top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | July 22, 2025



Photo: Paaakkk! "Tinalo mo ako sa korona, makikita mong sa susunod nating rematch, tuluyan ko nang aagawin sa'yo ang championship belt!" tila bulong sa isip ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa 12 rounds welterweight bout nila ni Mario Barrios noong Linggo sa Las Vegas, Nevada.  Circulated Sports Photo


Makokonsiderang papaldo ng kita ang Filipino boxing legend na si Manny “Pacman” Pacquiao sa naging laban kay World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios na tinatayang aabot sa kabuuang $17-18 milyon o mahigit sa P1 bilyon sa 12-round title fight noong Linggo ng tanghali sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.


Hindi man nagtagumpay sa pag-agaw ng korona at makapaglista ng bagong kasaysayan bilang “oldest welterweight champion” sa edad na 46 at makuha ang ika-6 na welterweight title belt sa ika-16 na laban sa MGM Grand, nakakalula ang maibubulsa sa labang nauwi sa majority draw.


Kung susumahin ay kumikita si Pacman ng  $220-M sa net worth kaya't inaasahan na aangat ang kita sa mga bumili ng pay-per-view shares at boxing ticket sa mismong venue, plus  tumataginting na prize purse. Pumalo sa $12 milyon ang fight purse ni Pacquiao, habang may $500,000 o $1 milyon si Barrios. Labas pa umano rito ang revenues kabilang ang PPV at venue tickets.


Both Pacquiao and Barrios are in line to make a hefty chunk of change from their fight. Reports suggest that the challenger looks to make a base of $12 million and will take home a significant portion of the PPV sales. It is estimated that Pacquiao could end up between $17 million and $18 million for the fight,” ayon sa inilabas na report ng Yahoo Sports. “Barrios won't be as lucky, even if he wins. The champ is expected to have a baseline purse between $500,000 and $1 million. He will take home a good chunk of television revenue, but his overall net won't surpass $2.5 million.”


Nauna ng sinabi ni Pacquiao na hindi niya pinagtutuunan ng pansin ang kikitain sa 12-round championship fight, kundi ang makagawa ng panibagong kasaysayan bilang ‘oldest welterweight champion.”  

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | June 30, 2025



Photo: Nagwagi ang Petro Gazz Angels sa pagwalis sa lahat ng sets laban sa Galeries Tower Highrisers sa Pool A action ng 2025 PVL on Tour. CIrculated / Premier Volleyball League (PVL)


Mga laro sa Martes


(FilOil EcoOil Centre)

4:00 pm – PLDT vs Farm Fresh 

6:30 pm – Cignal vs Creamline 


Bawing-bawi sa pagkadismayang nakuha ang All-Filipino Conference titlists Petro Gazz Angels sa pagkabigong nalasap sa unang salang sa Premier Volleyball League (PVL) On Tour matapos walisin ang Galeries Tower Highrisers sa 25-23, 25-21, 26-24 kagabi sa unang sultada sa Batangas City Sports Center sa Batangas City.


Naiwasan ng Petro Gazz na madala pa sa extended na fourth set ang laro matapos kumana ng 6-1 run sa dulo ng third set kasunod ng hataw ng mahahalagang puntos ng beteranong spiker na si Nicole Tiamzon. Mula sa 20-23 bentahe ng Galeries ay sumiklab ang apat na sunod na atake ng Petro Gazz sa pangunguna ni Tiamzon para makuha ang 24-23 na bentahe. 


Nabuhayan ang Highrisers nang maitabla ni Batangas-native Jewel Encarnacion ang laro sa 24-all, subalit agad na ibinalik ang kalamangan sa Angels kasunod ng service error para sa 24-25. 


Bumida sa iskoring si dating two-time league MVP Myla Pablo sa 14 puntos mula lahat sa atake na sinundan ng tig-10 puntos nina Mary Joy Dacoron at Jonah Sabete, na sumalo rin ng siyam na excellent receptions. 


"Well 'yung nga sabi namin wag hanapin ang wala kung sino andyan sila mag-contribute sa team kase andyan naman sila at alam nila ang bawat galaw sila sa team. Maganda naman ang performance ng bawat isa, nagkulang lang kami sa adjustment nung una, at  kailangan lang namin ng maraming communication as a team," pahayag ni Pablo sa post press-conference. Bumagsak naman sa 0-2 rekord ang Galeries na pinagbidahan ni Ysa Jimenez sa 13pts mula sa 11 kills at dalawang blocks kasama ang walong digs., habang sumegunda si Roselle Baliton sa 10 marka at Encarnacion sa siyam.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | June 30, 2025



Photo: Pacquiao vs Barrios - PBC / Prime


Asinta ng nag-iisang eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao na siyento-por-siyento s’yang sasagupa kontra kay World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario “El Azteca” Barrios para sa 12-round main event title fight sa Hulyo 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.


Hindi nagpapa-awat sa pagsasanay at pagpapalakas ang 46-anyos na Filipino boxing legend upang malampasan at mapagtagumpayan ang 30-anyos na Mexican-American na tangan rin ang matangkad na height at angking reach advantage. Hindi kuntento ang bagong upong International Boxing Hall of Famer na magkaroon ng madaling ensayo at training camp, lalo pa’t hangad nitong maagaw ang korona kay Barrios upang maiselyong muli ang panibagong rekord sa kasaysayan bilang ‘oldest 147-pound boxer’ sa buong mundo.  


I’m happy with these first 30 days I’ve been in L.A. We’ve reached the level we wanted to accomplish. Right now – [through] this weekend and next – we’re in heavy training. Then, we’ll wind down,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng Boxingscene. “Most fighters come back at like 50-60 percent condition, just to come back. I don’t want that. I want 100 percent.”


Walang patid sa paghahanda sapol ng dumating sa Los Angeles, California si Pacquiao, na agad na nagtungo ang Pinoy southpaw sa pamosong Wild Card Boxing Gymnasium para muling makasama ang boxing hall of fame trainer na si Freddie Roach, gayundin ang ibang miyembro ng ‘Team Pacquiao’ na sina Marvin Somodio, Australian Strength and Conditioning coach Justin Fortune at malapit na kaibigang si Buboy Fernandez upang simulan ang intensibong pagsasanay.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page