top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | August 3, 2023



Tatangkaing magpamalas ng lagim sa boxing ring ni Filipino boxer Garen “Hellboy” Diagan upang maagaw ang World Boxing Organization (WBO) minimumweight title sa kampeong si Puerto Rican Oscar “El Pupilo” Collazo na idedepensa sa unang pagkakataon ang korona sa Coliseo Roberto kanyang tinubuang lupa sa Agosto 26.


Mayroong two-fight winning streak ang 27-anyos na si Diagan (10-3, 5KOs) mula General Santos City matapos makamit ang split decision panalo kay Vietnamese Huu Toan Le nitong Marso 25 sa Saigon Sports Club sa Ho Chi Minh City, habang pinatumba naman sa seventh round si dating IBO minimum titlist at dating WBC World challenger Simpiwe “Chain Reaction” Konkco nung Oktubre 1, 2022 sa Time Square, Menlyn sa South Africa.


Ito ang unang pagkakataon na sasabak sa World title fight si Diagan na minsang hinawakan ang Philippine Boxing Federation light-flyweight title nung 2019, subalit nabigong masungkit ang WBC Asian light-fly kay Danai “Laser Man” Ngiabphukiaw ng Thailand sa unanimous decision para sa kanyang huling talo noong Hulyo 30, 2022 sa Suamlum Night Bazaar sa Bangkok, Thailand.


Ilang buwan pa lamang ng magtala ng panibagong rekord ang 26-anyos na southpaw na si Collazo (7-0, 5KOs) ng maging pinakamabilis na kampeon sa Puerto Rico sa pitong labanan pa lamang ng paayawin ang dating kampeon na si Melvin “Gringo” Jerusalem sa pagtatapos ng 7th round nitong Mayo 27 sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California sa Amerika.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | August 3, 2023



Sumisid ng panibagong record breaking performance si Krystal Ava David ng National Capital Region nang kunin ang kabuuang tatlong gold medal matapos pangunahan ang Girls 7-12, 50-meters breaststoke at 200-m individual medley kahapon, habang lumista rin ng kambal na kampeonato si Francis Greg Espiritu ng Region 11 sa 2nd day ng swimming competitions sa 2023 Palarong Pambansa sa Marikina Sports Center.

Hindi nagpaawat ang 12-anyos na tanker mula Colegio de San Agustin nang lumikha ng rekord sa 50m breaststroke sa bilis na 36.51 segundo at wasakin ang 5-taong tala ni Raissa Regatta Gavino na 36.63 segundo.

Ito na ang ikalawang beses na hinigitan ni David ang rekord ni Gavino ng gumawa ito ng bagong lista sa 100-meter breaststroke sa oras na 1:17.98 sa dating rekord ni Gavino na 1:19.35 sa Dumaguete, Negros Oriental noong Abril 2013.

Pumangalawa kay David sa 50-m si Cathlene Hengania ng Region 10 sa oras na 38.09 segundo, na sinundan naman sa bronze medal ni Azula Elise Villanueva ng Region 3 sa 38.46 secs, habang nilangoy ni David ang 3rd gold sa 200-m IM sa oras na 2:37.32 para biguin si Liv Abigail Florendo ng Region 1 ng tumapos ito sa 2:39.64 na sinundan ni Anika Kathr Matiling ng Region 6 sa oras na 2:44.65.

Kinuha naman ni Espiritu ang double gold performance sa boys 200-m IM sa secondary division sa oras na 2:14.27 at 50-m breaststroke sa oras na 30.25m. Nakakuha ng silver medal sa 200m si Jalil Sephraim Taguinod ng NCR sa oras na 2:14.58 at Jamesray Micheal Ajido ng Region 4-A sa 2:14.72, samantalang tumapos sa 2nd place sa 50m breaststroke si Lance Rafael Cruz sa 30.49 at Victoriano Martin Tirol IV sa 30.72 ng parehong NCR.


Humagis naman sa ginto sa Boy's javelin throw si John Kervy Dianito ng Region 11 sa layong 57.01m. Winalis naman ng Region 6 ang lahat ng medalya sa boy's elementary triple jump nang pangunahan ni Rhain Baladjay ang gold 11.37m.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | August 2, 2023



Tiwala si four division World champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na kaya niya pang makipagsabayan sa mga mahuhusay, malalakas at batang boksingero sa bantamweight division kasunod ng panibagong pagkatalo sa pro-career kontra Mexican fighter Alejandro “Peque” Santiago para sa bakanteng World Boxing Council (WBC) bantamweight title na nauwi sa unanimous decision nitong Linggo ng umaga (oras sa Pilipinas) sa 12-round title match sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

Wala pang planong isuko ni Donaire ang kanyang karera sa mundo ng boksing kasunod ng nakakadismayang pagkabigo na mariing sinabi ng 40-anyos na tubong Talibon, Bohol na hindi pa siya magreretiro dahil marami pa itong natitirang lakas para sumabak, subalit aminado itong hindi niya nagawang masunod ang kanilang game plan, gayundin ang pamatay na knockout punch kontra sa makunat at matibay na si Santiago (28-3-5, 14KOs).


I say hell no to that!” bulalas ni Donaire sa panayam ni Jim Gray pagkatapos ng laban. “I just trying to counter so much and his trying to put too much power to it and as everybody in the corner tell me to calm down and try the jab, and that’s how we practice, but there’s a remnant to fight like a warrior and that’s what I did and something that we didn’t train.”


Nabigong pahangain ni Donaire (42-8, 28KO) ang tatlong hurado na sina Max De Luca (113-115), Chris Migliore (112-116) at Steve Weisfeld (112-116) na pinaboran lahat ang mas batang Mexican boxer na nagpamalas ng agresibong atake sa dami ng inilabas na suntok upang makuha ang kanyang ikaapat na sunod na panalo at makuha ang kauna-unahang titulo matapos mabigong maagaw ang IBF super-flyweight title kay Jerwin “Pretty Boy” Ancajas nung Setyembre 2019 na nagtapos sa tabla.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page