top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 19, 2021



Pansamantalang sinuspinde ang mga flights papuntang Hong Kong mula sa India, Pakistan at Pilipinas nang dalawang linggo simula bukas, April 20, dahil sa N501Y mutant COVID-19 strain, ayon sa awtoridad.

Noong Linggo, nakapagtala ang Hong Kong ng 30 bagong kaso ng COVID-19 kung saan 29 diumano ang “imported cases.”


Saad ng pamahalaan ng Hong Kong, "It applied the criteria of the newly implemented place-specific flight suspension mechanism retrospectively for 14 days on places where there had been imported cases confirmed by arrival tests that carried the N501Y mutant strain.


"India, Pakistan, and the Philippines all had a seven-day cumulative number of relevant cases that reached the criteria in the past 14 days."


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 5, 2021




Isang babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong, gayung negatibo siyang umalis sa ‘Pinas, kung saan tinatayang umabot na sa 16,406 ang mga OFWs na positibo sa virus, batay sa huling tala ng Department of Foreign Affairs (DFA).


Ayon sa ulat, lumipad ang babaeng OFW nu’ng Marso 13 patungong Hong Kong. Pagkarating sa Hong Kong ay sumalang uli siya sa swab test at dito nakumpirmang positibo na siya sa virus.


Mula sa airport ay kaagad siyang isinakay sa ambulansiya upang isugod sa ospital. Nilagnat at nagsuka siya. Matapos ang 7 araw ay inilipat siya sa hotel upang doon ipagpatuloy ang quarantine. Sinagot naman ng kanyang employer ang lahat ng gastos.


Paliwanag pa ng OFW, mayroon siyang medical certificate mula sa ospital na makakapagpatunay na negatibo siyang umalis sa ‘Pinas.


Sa ngayon ay hindi pa natutukoy kung saan siya posibleng nahawa.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page