top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 24, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 24, 2021 (Martes): Huwag kang mag-alala sa mga naninira sa iyo dahil kikilos ang iyong kapalaran at sila ang mapapahiya habang patuloy naman ang iyong suwerte at tagumpay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Maghanda ka laban sa mga tukso. Maraming tukso ang magtatangka na hilain ka sa pagkakamali. Ngayong alam mo na, dapat ay alam mo na rin kung ano ang gagawin mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-24-39-35-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang magandang pagkakataon upang isagawa ang mga naudlot mong plano dahil nag-alinlangan ka sa maaaring maging resulta. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-10-19-23-25-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Ilaan mo sa mas kapaki-pakinabang na bagay ang mga suwerteng darating sa iyo dahil ‘pag nakita ng langit na ganu’n ang iyong ginawa, ang nakakatuwang balita ay dadagdagan pang lalo ang mga suwerte at magagandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-21-28-30-38.


CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang lakas ng iyong likas na gayuma. Kahit ikaw ay mapapatunayan mo ito sa pagharap mo sa salamin na magsasabing, ikaw ay lubhang nakakaakit ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-13-15-29-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong talikuran ang iyong obligasyon na alalayan ang mahihina at kapos-palad. Ang hiwaga ng buhay ay nagsasabing kaya sila kinapos ay dahil sa iyo ibinigay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-25-32-38-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iiwas ka kung alam mong masisira ka. Dahil dito, sobrang hahanga sa iyo ang langit at pagkakalooban ka ng espesyal na pribilehiyo na sabihin mo ang gusto mo at tiyak na ito ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-17-23-35-38-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang pagbabalik ng mga suwerte mo dahil muli, kumilos, magsalita at mag-isip ka nang masaya, at ang mga suwerte ay dadagsa sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-18-29-35-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong katakutan ang mga negatibong pananaw na naglabas-pasok sa iyong isipan dahil ang mga ito ay tulad lang ng mga panakot-ibon sa taniman ng mga halaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-12-27-30-38-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magdamot sa tunay na walang-wala, pero huwag na huwag mong papormahin ang nagkukunwaring wala, pero ang gusto lang ay maisahan kang muli. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-21-24-29.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo maiiwasang mapansin ang mga munting langgam, kung saan ito ay isang paalala na sila ay nag-iipon para sa kinabukasan. Tularan mo sila, ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-13-29-30-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iiwas ka sa mga bagay na nagbibigay sa iyo ng takot at alalahanin. Sa gagawin mong pag-iwas, mapapalapit sa iyo ang isa tao na handang bigyan ka ng masarap na buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-14-16-17-20-22.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isang sulyap na masusundan ng titig ang ipupukol sa iyo. Tatalab ito sa pinakamalalim mong kalooban at malaki ang posibilidad na ang kasalukuyang buhay pag-ibig mo ay mayayanig. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-19-23-26-44.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 23, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 23, 2021 (Lunes): Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang simpleng kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Kaya iwasan at layuan mo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kalungkutan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pigilan mo man o hindi ang mga kaganapan, ang mga ito ay mabilis na mangyayari. Kaya walang mas maganda kundi ikaw ay maging mabilis din. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-14-17-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang kulay na angat na angat ang iyong kagandahan. Huwag mong piliin ang mga mabibigay sa iyo ng pananamlay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-20-25-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka dahil ang araw na ito at ang iba pang araw na darating ay masusuwerteng araw mo at malas naman para sa mga panay ang kontra sa mga aktibidad mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-27-35-36.


