top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 02, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 2, 2021 (Lunes): Akala ng iba, mahina ka dahil sobra kang mabait. Ang hindi nila alam, ito ang dahilan kung bakit ang mga biyaya at pagpapala ay sumasaiyo.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Babagal ang mga kilos mo para sa pagpapalago ng kabuhayan at bibilis naman sa pagpapatibay ng relasyon sa iyong mga minamahal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-19-20-24-33-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mabuti ang hindi nagbibigayan. Dito sa ibabaw ng mundo, mas sumusulong ang nagbibigay ng isa at nawawalan din ng isa. Ito ang tunay na diwa ng pagkakaunawaan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-21-25-30-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag na lakas ang mapasasaiyo mula sa mga nagmamahal sa iyo. Magagamit mo ang mga ito para sa lalo pang pag-abante ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-17-20-29-35-41.


CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Nakatakda na magandang tingnan sa buhay mo ang nakamamanghang magagandang kapalaran na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-22-26-39-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tulad ng tupa, ikaw ay magiging maamo. Dahil dito, malaki ang posibilidad na bumukas ang iyong puso at pumasok sa bagong pagmamahal na mas masaya kaysa sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-27-34-36-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipinapayo ng iyong kapalaran na ngayon ang pinakamagandang panahon ng pagsusuri at pag-aaral sa iyong mga plano para sa kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-24-26-35-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapapansin mo sa iyong sarili na bigla kang tinatamad. Ito ay nagsasabing ang suwerte mula sa isang bagong kakilala ay iaabot lang sa iyo nang madalian, na magreresulta sa sitwasyong hindi mo na kailangang magsikap pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-17-20-24-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang paniniwala mo, tindigan mo. Hahanga ang langit at pagkakalooban ka nito ng hindi mabilang na regalo para sa mga taong nabubuhay sa prinsipyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-22-35-39-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hayaan mong malamangan ka ng kapwa mo. Hindi kabawasan sa pagkatao mo ang paminsan-minsang naiisahan ng ibang tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-15-21-28-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magkakamabutihan at sa dulo ay magmamahalan ang naawa at kinaawaan. Mangyayari ito sa buhay mo. Noon pa man, ito ay itinakda na ng katalagahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-19-25-27-36-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik nga ba sa sariling pugad ang nagtampong ibon? Oo ang sagot. Muli kayong magkakabalikan ng karelasyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-18-27-28-31-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbabago papunta sa lalo pang pagganda ang iyong kapalaran. Gayunman, sa pagbabago, may ilang kurot ng damdamin ang madarama mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-12-17-24-31.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 01, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 1, 2021 (Linggo): Masuwerte ka at ito ay iyong alam. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit may tatawag sa iyong tamad at ayaw mong itodo ang iyong pagsisikap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung puwede, ‘wag mo nang pairalin ang isip. Ang mas maganda ay sunggaban mo ang anumang may pakikinabangan ka. Minsan, hinahadlangan ng isip ang pag-asenso ng tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-20-38-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang maganda sa buhay, ‘yun ang gawin mo. Pero ikaw mismo ang magpapasya kung ano ang maganda para sa iyo at hindi ang ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-25-30-33-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbabalita ang araw na ito at mga araw pang darating na ikaw ay sobrang sasaya. Ngunit ang mga ito ay nagbababala rin na maaaring makalimutan mo na dapat ding pinahahalagahan ang mga biyaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-22-25-31-39.


CANCER (June 21-July 22) - Pasasayahin ka ng langit dahil nakita na ikaw mismo ay inaalagaan ang lungkot. Wala kang magagawa ngayon kundi ang magsaya dahil ito ang idinikta ng langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-14-18-20-25-34.


