top of page
Search

ni Gerard Arce - @Sports | March 21, 2023



Mga Laro Ngayon: Game 2: best of-three semifinals

(MOA Arena, Pasay City)


4:00 n.h. – PLDT High Speed Hitters vs Petro Gazz Angels

6:30 n.g. – Creamline Cool Smashers vs F2 Logistics Cargo Movers


Parehong pupuntiryahin ng Creamline Cool Smashers at Petro Gazz Angels ang maisakatuparang tuldukan ang kani-kanilang asignatura sa semis sa pakikipagharap kontra sa nanganganib mahulog na F2 Logistics Cargo Movers at PLDT High Speed Hitters sa Game 2 ng bakbakan ng best-of-three serye ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Kinakailangang bantayan at iwasan ng Creamline Cool Smashers ang mga nailikhang errors sa unang pagtutuos sa semis kontra Cargo Movers na pangunahing napansin ng beteranong si Michelle Gumabao na isang hakbang na lang patungong Finals. Naging malaking sandalan ng Cool Smashers ang 30-anyos na turn-beauty queen volleybelle upang ibigay sa Creamline ang pambawing panalo kasunod ng five-setter pagkabigo sa eliminasyon.


Lumikha ang dating DLSU Lady spikers ng kabuuang 21 puntos mula sa 20 atake at isang block para segundahan ang mainit na laro ni back-to-back conference MVP Diana Mae “Tots” Carlos na kumana ng ng triple-double mula sa 22 puntos sa lahat ng atake.


I think we need to work on our errors, first and foremost, especially on our serves, so that concept that we had 11 errors, talagang medyo masakit yun para sa amin, so kailangang mas tumatatag kami as the game goes by, we have to work on ourselves starting with practice, with training and we have to keep working hard talaga,” wika ng 5-foot-9 opposite hitter patungkol sa kabuuang 29 errors kumpara sa 22 lamang ng Cargo Movers.


Umaasa naman si F2 coach Regine Diego na makababalik sa laro si Myla “Bagyong” Pablo para tulungan ang opensiba ng kanilang koponan matapos magkaroon ng leg cramps at dating injury sa tuhod. Hinihintay ni Diego kung mismong si Pablo ang magsasabing maglalaro na ito.

 
 

ni Gerard Arce - @Sports | March 19, 2023



Naipaghiganti ng Creamline Cool Smashers mula sa malaking tulong kay Michelle Gumabao ang kanilang nag-iisang talo sa preliminaries kontra F2 Logistics Cargo Movers upang maiselyo ang Game 1 sa best-of-three semifinal series sa bisa ng 26-24, 25-18, 22-25, 25-15, Sabado ng gabi sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Rumatsada ng opensiba ang 30-anyos na opposite hitter ng kabuuang 21 puntos mula sa 20 atake at isang block, habang nanguna naman sa iskoring si Diana Mae “Tots” Carlos na kumana ng triple-double mula sa 22 puntos sa lahat ng atake, kaantabay ang 17 digs at 15 excellent receptions.


I think what more important is nakabawi kami sa mga errors naming in the past games, marami pa ring lapses this game, but medyo nagawan namin ng paraan, pero ang importante talaga we work as a team and working hard every single point,” wika ng 5-foot-9 volleybelle-turn-beauty queen matapos ang laro. “I think we need to work on our errors, first and foremost, specially on our serves, so that concept that we had 11 errors, talagang medyo masakit yun para sa amin, so kailangang mas tumatatag kami as the game goes by, we have to work on ourselves starting with practice, with training and we have to keep working hard talaga.”


Sumuporta rin sa paglikha ng puntos si 2019 conference MVP Jema Galanza na tumapos ng 12 puntos at siyam na receptions, gayundin si Jeanette Panaga na may 11pts, habang may nilikhang 26 excellent sets si Julia Morado-De Guzman kasama ang apat na puntos.


We are the teams that stuck with our line up throughout with the conference in the past, importante na talagang kilala na namin yung sarili namin so it’s really all about execution when were in the court,” paliwanag ni Gumabao.

 
 

ni Gerard Arce - @Sports | March 18, 2023



Sunod ng susuntukin ni 2016 Rio Olympian at undefeated Filipino boxer Charly “The King’s Warrior” Suarez ang World title fight matapos ang matagumpay na pagpapatumba kay Australian boxer Paul “2Gunz” Fleming nitong Miyerkules ng gabi kaantabay ng iba’t ibang regional titles ay IBO title Eliminator sa Kevin Belts Stadium, Mount Druitt sa Sydney, Australia.


Bumanat ng malupit na left hook ang 34-anyos na tubong San Isidro, Davao del Norte upang pabagsakin ang hometown-bet boxer sa ika-12th round para sa technical knockout panalo upang makuha ang bakanteng IBF Inter-Continental, IBO Inter-Continental, WBA Oceania at WBC Asian super-featherweight title, upang maidagdag sa kanya pang dalawang regional title na IBF Asia at WBA Asia na kanyang napagwagian noong nagdaang Disyembre 10, 2022 kontra Defry Palulu ng Indonesia na nagtapos sa second TKO na ginanap sa The Grand Ho Tram Strip, Vung Tau, Vietnam.


Puntiryang targetin ng three-time Southeast Asian Games gold medalist ang titulong hawak ni British boxer Anthony “The Apache” Cacace (20-1, 7KOs) sa kanyang susunod na misyon ngayong taon.


[Bale target] natin ang World Championship po, kasi IBO world title eliminator po yung isang pinaglalabanan natin,” pahayag ni Suarez. “Talagang, pinag-aaralan namin yung kalaban, kung ano yung nakikita namin sa mga naging laban niya, talagang pinagaralan namin.”


Hindi alintana ang kalamangang tangan ng katunggali mula sa mga huradong sina Dean Cambridge (106-103), Mick Heafey (107-102), at Richard Israel (108-101) bago nito mapabagsak ang dating unbeaten na Australian, nagpaulan ng mga maluluntong na suntok si Suarez (15-0, 9KOs) para pamagain ang mukha ni Fleming (28-1-1, 18KOs) hanggang sa tamaan ito ng isang solidong suntok upang tuluyang bumagsak sa sahig.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page