top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 27, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 27, 2021 (Biyernes): Huwag mong biguin ang iyong kapalaran na nagsasabing malalaking tagumpay ay nakalaan sa iyo. Kaya dapat ang ambisyunin mo ay malalaki at hindi maliliit lamang.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo. Alam mo ba kung ano ang ginagawa kapag dumating ang takdang araw na masuwerte para sa isang tao? Dapat ay alam mo at gawin mo na agad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-20-27-34-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lakas ng loob ang kailangan para masimulan ang matagal mo nang gusto na ikaw ay tuluyang umasenso. Muli, lakas ng loob ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-15-19-22-28-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Nakatutuwa ang mga umaawat sa iyo dahil alam naman nilang hindi ka kayang awatin. Ang mas maganda para sa kanila ay ang makiisa o umayon na lang sa mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-21-25-35-38.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, nagbalik ang mga araw na kung kailan mangyayari ang mga ayaw mo, pero sa huli ay sobrang magagalak ka dahil ang mga ito ay magbubunga ng magagandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-24-33-38-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hahawiin ng langit ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Kaya malaya mong maipatutupad ang iyong mga balak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-17-29-31-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalakas ang loob mo. Dapat ay magamit mo ito sa pagpapaunlad ng sarili mo at hindi sa pagharap sa mga kaaway o kontrabida sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-25-26-32-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakapagtaka dahil ang mga kaaway mo ay makikitang hindi sinasadyang nakakagawa ng magagandang bagay para sa iyo. Ang isa pang nakapagtataka ay magiging matamis ang anumang relasyong mapapasukan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-18-24-28-39-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Noon pa man, ang gulong ay mahalaga na sa buhay mo at ang gulong na ito ay ang “gulong ng kapalaran.” Hayaan at huwag mong kontrahin ang iyong gulong ng kapalaran habang ito’y umiikot nang umaayon sa mga plano at kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-15-23-33-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaya mong magagawa ang mga plano mo. Pansamantalang hindi makakaporma ang mga kontrabida sa buhay mo at sumalungat man sila, hanggang salita lang sila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-28-29-30-32.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit kailan, hindi maganda ang bugso ng damdamin. Dapat ay gumamit ka ng magagandang salita sa pagbulalas ng mga saloobin mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-26-30-35-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mapapakali, kumbaga, ikaw ay tayo-upo at lakad-balik. Ito ay malinaw na nagpapahiwatig na ang masasayang suwerte ay magdaratingan na sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-26-34-39-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Papasukin mo ang ihip ng hangin sa inyong bahay. Ito ang pampasuwerte mo at ikaw mismo ay magsasabi na kakaiba ang nadarama mo kapag ang hangin ay humahalik sa iyong pisngi. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-25-27-34-42.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 26, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 26, 2021 (Huwebes): Ipagpatuloy mo lang ang pagsisikap na matupad ang iyong mga pangarap. Huwag kang mag-alala dahil hindi ka mapabibilang sa mga sikap nang sikap pero walang nangyari sa kanilang pagpupursigi.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi umaatras ang mga suwerte mo. Kumukuha lang ang mga ito ng malakas na buwelo nang sa gayun ay malubos ang kaligayahan sa puso mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto17-20-24-30-33-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ingatan mong mahawa sa hindi mabubuting gawi at ugali. Inaasahan ng langit na mabubuhay ka sa magandang asal na magdadala ng katuparan ng iyong mga ambisyon sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto4-11-16-22-27-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Magtatangka ang lungkot na talunin ka, pero ang lungkot ay mabibigo. Ikaw ay likas na masayahin at nabubuhay sa positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto19-26-28-30-31-35.