CANCER (June 21-July 22) - Naiiwanan ang mabagal at ang hindi makapagpasya, sa huli ay nagsisisi at nanghihinayang. Hindi ka dapat mapabilang sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-17-24-31-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong magtagal sa panonood ng kapalaran ng iba. Puwede kang mahawa sa hindi magagandang nararanasan ng mga iyong pinapanood. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-14-26-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo agad ang gusto mong gawin. Kapag hindi ka nakinig, masisingitan ka ng pag-aalinlangan at maraming bagay ang iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-25-38-40-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwanan mo ang ayaw sumunod sa iyo. Oo, iwan mo na ngayon! Kapag ginawa mo ‘yan, magugulat siya dahil siya ay susunod na sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-25-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong sayangin ang maliit o malaking bagay na puwede mong pakinabangan. Dahil ang magandang kinabukasan ay ang naipong mga biyaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-23-24-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Asikasuhin mo ngayon at sa mga araw pang darating ang iyong kabuhayan. Ito ang masuwerte mong panahon para sa pagpupundar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-21-28-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat makihalubilo sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil mawawala ang pagtutok mo sa iyong mga gustong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-18-22-28-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palakihin ang problema. Hindi mo ba napansin sa buhay mo na hindi naman talaga nagtatagal sa iyo ang mga nagpapasakit ng ulo mo? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-21-28-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang maraming kaibigan, pero kailangang piliin mo lang ang mga kaibigan mong hindi pabigat sa iyong buhay. Hindi na masaya kapag maraming nagpapabuhat sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-12-28-36-38.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 22, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 22, 2021 (Linggo): Huwag mong sayangin ang pagiging masuwerte mo. Sa halip na magpagamit ka sa iyong kapwa, mas magandang unahin mo ang iyong sarili.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pagsabay-sabayin na gawin ang mga gusto mong gawin. Unahin mo ang madali at isunod ang medyo mahirap at sa huli, ang sobrang hirap na proyekto ay madali mo ring magagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-23-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa mga kaibigan mong may malasakit sa iyo ang mga suwerte. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa kanila. Gawin mo at ang mga suwerte mula sa kanila ay dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-19-20-25-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mangako kapag masaya ka. Kapag masaya ang tao, kahit ang hindi niya kaya ay ipapangako niya. Kumbaga, wala sa reyalidad ang taong sobrang masaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-20-21-35-40.


CANCER (June 21-July 22) - Masarap balikan ang nakaraan, pero hindi puwedeng mabuhay ang tao sa kanyang nakaraan. May mga ngiti man ang nakaraan, dapat ay mas pinahahalagahan ang hinaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-18-28-36-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ibaba mo ang iyong sarili. Sa totoo lang, mas mataas ang personalidad mo kaysa sa mga nasa paligid mo dahil marami ang nasa ibaba. Nakagugulat man, tanggapin mong marami ang iyong pakikinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-25-30-45-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong magalit dahil wala itong magandang ibinibunga. Sa halip, masisira lang ang diskarte mo at mawawala ka sa tamang direksiyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-20-27-37-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghintay ka at huwag mainip. Ang nagmamadali ay hindi lang nadadapa kundi nagsisisi rin sa huli. Higit kailanman, ngayon ka dapat maging kalmado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto-5-16-17-21-25-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Sapat ang iyong kaalaman at likas na talino para magawa mo ang anumang gusto mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-22-25-39-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbulag-bulagan. Ang magagandang ginagawa ng mga tao ay pasalamatan at puriin mo nang sa gayun, sila ay lalo pang gumaling at humusay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-22-28-30-35.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iba’t iba ang kulay ng tao. May kulay ng kadiliman, may kulay ng kabutihan. Maging tapat ka sa iyong sarili at huwag kang makihalubilo sa mga hindi mo naman kakulay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-28-30-36-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi pumapayag ang sarili mo na ikaw ay mabuhay nang mag-isa. Kaya anuman ang iyong naranasan, kailangan mong kumilos nang positibo at nakatanaw sa masayang bukas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-26-24-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dalawa ang kamay ng tao, dalawa rin ang kanyang mga mata at maraming dalawa sa kanya. Pero isa lang ang puso na ang ibig sabihin, hindi maganda ang maraming mamahalin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-25-36-43.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page