ng iyong damdamin. Kahit tama ang sinasabi ng iyong isip, hindi mo ito susundin. Pero huwag kang mag-alala, ang kapalit naman nito ay ligaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-20-39-40-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang papatangay sa negatibong pananaw. Mas magandang ituloy mo ang gusto mong gawin. Kapag hindi mo nakuha, subukan mo ulit gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-20-25-39-40-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Bigyang-pansin mo ang nagpapahalaga sa iyo. Hindi naman mahalaga kung maiksi lang ang oras na iuukol mo, ang importante ay napasaya mo ang nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-24-30-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Iyong-iyo ang araw na ito at ang mga araw na darating. Ang sinumang sumalungat sa mga kagustuhan mo, langit na mismo ang makakalaban at makakabangga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-18-20-29-30-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magdahan-dahan ka. Sa ganitong paraan, mas makikita mo nang malinaw kung ano ang pinakamaganda mong dapat gawin. Makakapagplano ka rin at maiiwasan mo pa ang ang kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-21-25-34-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Yakapin mo nang mahigpit ang mga makalumang aral na pamana sa iyo ng nakatatanda. Sa pagyakap sa mga aral na ito, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-11-16-25-27-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilapit mo ang iyong sarili sa nag-aakalang mahirap kang maging kaibigan. Mula sa pakikipagkaibigan, kung iyong babalikan ang nakaraan, ikaw ay nakikinabang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-33-39-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maniwala sa isip mo kapag negatibo ang laman nito at paniwalaan mo naman kapag positibo. Madalas na dinadaya ng kanyang isip ang tao kaya siya ay hindi umaasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-21-25-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Buksan mo ang iyong damdamin. Ito ang susi ng kaligayahan para sa lahat ng tao. Ang saradong damdamin ay susi naman sa kawalan ng kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-22-29-30-33-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaya ka kaya huwag kang magpaalipin sa kahit na ano at kahit na sino. Hawakan at kontrolin mo ang iyong buhay dahil hindi ka dapat maging sunud-sunuran sa gusto ng ibang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-18-24-35-40-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iimpluwesiyahan ka ng isang dominanteng nilalang. Bakit ka papayag? Dapat siya ang iyong maimpluwensiyahan. Paano? Akitin mo at tiyak na makukuha mo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-17-24-26-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Para malalaki at marami ang mapasaiyong suwerte, ipamigay mo sa malalapit sa iyo ang mga ayaw mo na at matagal nang hindi ginagamit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-15-22-26-34.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 28, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 28, 2021 (Miyerkules): Hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Ang totoo nga, walang patid ang pagdating ng mga suwerte mo kahit paminsan-minsan ay kumukuha lang ang mga ito ng malakas na buwelo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Palakihin mo ang munting suwerte na sasaiyo. Gawin mo itong tulad ng maliit na binhi na magiging malaking bungang-kahoy na hitik na hitik sa bunga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-20-24-39-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsaya ka kahit may problema ka dahil walang karapatan ang mga problema kahit pa gaano sila kabigat para mawala ang saya mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-11-17-29-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Lumalakas ang tao kapag nakapagpahinga kaya mamahinga ka muna. Huwag mong panghinayangan ang mga nakikita mong magagandang bagay. Ang mahalaga ay ang mamahinga ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-28-31-32-34.


