- BULGAR
- Aug 21, 2021
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 21, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 21, 2021 (Sabado): Palagi kang may alalay at palagi kang may nauutusan. Ito ay isang malinaw na senyales na nakatakda kang mamuno at mamahala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mag-utos ka at ikaw ay masusunod. Gayunman, ang payo ay mag-utos ka nang may paggalang sa pagkatao ng iyong uutusan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-24-31-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isantabi mo muna ang maliliit mong pangarap. Ngayon ang tamang panahon para makuha ang iyong malalaking ambisyon sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-13-28-30-41-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibinabalita ng iyong kapalaran na aangat ka pa. Kaya huwag kang makuntento, gawin mo pa rin ang kasalukuyang pagsisikap mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-27-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Ngayon ang masuwerteng araw para humingi ka ng malaking pabor sa isang malapit sa iyo na may mataas na ranggo o posisyon sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-23-28-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Suwerte ka ngayon dahil ang mga kagustuhan mo ay mangyayari. Darami pa ang maiinggit sa iyo, pero hanggang inggit lang naman silang lahat. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-16-20-24-26-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muli mong mararansan na ang suwerte ay naulit. Kapag sinuwerte ka, muli ka pang susuwertehin. Muli ka ring hindi makakapaniwala na ikaw pala ay likas na buwenas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-19-21-25-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lumalayo ka, pero may lalong dumidikit sa iyo na may espesyal na pagtingin. Sa huli, magiging malapit kayo sa isa’t isa, mawawala ang mga kontrabida at ikaw ay sobra ring makikinabang at magiging maligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-21-26-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bababa ngayon ang hatol ng langit sa mga taong mapanghusga laban sa iyo. Aanihin nila ang parusa sa utos na huwag mong husgahan ang kapwa mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-15-17-24-26-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hilingin mo na sa langit kung ano ang pinakagusto mo sa buhay. Kahit may pagkaimposible at mahirap mangyari, ito ay ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-25-31-35-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Wala namang bago sa silong ng langit. Ang nangyari na ay muling mangyayari. Muli kang susuwertehin at tulad ng dati, matutuwa ka at ang mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-21-24-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Tanggapin mo nang tanggapin ang mga ibibigay sa iyo ng isang bagong kakilala. Huwag mong kalilimutan na masama ang umaayaw sa grasya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-29-30-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bababa ang mga ulap na aakalain mong ulan. Pero sa pagbaba ng mga ulap, ikaw ay makikitang masayang-masaya dahil madarama mo na ang iyong mga pangarap ay natutupad na. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-29-33-39-44.




