top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | March 17, 2021



ree

Iba nga talaga magbiro ang tadhana para kay ONE women’s Atomweight No.1 contender Denice “The Menace” Zamboanga dahil ang pinaka-aabangan at pinaka-eksperyensyadong fighter na si dating UFC fighter at Road FC women’s Atomweight champion Seo Hee “Hamderlei Silva” Ham ng South Korea ang unang susubok sa tatag at tikas ng undefeated Pinay sa ONE Grand Prix na magsisimula sa Mayo 28.


Tila iginuhit ng tadhana ang maaagang pagtatapat ng isa sa mga itinuturing na paghahandaan ng husto ng 24-anyos na Sentoukaikan Karate fighter dahil sa lawak ng karanasan nito sa larangan ng mixed martial arts. “Siya (Ham) sa tingin ko ang pinaka-aabangan ko talaga kase siya yung No.1 atomweight in the world. Siya rin yung may pinakamaraming experience sa aming walo, gayundin yung taga-US (Alyse Anderson) at yung tiga-Japan (Itsuki Hirata), halos lahat pero sa akin yung si Ham,” esplika ni Zamboanga sa Sports on Air podcast.


Nakahanda ang 5-foot-2 Pinay fighter na paghahandaan ng todo at aaralin lahat ang mga kakayanan at kayang gawin sa laban ng dating DEEP, Smackgirl, ROAD FC at Jewels fighter, dahil paniguradong ito na marahil ang isa sa mga mabibigat na kalaban niya sa unang round pa lamang.


Hindi biro umano ang mga makakatapat niyang mga katunggali sa Grand Prix, dahil sakaling makalampas man ito sa mabigat na pagsubok sa unang round ay maaaring makatapat nito ang magwawagi kina dating ONE Atomweight Muay Thai at Kickboxing World champion Stamp “Nong Stomp” Fairtex (5-1) ng Thailand at Ukrainian fighter Alyona Rassohyna (13-4).

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | March 17, 2021



ree

Nakamit ni dating two-time Southeast Asian Games medalist Orencio James “OJ” De Los Santos ang kanyang ika-9th gold medal at personal best na 27 points sa nagdaang #2 Katana Intercontinental league Paris.

Dinaig ng 31-anyos na dating national team member si Matias Moreno Domont ng Karate-Do Biel-Bienne Switzerland sa iskor na 27.44-26.32 sa championship round ng e-kata individual Male Seniors match. “In the final round, I faced Switzerland and ended up winning my 9th gold, and first to ever score a 27. That’s a new personal record to me,” pahayag ni De Los Santos sa kanyang Facebook account.


Bago nito makamit ang tagumpay ay tinalo muna nito sa point elimination sina Remi Bonneau ng France (20.6), Alfredo Bustamante ng Estados Unidos (24.36) at David Brierly ng England (22.26), habang nakamit nito ng De La Salle University graduate ang 24.72 iskor. Sa kabilang banda, tinalo naman ni Matias sa elimination round na nakakuha ng highest point na 23.52 sina Fabien Rassaby ng France (21.52), Nejc Sternisa (22.58) at French Joel Carpin (22.24).


Ito na ang ika-45th titulo ng 8-time national games champion kasunod ng panalo sa 2nd leg ng Sportsdata e-tournament World series, Adidas US Karate Open E-Tournament noong isang buwan, habang nanalo rin ito ng gintong medalya sa Athlete’s E-Tournament Series #1, at Budva Winner-Aria Cup #1 eTournament, habang nakuha nito ang ang pinakamataas na puntos sa online-virtual competition sa 1st leg ng Katana International League.


Nakapagwagi na rin ng ginto ngayong taon ang multi-titlist ng Philippine National Games (PNG) sa E-Karate World Series 2021, 1st Inner Strength Martial Arts International eTournament at 2021 Sportsdata eTournament World Series #1 online competition.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | March 15, 2021



ree


Sumakabilang-buhay na ang boxing legend na si undisputed middleweight champion Marvin Hagler, na itinuturing na isa sa mga pinakamatibay at pinaka-aabangang boksingero ng kanyang henerasyon sa edad na 66.


Kinumpirma ito ng kanyang kabiyak na si Kay sa kanyang post sa Facebook upang ihatid ang malungkot na balita sa kanyang mga tagahanga, bagaman, walang malinaw o opisyal na dahilan ng pagkasawi nito sa kanilang tahanan sa Bartlett, New Hampshire. “I am sorry to make a very sad announcement. Today unfortunately my beloved husband Marvelous Marvin passed away unexpectedly at his home here in New Hampshire,” ayon sa inilabas na liham ng kabiyak. “Our family requests that you respect our privacy during this difficult time.


Naglabas din ng sarili nilang statement at pagkilala ang Top Rank Promotions ni Bob Arum hinggil sa pagkasawi ng ikatlong boksingero na may pinakamatagal na may hawak ng unified championship sa kasaysayan sa 12-title defenses. Marvelous Marvin Hagler was among the greatest athletes that Top Rank ever promoted. He was a man of honor and a man of his word, and he performed in the ring with unparalleled determination. He was a true athlete and a true man. I will miss him greatly,” pahayag ni Arum.


Nagsimulang sumabak sa mundo ng boxing si Hagler simula noong 1973-1987 para sa kanyang kartada sa 62 wins 3 talo at 2 tabla, na may 52 panalo mula sa knockout. Ilan sa mga makasaysayang laban nito ay naganap noong 1985 matchup sa Caesars Palace sa Las Vegas, Nevada laban kay Thomas "Hitman" Hearns na binansagang “The War” dahil sa umaatikabong bakbakan nito.


Napanalunan ni Hagler ang World Boxing Council at World Boxing Association middleweight titles noong 1980 nang pigilan nito si Britain's Alan Minter sa ikatlong round sa Wembley Arena sa London, habang nakamit nito ang inaugural title na International Boxing Federation noong 1983.


Isa si Hagler sa tinaguriang “The Four Kings” ng Dekada 80 kasama sina Hearns, "Sugar" Ray Leonard at Roberto Duran.Sa isang dekada mula 1976 hanggang 1986, ay hindi nabahiran ng pagkatalo si Hagler para sa 36 sunod na panalo at isang tabla, para hirangin itong Fighter of the Year noong 1983 at 1985 ng Boxing Writers Association of America, habang binigyang parangal din ito bilang Fighter of the Decade nppng 1980s ng Boxing Illustrated.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page