top of page
Search

by Mai Ancheta @News | April 2, 2026



GSIS

Photo: File



Magpapatupad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng Balik-Ginhawa, isang tatlong buwang loan moratorium upang magbigay ng pinansiyal na tulong sa mga kawani ng gobyerno na naapektuhan ng mataas na presyo ng mga bilihin dahil sa krisis sa Gitnang Silangan.


Sa ilalim ng Balik-Ginhawa, sa halip na tradisyunal na moratorium na titigil ng tatlong buwan sa pagbabayad ng utang, ang GSIS ang magbibigay ng pera na katumbas ng tatlong buwan sa pamamagitan ng refund mechanism.


Sa ilalim ng programa, magpapatuloy ang loan deductions.


Makukuha ng mga miyembro ang pondo na lump sum sa pamamagitan ng direct crediting sa kanilang accounts.


Sa pamamagitan nito ay nakakatiyak ang GSIS na magagamit ng bawat miyembro ang pondo para sa kanilang personal na pangangailangan.


Para sa mga miyembro ng GSIS na nais maka-avail sa Balik-Ginhawa ay maaaring mag-apply sa GSIS Touch mobile application.


 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | Feb. 7, 2025



GSIS

Hello, Bulgarians! Maglulunsad ang Government Service Insurance System (GSIS) ng mas pinagaang na sistema sa pagtutuos ng penalties para sa mga hindi nabayarang loan ng mga miyembro.


Layunin ng bagong polisiya na tulungan ang mga miyembrong may unpaid loan na makabangon sa kanilang pagkakautang, habang hinihikayat din silang magbayad nang tama sa takdang oras.


Para mas madaling maintindihan ng mga miyembro ang kanilang babayaran, gagamitin ang simple interest sa pagkukuwenta ng penalties sa hindi nabayarang hulog ng loan. “Nauunawaan namin ang kalagayan ng aming mga miyembro, lalo na sa panahong mahirap ang gastusin,” pahayag ni GSIS President at General Manager Wick Veloso.


“Kaya naman gagawin naming mas simple ang pagtutuos ng penalties para malinaw sa kanila kung magkano ang dapat bayaran,” aniya.


Dahil dito, maibabalik sa magandang katayuan ang mga loan sa GSIS sa pamamagitan ng pagbabayad ng lahat ng hindi nabayarang hulog, kasama na ang penalties.


Para naman sa mga hindi kayang bayaran ang kabuuang halaga nang agaran, tatanggap ang GSIS ng partial payments para sa mga loan na hindi nabayaran nang hanggang anim na buwan.


Ang bagong sistemang ito ay magbibigay-daan sa mga borrower na mapabuti ang kanilang credit standing at magkaroon ng pagkakataong muling makapag-apply ng GSIS loans.


Sakop ng ilulunsad na patakaran ang lahat ng natitirang balanse ng mga aktibo at hindi aktibong miyembro, maliban sa service loans na nabayaran na.


Kasalukuyang inihahanda ng GSIS ang mga alituntunin para sa bagong polisiyang ito at iaanunsyo ang mga detalye sa lalong madaling panahon.


“Ang pagbabagong ito ay patunay sa pangako ng GSIS na bigyang ginhawa ang aming mga miyembro. Tinitiyak naming patuloy ang ‘Ginhawa for All’ sa lahat ng aming serbisyo,” dagdag ni Veloso.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

by Info @Brand Zone | Jan. 3, 2025





The Government Service Insurance System (GSIS) has set aside nearly P8.6 billion in emergency loans for 363,547 active members and old-age and disability pensioners affected by various typhoons.

 

In the province of Isabela, the deadline for application is on 4 January.

 

Deadline for application in the provinces of Ifugao and Nueva Vizcaya, and the towns of Burgos and Bautista in Pangasinan province is on 5 January.

 

The emergency loan window is also open in the provinces of Cagayan until 16 January; Albay on 23 January; Batangas, Camarines Norte, and Catanduanes, until 28 January.

 

Qualified borrowers in the provinces of Quezon (excluding Lucena City), Camarines Sur, and Laguna; city of Naga; municipalities of Juban, Bulan, Irosin, Barcelona, Donsol, Matnog, and Castilla in Sorsogon; and municipality of San Fernando in Masbate have until 30 January.

 

Application for the following areas in Sorsogon has been extended until 5 February: Sorsogon City, Bacon, Casiguran, Bulusan, Magallanes, Santa Magdalena, Gubat, Prieto Diaz, and Pilar.

 

In the municipalities of Pio V. Corpuz and Uson in Masbate province, deadline for application are on 12 and 21 February, respectively.

 

Eligible to apply are active members who are working or residing in the calamity declared areas, have no due and demandable loan, not on unpaid leave, have paid premiums in the last six months prior to application, have no pending administrative or criminal case, and with a net monthly take-home pay of at least P5,000 after deductions.

 

Under the emergency loan facility, qualified members who have existing emergency loan may borrow up to P40,000 to pay off their previous emergency loan balance and enable them to receive a maximum net amount of P20,000. Those without existing emergency loan may apply for P20,000.

 

Old-age and disability pensioners may also apply for a P20,000 emergency loan, provided they are residing in the calamity areas and their net basic monthly pension is at least 25% after loan deductions.

 

Members and pensioners may apply for the loan through the GSIS Touch mobile application, which may be downloaded from the Google Play and Apple App stores.

 

The loan proceeds are electronically credited to the borrowers’ eCard or UMID card.

 

The loan comes with a 6% interest rate, no service fee, and payment period of three years. It includes a redemption insurance, which ensures that the balance will be deemed fully paid in the event of the borrower’s death, as long as payments are up-to-date.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page