LEO (July 23-Aug. 22) - Dagdagan ang kulang at bawasan ang sobra. Ito ngayon ang gawin mong panuntunan sa buhay. Hanapin mo ang sobra sa iyo at hanapin mo ang kulang. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-29-30-35-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bilisan mo ang iyong kilos para maitakwil mo ang pag-aalinlangan. Manghihinayang ka kapag hindi mo nasunod ang payo na bibilisan mo ang pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-21-25-33-40-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simple ang susi para magbalikan ang mga suwerte mo at ito ay nagsasabing, pasayahin mo ang iyong sarili at ang isa pa, dapat ay ikaw lang at wala kang kasama na kahit sino. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-31-38-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makinig sa payo na ang tao ay dapat makuntento dahil kung susundin mo ang ito, paano ang kinabukasan ng malalapit sa buhay mo? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-14-16-28-33-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasanay kang may alalay at inuutusan. Pero ramdam mo na hindi ka masaya, kaya ang payo ay nagsasabing paminsan-minsan, gawin mo nang mag-isa ang mga gawain. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-14-30-32-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpaalipin sa nagbibigay sa iyo ng lungkot. Huwag na huwag mong kalilimutan na ang kaligayahan ay nagmumula sa pagiging malaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-20-25-37-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit ba napakadali mong maniwala sa mga mabulaklak na dila? Dapat mong malaman na hindi lahat ng bulaklak ay nagiging bunga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-22-28-35-41-46.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mabahala kahit malalaki ang iyong mga suliranin. Kikilos ang langit para gumanda ang buhay mo kahit wala kang gawing anuman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-31-33-38-40.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| July 31, 2021



Sa may kaarawan ngayong Hulyo 31, 2021 (Sabado): Hindi ka mabibigo sa mga ambisyon mo. Simple lang naman ang kailangan at ito ay ang unahin mo ang para sa iyo kaysa ang para sa iba.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit masaya ang paligid, may ilang nakapagbibigay ng lungkot. Huwag mo silang pansinin. Kapag masaya, dapat ay magsaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-18-23-28-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Planuhin mo ang iyong buhay dahil ang taong walang plano ay kung saan-saan lang hihilain ng kapwa niya, kung saan sa huli, siya na mismo ang magsasabing “Ginagamit lang ako ng iba”. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-18-22-28-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Iniisip ng iba na ang mabilis kumilos ay hindi nag-iisip. Sa iyo, kasabay ng bilis ng mga kilos mo ay ang bilis ng pag-iisip, kaya iiwanan mo nang milya-milya ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-29-33-36-41-44.


CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maging sobrang abala para sa kapakanan ng iba. Ito ang pagkakamali ng marami kung saan nakalimutan ang sariling kaligayahan dahil sa pagsasakripisyo para sa kapwa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-29-30-33-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Akala ng marami, kaya ka nilang daigin. Ang hindi nila alam, hindi naman mahalaga sa iyo ang posisyon at ang isa pang hindi nila alam, talo mo siya kahit hindi ka gaanong kumilos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-34-38-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tapusin ang dapat tapusin. Hindi maganda kung may mga hindi natapos na kaya namang tapusin ngayon. Ang problema ng marami, pinahihirapan nila ang araw ng bukas dahil hindi nila tinatapos ang puwede namang tapusin ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-19-27-38-46.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang pagbibigay mo ng saya. Ang totoo, sapat nang maging bahagi ka ng buhay ng isang tao dahil masaya siya ‘pag masaya ka. Ito ang lihim ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-24-35-36-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasa isip mo lang ang lungkot. Kaya kapag masaya ang isip, masaya rin ang tao. Bakit ka magpaapekto sa mga problema, lalo na sa problema ng mga tao sa iyong paligid? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-29-30-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamantala lang ang saya na nakukuha sa pagkain ng masarap. Pero ang bunga ng pagsisikap at pagsisinop ay panghabambuhay. Magpakasarap ka sa pagkain, pero dapat ituloy mo rin ang iyong mga pagsisikap at pagsisinop sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-29-32-38-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagbabalita ang ingay ng mga bata na sa susunod na taon, mas maganda ang magiging buhay mo at napakaraming surpresa sa iyo ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-20-21-26-33.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakagugulat ang susunod na mga pangyayari sa buhay mo. Marami ang mga luhang tutulo nang dahil sa iyo. Ang isa pang nakakagulat na maaaring hindi mo paniwalaan ay ang luluha ka rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-20-21-26-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Umiwas ka sa masasama, pero ang tinutukoy ay masasamang pagkain na nakakasira sa kalusugan. Umiwas ka rin sa paglabas ng bahay kung hindi naman mahalaga. Pakinggan at isabuhay mo ang payo upang mapanatili ang iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-25-31-39-44.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page