CANCER (June 21-July 22) - Nagpapalitan ang araw at gabi habang ang mundo ay buhay na buhay. Huwag kang mabahala sa pagpapalitan ng lungkot at saya dahil ito mismo ang magpapaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto7-19-21-23-39-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo na kaarawan ay patuloy ka pa ring bibigyan ng regalo ng langit. Sa pagkakataong ito, magaganda at malalaki talagang suwerte ang matatanggap mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto6-11-18-21-24-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumilos ka nang kumilos. Ang taong kilos nang kilos, kahit kailan ay hindi mabibihag ng kabiguan at dumarami ang naiipong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto9-13-25-31-36-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ganito ang sabi ng isang sikat na awit, “Huwag mong ipangako ang bukas!” Para sa iyo, huwag mong isagad ang hawak mo dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto8-13-21-28-30-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka dahil malapit na ang kaarawan mo at kapag kaarawan mo na, ibig sabihin ay malapit na rin ang Pasko. Habang nagsasaya ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto19-21-29-36-45-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangan mo ang ilang araw ng pamamahinga dahil ikaw ay makikitang sobrang abala sa mga bagay na may kaugnayan sa iyong propesyon at pamilya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto18-25-26-34-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibibilang agad sa mga bigo ang naduwag sa laban ng buhay. Bakit ka maduduwag? Balikan mo ang iyong nakaraan kung saan nanalo ka sa hamon ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto1-12-17-20-24-27.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Harapin mo ang mga darating na araw na punumpuno ng positibong pananaw. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na nagsasabing, mapasasakamay mo ang maraming biyaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto18-20-26-27-35-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasasagap ng sarili mo ang nagdaratingan na masusuwerteng araw para sa iyo. Ito ang magpapalakas ng loob mo kaya mapabibilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto8-15-16-21-27-30.

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 25, 2021 (Miyerkules): Magagandang ideya ang labas-pasok sa iyong kaisipan. Kung lalakipan mo pa ito ng kaukulang pagkilos, ikaw ay tiyak na yayaman.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pakinggan mo ang nasa iyong isip na kailangang may gawin kang pagbabago sa iyong negosyo nang mapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-24-28-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng payo sa isang malapit sa iyo na minsan ka nang natulungan dahil sa kanyang mga opinyon. Hindi puwedeng ikaw lang ang magpapasya ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-14-22-28-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ngayon ang panahon para sa pagpapalit ng desisyon, kaya ipagpaliban mo muna at maghintay ng tamang panahon kung kailan aayon ang mga mahal mo sa buhay sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-26-30-34.


CANCER (June 21-July 22) - Kahit magkamali ka, huwag kang mag-alala dahil itutuwid din ng langit at mas pagagandahin pa ang takbo ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-25-27-35-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong mga kaalaman, lalo na sa alam mong puwedeng mapahamak dahil kapos sa karanasan. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-24-29-31-32-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang pabigla-bigla dahil ang pagkakamali ay resulta ng biglaang pagkilos na hindi pinag-isipang mabuti. Ang mas maganda, bumuo ka muna ng plano bago kumilos. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-23-28-38-40-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong lumipas ang natapos na. Hindi makagaganda sa buhay mo na muling buhayin ang wala nang pag-asa pang mabuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-26-29-30-34-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit pati ang iyong sarili ay kinokontra mo? Subukan mo nang gawin ang magandang sinasabi ng sarili mo at hindi maganda na madalas kang mag-aalinlangan sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-25-27-30-33-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo lang ang iyong kilos. Kapag may nagsabi na ito ang maganda, ito ang mabuti at tama, ‘wag mong pansinin nang hindi ka magsisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-16-25-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lahat ng magandang magsalita ay dapat paniwalaan. Ang totoo, ikaw ay pinapayuhan na kapag magaganda ang iyong maririnig, lumayo ka sa kanila. Mientras maganda ang sinasabi, malamang na lokohin ka lang sa huli. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-18-21-27-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi sinasadyang nalilinis ang paligid dahil sa ihip ng hangin. Ngayon, may hangin ng kapalaran kung saan daraan sa iyo ang mga lungkot kaya mawawala at mapapalitan ng pag-asa at kakaibang saya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-29-37-39-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sisilipin ka ng isang magandang kapalaran at kapag ikaw ay natagpuang may positibong pananaw, siya ay dadapo sa iyo hanggang sa malubos ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-19-25-27-33-35.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page