top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | April 30, 2023



Sinakmal ng National University Lady Bulldogs ang twice-to-beat advantage patungong Final Four matapos magpamalas ng all-around performance si reigning Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen na nagsumite ng pambihirang triple double upang pormal na selyuhan ang pagsungkit ng twice-to-beat advantage kasunod ng isang come-from-behind panalo laban sa nalaglag na Ateneo Blue Eagles, 21-25, 28-30, 25-14, 25-13, 15-13, Sabado ng hapon sa huling linggo ng eliminasyon ng 85th UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Sinuportahan ang 20-anyos na outside hitter mula Quezon City ng apat pang manlalaro ng Lady Bulldogs sa doble pigura, habang nagpamahagi rin ng mahusay na opensa si ace playmaker Camila Lamina upang makuha ni Belen ang game-high 26 puntos mula sa 25 atake, kasama ang game-high 19 excellent receptions at team-high 15 excellent digs ang 20-anyos na outside hitter mula Quezon City, habang sumegunda sa puntusan si Alyssa Solomon sa 25pts mula 22 kills, dalawang aces at isang block, kung saan namahagi si Lamina ng 17 excellent sets, kasama ang 3 puntos.


Inisip lang namin na [we need] na mag-focus sa game and do our best para makuha namin yung panalo,” pahayag ng last season Best setter na inakyat ang koponan sa 11-3 kartada at naghihintay na lamang ng makakatapat sa Final Four.


Tumulong din para sa Lady Bulldogs na malampasan ang mabagal na panimula ng masadlak sa magkasunod na sets mula kina middle blockers Erin Pangilinan at Sheena Toring na nag-ambag ng parehong 13 puntos, habang si last playing year senior Princess Robles ay kumarga ng 11pts. “Medyo started slow kami kase mukhang pinaghandaan talaga nila kami. But, we gave everything inside the court kaya nagawa naming makabalik,” saad ng 21-anyos na 5-foot-5 playmaker.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 27, 2023



Nakuha ng nagtatanggol na kampeong NU Lady Bulldogs ang huling twice-to-beat advantage papasok ng Final 4 matapos bardagulin ang UST Golden Tigresses sa pamamagitan ng 4th set panalo sa 25-16, 25-21, 17-25, 25-14, kahapon sa huling linggo ng eliminasyon ng 85th UAAP women’s volleyball tournament sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Maituturing na matamis na pagbawi ang ikinagat ni power-hitter Alyssa Solomon nang pangunahan ang Lady Bulldogs na maiselyo ang bentahe kasama ang league-leading DLSU Lady Spikers (12-1) sa may hawak ng naturang oportunidad.


Bumandera ang 6-foot-1 opposite hitter ng team high 17 puntos mula sa 15 atake at dalawang blocks upang maipaghiganti ng Lady Bulldogs ang unang paghaharap noong first round 5th set pagkatalo habang nasigurong may bentahe ito sa makakatapat sa semifinals kaantabay ang 10-3 kartada.


Siguro yung round one, masyado lang kaming kampante sa performance namin at tingin ko mas gusto nilang manalo, pero this time mas gusto naming manalo at 'di kami pumayag na matalo ng ganun-ganun lang,” pahayag ni Solomon na nanguna sa kabuuang atake ng Lady Bulldogs mula sa 51-of-165 kills, katulong si reigning Rookie/MVP Mhicaela “Bella” Belen na tumapos ng 16pts mula sa 13 atake, 2 blocks at isang ace, kasama ang 12 receptions, gayundin si juniors Finals MVP at rookie na si Vange Alinsug na may 10 puntos.


Naging maganda at maayos ang panimulang set ng Jhocson-based lady squad ng makalamang ito sa blockings at service aces, habang sumandal sa doble pigurang errors ang Golden Tigresses upang makabwenamano ng panalo.


Pinangunahan naman ni Solomon ang atake katulong sina Belen at Alinsug sa second set upang irehistro ang 17 atake sa second set. Subalit hindi pumayag ang Espana-based volleybelles na mawalis ng katunggali ng humirit ito ng 17-7 bentahe sa thirs set patungo sa 25-17 panalo matapos mag-init ang laro na siniklaban ng magandang kontribusyon ni Kecelyn Galdones.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 27, 2023



Habang lumalago ang bilang ng mga naglalaro ng ng makabagong Electronic Sports o E-Sports – tumataas din umano ang mga panganib sa mga kabataan sa kanilang kalusugan dahil sa maling pagpapatakbo ng pamumuhay matapos panibagong insidente ng pagpanaw ng dalawa sa kilalang personalidad sa industriya kamakailan.


Naging mainit na usapin ang hindi maayos na ‘lifestyle’ ng ilang mga manlalaro nito, partikular na ang mga nahuhumaling ng todo sa mga online games gaya ng Mobile Legends: Bang Bang, Dota 2, League of Legends, PUB-G, Age of Valor, Call of Duty at marami pang iba na nababalewala ang importansiya ng kalusugan maging ang pisikal na ehersisyo, tamang nutrisyon at balanseng pagkain.


Napabalitang sumakabilang buhay sina dating EVOS boot camp manager at isa sa mga kilalang pigura sa MPL na si Charles Dave “Chad” Dela Pena at RSG Ignite coach at isa sa mga unang manlalaro ng MPL Philippines Ivan Emmanuel “Coach Navi” Gacho, habang ngayong taon din pumanaw si dating MPL shoutcaster Rob Luna, samantalang may ilang insidente rin ng pagkawala ng buhay ng ilang mga naglalaro at nahihikayat ng husto sa online gaming.


Ayon kay Philippine Esports Organization (PeSO) secretary-general Joebert Yu, nakikita nitong nagiging malaking problema ng ilang players na mga kabataan ay ang kawalan ng disiplina sa sarili at kawalan ng tamang sistema sa paglalaro. Hindi na umano nagagampanan ng maigi ng ilan sa mga ito ang paglalaro ng limitadong oras na nagdudulot ng masamang epekto sa kanilang kalusugan.


It’s unfortunate that this happened, and I pray for the affected families as well as their esport organization they represent. [though] I’m not sure about certain changes. But there is definitely a need to create awareness especially physical and mental health issues,” pahayag ni Yu. “For PESO, we will discuss this, but on a separate note, we are going to create another organization to discuss issues like this and if ever do something about it.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page