- BULGAR
- Mar 22, 2024
ni Gerard Arce @Sports | March 22, 2024

Patuloy na nagpapalakas si Olympic hopeful fencer Samantha Kyle Catantan na nananatiling wala pa sa siyento-por-siyento ang kalusugan ng tuhod nito makaraang magtamo ito ng pinsala sa kanyang ACL noong 2023.
Bahagyang nakahinga ng maluwag ang 2021 Southeast Asian Games women’s foil gold medalist na paunti-unting nakakabalik sa aksyon matapos ang isang buwang pagpapahinga at pagpapagaling. Nakatakdang sumabak ang Penn State University team captain sa pinal na estado ng US NCAA Fencing Championships simula Marso 21 hanggang 24 sa Colombus, Ohio. “Coming back to fence after 9 months of recovery from ACL surgery was such an experience. I’m grateful and excited to return to the sport I love and once again fence for the Philippines,” pahayag ng fourth-year student-athlete.
Napuwersang iatras sa kanyang huling salang sa Finals sa 2023 SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia ang 22-anyos na Pinay Fencer makaraang magtamo ng injury laban kay Kemei Chung ng Singapore sa semifinals, dahilan upang hindi na makalaban kay Maxine Wong ng Singapore sa gold medal match.
Sa kabila ng kahanga-hangang pagtapos na pumangalawa sa pangkalahatan sa Mid-Atlantic/South Regionals noong Marso 9 sa Drew University sa New Jersey, inamin ni Catantan na hindi pa rin siya ganap na nakabalik sa porma. “I’m not quite at 100% yet, pero nagiging close ako araw-araw. Currently, I still need to wear a functional brace for additional support while fencing. It's a temporary measure until I fully regain confidence in my movement,” eksplika ng dating University of the East junior fencer na aminadong masaya at kuntento sa kanyang naging laro, subalit nananatiling mataas pa rin ang inaasahan sa sarili. “I'm very happy with my performance, especially considering this was my international comeback tournament.”






