- BULGAR
- Aug 17, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 17, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 17, 2021 (Martes): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo. Pinatatatag at pinatitibay ka ng iyong kapalaran nang sa gayun, ang mga ito ay hindi masayang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inihahanda ka ngayon ng iyong kapalaran tulad ng isang sundalo na dumadaan muna sa mabibigat na hamon. Anuman ang iyong nararanasan, dapat mo itong tanggapin nang maluwag sa loob. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-20-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang kumuha ng sobra. Kung ano ang kailangan mo, ‘yun lang ang iyong kunin. Sa ganitong paraan, hahangaan ka ng mga nasa paligid at maging ang langit ay sasaludo sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-17-26-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagiging dalawa ang isa at ang dalawa ay dumarami. Sa ganitong paraan mo tingnan ang ilalagay mong puhunan sa binabalak mong pagkakakitaan. Hindi maganda kung mag-iisip ka ng negatibo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-25-31-32-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Dumarating ang akala natin ay hindi natin kailangan, pero sa huli, ito pala ay may mahalagang papel na gagampanan sa ating buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-29-31-38-40-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bumabagsak ang puno sa tuloy-tuloy na pag-ihip ng hangin. Makukuha mo rin ang iyong gusto kapag hindi mo tinigilan at nanatiling buo ang iyong kursunada. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-27-35-36-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi nakakapanghinayang ang bawat kilos para sa pangarap. Kahit pa ang pangarap ay tila matagal pang maaabot. Ito ang ilagay mo sa iyong isip dahil ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-9-15-17-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag pinakitaan ka ng maganda, mawawala na ang galit mo. Ito ang iyong kahinaan na muling lilitaw sa iyong pagkatao at hindi mo maiiwasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-18-21-25-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kahit may nakakuha na sa gusto mong mapasaiyo, tuloy pa rin ang ikot ng mundo at ang pagkakataong makuha mo rin ang gusto mo ay mamamalaging nasa harap mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-13-22-24-27.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka hihiwalayan ng langit hanggang sa magtagumpay ka. Ang maganda pa nito, bawat hadlang sa landas na iyong nilalakaran ay langit mismo ang mag-aalis para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-20-25-27-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Ngayon din ang panahon na inilaan upang hilingin mo sa langit ang pinakagusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-23-28-30-33-37-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Parang kisap-mata na magbabago ang buhay mo, kung saan magigising ka sa mundo na sunod ang mga layaw mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-21-29-30-38-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang abot-kamay mo na ang gusto mo. Mangyayari ito at walang pagdududa na mapasasaiyo na ang iyong minimithi. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-14-17-30-35.




