top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | June 25, 2023




Hahambalos na sa professional league ang mga dating Adamson University Lady Falcons players na sina Trisha Gayle Tubu, Kate Santiago, Aprylle Tagsip at Jelean Lazo sa Farm Fresh Foxies sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na nakatakdang magsimula sa Hunyo 27 sa FilOil EcoOil Center sa San Juan City.


Kinumpirma ang pagsabak sa liga ng mga naturang manlalaro sa paglabas ng mga ito ng line up ng Farm Fresh sa official website na PVL.ph kasama ang karamihan sa bumubuo sa two-time National Collegiate Athletic Association (NCAA) champions na College of Saint Benilde Lady Blazers na pinagbibidahan ni 2022 season MVP Mycah Go, Jhasmin Pascual, Cloanne Mondonedo, Michelle Gamit at 2023 Finals MVP Jade Gentapa, gayundin sina dating Ateneo Blue Eagles players Joan Narit at Sofia Daniela “Pia” Ildefonso.


Nitong nagdaang linggo lamang ay nagdesisyong umalis sa koponan sina Tubu, Santiago, Tagisip, Rizza Cruz at ace playmaker Louie Romero matapos tanggalin sa Adamson si head coach Jerry Yee, na nitong Miyerkules lang ay sinalo ng UE Lady Warriors para gumabay sa koponan sa season 86th ng UAAP women’s volleyball tournament.


Nagkaroon umano ng ‘conflict of interest’ sa pagitan ni Yee at Adamson na pangunahing sponsor ang Akari, habang ang CSB Lady Blazers ay sinusuportahan ng Lao Family sa pangunguna ni Frank Lao, habang ang UE Lady Warriors ay sinimulang suportahan sa likod ng nakababatang Lao na si Jared.


Umugong din ang espekulasyon na maaaring lumipat sina Tubu at Santiago sa Lady Warriors, habang pare-parehong mayroong Games and Amusement Board (GAB) Special Guest License ang mga manlalaro ng Lady Blazers at mga dating Adamson players, kakailanganin lang magsilbi ng tig-isang taong residency upang masilayan sa season 87 ng UAAP.


Nakatakdang makatapat ng Farm Fresh sa Hunyo 27 ang All-Filipino Conference third placer F2 Logistics Cargo Movers na ipaparada ang mga rookies na sina Jovelyn Fernandez ng Far Eastern University at 85th UAAP champions Mars Alba at Jolina Dela Cruz, sa unang laro ng 1:30 p.m.



 
 

ni Gerard Arce @Sports | June 4, 2023




Tumapos sa 2nd place ang Pilipinas sa men’s 3x3 wheelchair basketball finals upang maiuwi ang silver medal nang payukuin ng Thailand sa 7-5, sa 12th ASEAN Para Games sa Morodok Techo National Stadium ng Elephant Hall 2 sa Phnom Penh, Cambodia.


Kahit na naunang tinalo ng Thailand ang Filipino Warriors sa preliminaries sa 18-6, nagawang maipanalo ang mga laro vs. Indonesia sa 11-5, Cambodia sa 14-5 at Malaysia sa 8-7 upang makaharap ang undefeated na Thai. Bronze ang Malaysia nang talunin ang Cambodia sa 17-8.


We started slow. We just started hitting the mark at the half, unfortunately it was too late. 3x3 is a fast-phased game so whoever blinks would be in deep trouble and unfortunately, it was us. In the later part, we played according to our game plan and executed well but it was too late,” wika ni coach Vernon Perea matapos ang laro.


Napantayan ng Pinoy Warriors ang nakuhang medalya noong isang taon, habang nanatiling kinapos sa 4th place ang Lady Warriors nang mabigo sa battle-for-third laban sa Laos sa 5-8. Napanatili ng Cambodia ang gold medal laban sa Thailand sa 11-9.“For the women’s team, our performance in the battle for bronze was way much better than yesterday (Friday). We lost to Laos by 2 points. Almost the same story with the men’s team, our first few minutes in the court was not that good but we gained control of ourselves as the game progresses so the girls have managed to keep the game very close till the end. A bit late but still, the girls have played their hearts out in that game. I hope we carry the good vibes into the 5 on 5 matches,” paliwanag ni Perea.

 
 

ni Gerard Arce / Clyde Mariano @Sports | June 3, 2023




Hiniya ng North Port ang pinapaborang Talk ‘N Text, 99-90, sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kagabi.


Determinadong manalo matapos matalo sa una nilang laro, nakipagsabayan ang Batang Pier sa Tropang Giga sa shooting contest at na outshot ang reigning Governors Cup champion.


Sa kabila nang pinapaboran dahil nasa kanila ang deadly trio na sina Jayson Castro, Roget Pogoy at Mikey Williams, matagumpay na natalo ng Batang Pier ang outstanding favorite Tropang Giga at ipinakita ng mga bata ni coach Bonnie Tan na kaya nilang talunin ang kahit sinong koponan sa liga.


Sabi ko sa kanila huwag kayong matakot at maglaro nang husto at kaya n'yong manalo. Yan ang ginawa nila naglaro nang husto. Masaya ako sa kinalabasan ng laro,” sabi ni Tan.


Dikit ang laban sa unang tatlong quarters at kinuha ng North Port ang panalo sa fourth quarter naungusan ang TNT 34-21.


Walang magawa ang TNT at tinalo ng North Port at ginantihan ang Tropang Giga na tumalo sa kanila, 110-134 sa Governors Cup.


Samantala, ipagpapatuloy ni dating national fencing athlete at dating University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s Rookie/MVP Maxine Isabel Esteban ang kanyang pangarap na makapasok sa Summer Olympic Games para katawanin ang bansang Cote d’ Iviore o Ivory Coast upang mahanap ang isang slot para sa 2024 Paris Olympics.


Kaugnay ito ng nirerepresintang bansa sa kanyang International Fencing Federation (FIE) profile na kasalukuyang nakapwesto bilang No. 84th sa buong mundo ang 22-anyos na 2019 Southeast Asian Games women’s team foil bronze medalist.


Nagpahatid ng liham ang Philippine Fencing Association (PFA) sa desisyon ni Esteban at hiniling sa FIE na talikuran ang tatlong taong paghihintay sa pagkatawan sa bansang Ivory Coast.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page