CANCER (June 21-July 22) - Tumulong ka sa hihingi sa iyo ng tulong at huwag mo nang unahin ang iyong sarili. Sa ganitong paraan, hahanga sa iyo ang langit at pagkakalooban ka ng nakamamanghang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-18-26-34-38-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mo lang ang mga kaganapan na parang prusisyon na nagdaraan sa iyong harapan. Manahimik ka at ipanatag mo lang ang iyong kalooban. Mahirap maunawaan ang pagsasaayos ng langit sa kapalaran ng tao. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-25-30-35-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang ipukol sa iyo ng kapwa mo, tanggapin at hayaan mo. Isang araw, magugulat ka dahil ang mismong langit ay hahagisan ka ng malaking suwerte na ikamamangha ng nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-15-21-28-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pagmasdan mo ang lahat nang may pag-ibig sa iyong mga mata. Ito ang sikreto upang gumanda ang kapalaran ng isang tao. Ito rin ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-17-20-24-31-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Haharangin ng langit ang hindi magagandang bagay na maaaring sumaiyo. Ang papayagan lang na mapasaiyo ay ang mga bagay na labis na magbibigay ng ligaya sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-19-29-30-34-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo ang gusto mo kahit may mga kontrabida. Noon pa man, pagdating sa huli, ang kagustuhan mo ay mas tama kaysa sa kanilang paniniwala. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-21-23-31-32-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Napapahiya ang nagbubuhat ng sariling upuan dahil siya ay ibabalik sa hulihan. Ikaw naman na ayaw makialam ay bubuhatin ng langit at ilalagay sa unahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-15-16-26-33-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang mga ayaw maniwala sa iyo. Pero kapag dumating na ang nakatakdang buwenas, huwag mo pa rin silang kalilimutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-17-32-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang magandang napapala ang nagdududa. Maraming suwerte na para sa kanya ang masasayang. Magtiwala ka sa iyong sarili at makikita mo na dahil dito, magtutuloy-tuloy ang buwenas mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-23-32-39.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 26, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 26, 2021 (Lunes): Daraan ka sa maraming pagsubok. Gayunman, ibinabalita ng kapalaran na ang iyong ambisyon ay mapasasakamay mo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa pakikipaglaban ang iyong pananalo. Kaya nakakatiyak na yayaman ka kapag hindi ka sumuko sa mga hamon na iyong makakaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-28-39-40-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa malalapit mong kaibigan ang iyong mga suwerte. Ang totoo nga, sila na mismo ang suwerte mo. Kumbaga, hindi bagay ang iyong pampasuwerte kundi ang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-17-22-27-35-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilis ng pagdedesisyon at pagkilos ang magdadala sa iyo ng malalaki at magagandang kapalaran kaya kahit kailan, hindi makagaganda sa iyo ang pagdadalawang-isip at pag-aalinlangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-16-25-39-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Lakas ng kutob ang maglalayo sa iyo sa hindi magagandang pangyayari kaya sundin mo ang iyong kutob at hindi ang iba pang udyok ng kalooban mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-12-18-37-38-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lumakad ka nang nakataas ang ulo kahit ano pa ang naranasan mo. Mahirap paniwalaan, pero ito na mismo ang pampasuwerte mo sa buhay. Muli, lumakad ka nang nakataas ang ulo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-19-20-26-27-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nasa iyo ang magagandang ideya ng mabilis na pagyaman. Gamitin mo ito at ipahiram mo rin sa mga mahal mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-26-39-40-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang damit na suot mo nang ikaw ay minsang sinuwerte, ito ang isuot mo sa araw na ito. Magugulat ka at sobrang matutuwa dahil magdadagsaan ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-20-21-27-33-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-isip ka nang malalim. Ito mismo ang panggagalingan ng iyong mga suwerte. Tiyak na ang maiisip mo ay ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-17-22-24-34-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kakaiba ang pampasuwerte mo ngayon dahil ang pagtitig sa kalangitan ang sikreto ng iyong magagandang kapalaran. Kapag tumila na ang ulan at naging maaliwalas ang kapaligiran, simpleng tumitig ka lang sa bughaw na langit. Masuwerteng kulay- red. Tips sa lotto-19-26-27-31-36-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapikin mo ang banga o bagay na gawa sa pinatigas na putik o lupa na nasa bahay ninyo. Mahirap mang paniwalaan at iyong pinag-aalinlanganan, ito ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-17-22-25-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsuot ka ng kuwintas kahit nasa bahay ka lang at mas lalong maganda kung isuot mo sa iyong paglakad. Dahil ang iyong kuwintas ang pampabuwenas mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-16-23-28-33-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa malalayong kaibigan at kakilala ang mga suwerte mo. Makipag-ugnyan ka sa kanila o kung kaya mo, pasyalan mo. Sundin mo dahil sila mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-16-25-27-28-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page