top of page
Search

ni GA @Sports | January 3, 2024



Kinumpirma ni 8th division world champion Manny “Pacman” Pacquiao ang posibleng ikalawang bakbakan kay dating undefeated at retired Future Hall of Famer Floyd “Money” Mayweather Jr. ngayong taon para sa pinaka-aasam na Pac-May 2 rematch kasunod ng anunsiyo nito sa RIZIN 45 fight New Year’s event.

 

Itinuturing na pinakamalaking boxing event ang salpukan nina Pacquiao at Mayweather na tumabo ng husto sa kita na tinaguriang “The Fight of the Century” at “Battle for Greatness” noong Mayo 2, 2015 na nagresulta sa 12-round unanimous decision panalo sa American boxer upang mapanatili ang WBA (unified), WBC, The Ring welterweight title at maagaw ang WBO belt na ginanap sa sold-out MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

 

Lumikom ito ng limpak-limpak na kita na umabot umano sa mahigit sa $400 million at PPV viewership na 4.6 million na pagbili upang tanghaling pinaka-pinanood na sporting event sa kasaysayan ng telebisyon at pay-per-view.

 

Sa kabila ng nakuhang tagumpay ng naturang bakbakan ay hindi na muling naulit ang kanilang rematch, kung saan nagtamo ng injury ang 45-anyos na Filipino boxing legend sa kanyang balikat upang hindi makalaban ng akma sa kanilang plano. Gayunpaman, maaaring maisakatuparan ang ikalawang paghaharap sa mungkahi ni Pacman na muli silang magharap.

 

Nauna ng inihayag ni Pacquiao sa isang boxing event sa Riyadh, Saudi Arabia na nakikipag-negosasyon ang kanilang kampo na maitulak ang laban sa Tokyo, Japan para umano sa isang exhibition match. Thank you so much for inviting me here again. I’m sorry for the last time I promise that we’re going to fight this year, but [as they explain], but next year I hope to see you here in Japan with a big fight against Floyd Mayweather, I thought you wouldn't want me to say that. I am excited for that. Thank you for always supporting RIZIN promotions,” pahayag ni Pacquiao.                       

 

 
 

ni GA @Sports | December 19, 2023



Pinatunayan ni Cherry Ann “Sisi” Rondina na kayang abutin ng kanyang mga nagtataasang lipad ang mga bituin sa langit matapos hiranging pinakamaningning na manlalaro sa 6th Premier Volleyball League 2nd All-Filipino Conference para sa kanyang unang Most Valuable Player award sa liga matapos ang matagal na paghihintay na pagbabalik sa professional league.

 

Dehins naging kawalan o hadlang ang katangkaran ni Rondina pagdating sa pinapasok nitong laban, bagkus ay mas lalo pang pinag-igihan ang angking kakayanan at abilidad upang mas makatulong para sa Choco Mucho Flying Titans na makamit ang kauna-unahang landas patungo sa Finals sa ikalawang komperensya lamang matapos ang ilang taon sa Philippine national Beach Volleyball team.  

 

Maituturing na isa sa maliliit na manlalaro ang 27-anyos na power-spiker na tubong Compostela, Cebu na kasalukuyang bumabanat sa pro-league, subalit may angkin itong taas ng talon at puwersang daig pa ang mas matatangkad na katapatan kaya’t siyang pangunahing sinasandalan ng Flying Titans sa bawat giyerang pinapasok.

 

“Maraming salamat po sa pumunta rito para manood ng game namin. Wala naman po akong ibang masabi kundi maraming, maraming salamat kina Sir Jonathan (Ng), Rebisco management.

 

Salamat po sa inyong lahat,” pahayag ni Rondina sa kanyang MVP speech sa record breaking 24,459 manonood sa Smart Araneta Coliseum. “Hindi man po namin nakuha yung gold ngayon, pero itong award para sa team po namin.”

 

Tumapos sa eliminasyon ang dating Santo Tomas Golden Tigresses star at multiple collegiate MVP awardee sa ikalawang pwesto sa pagtatapos ng preliminaries sa kabuuang 194 mula sa 173 spikes, 13 blocks at walong service aces, upang pumangalawa kay Filipino-Canadian Savannah Dawn Davison sa 202 total, subalit naging Top scorer sa semifinal round sa 236 puntos.          

 
 

ni GA @Sports | December 19, 2023





Parehong gigil at matindi ang pagnanais nina unified IBF/WBA champion Marlon “Nightmare” Tapales at unbeaten WBC/WBO titlist Naoya “Monster” Inoue na makuha ang pinaka-aasam na mga titulo upang maging ‘undisputed’ super-bantamweight title holder para sa pinaka-aabangang bakbakan sa Disyembre 26 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.

 

Todo ang pagsasanay at paghahandang ipinapakita ni Tapales (37-3, 19KOs) na ipinagpapatuloy ang lahat ng ito sa Baguio City, matapos simulan ang paghahanda sa Las Vegas, Nevada, upang maging kauna-unahang boksingerong gigiba sa undefeated Japanese champion matapos pataubin ang maraming Filipino, kabilang si four-division World titlist Nonito “The Filipino Flash” Donaire.

 

Aminado ang 31-anyos na tubong Tubod, Lanao del Norte na inaasahan niyang magiging mas matindi ang ipapakitang lakas at kondisyon kontra sa 30-anyos na nagmula sa Zama, Kanagawa lalo pa’t puntiya nitong maging two-division undisputed titlist tulad ni welterweight king Terence “Bud” Crawford.

 

Naging mas determinado ang dating WBO bantamweight titlist na makapag-ukit ng kasaysayan na hindi nagawa ng mga legendary Pinoy boxers na sina eight-division World titlist Manny “Pacman” Pacquiao, Donaire at Donnie “Ahas” Nietes. Nais pang pahabai ni Tapales ang kanyang winning streak sa lima na huling beses nabigo sa isang Hapon kay Ryosuke Iwasa sa 11th round TKO sa Barclays Center sa Brooklyn, New York nung Disyembre 7, 2019.

 

I think for me it’s really important because I need to throw a lot of punches, it’s helpful for me because it’s hard here to do it like because it’s really tiring but when I’m used to it I can do whatever I need to do. I want to go down as the first undisputed Filipino world champion,” paliwanag ng 5-foot-5 boxer na lalaban sa kanyang pinakamalaking laban sa karera sa boksing na buhos ang paghahanda sa training camp.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page