top of page
Search

ni Gerard Arce / C.Mariano @Sports | February 17, 2023





Nagsanib-puwersa sina Gabe Norwood at Andrei Caracut upang ibigay ang lamang sa RoS bago umiskor si Santillan ng winning basket sa papaupos na segundo. Bagamat hindi nakapaglaro si bagong import Greg Smith dahil hindi nakakuha ng clearance na makalaro sa FIBA World qualifying hindi nasiraan ng loob ang locals at binalikat ni Santillan ang panalo ng RoS.


Samantala, humarurot patungo sa malinis na 3-0 kartada ang Chery Tiggo Crossovers nang pataubin sa unahan ang pagsosyo sa liderato ng F2 Logistics Cargo Movers sa bisa ng straight set panalo 25-19, 25-14, 25-16, kahapon sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Bukod sa malulutong na hambalos ng 2022 Reinforced Conference MVP at league leading scorer Mylene Paat, kumarga ito ng game-high 22 puntos mula sa 20 atake at tig-isang ace at block, naging mabisa rin ang pambihirang floor defense ng Crossovers ng masalo nito ang 70-of-129 digs at 25-of-6 receptions sa pangunguna ng double-double ni ace libero Ria Beatriz “Buding” Duremdes na lumista ng 25 digs at 13 excellent receptions.


Nakikinig lang kami sa sinasabi ng coaches namin at ginagawa na lang namin. Isa pa napaka-thankful ko na tinututukan kami sa training kung anong gagawin namin sa loob ng court,” pahayag ni Duremdes na hinirang na Best Player of the Game.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 16, 2023





Mag-aagawan para sa pagsosyo sa liderato at pananatiling malinis ang kartada ang asam ng parehong Chery Tiggo Crossovers at F2 Logistics Cargo Movers sa pambungad na sultada ngayong araw, habang maghahanap ng unang panalo ang Army Black Mamba at PLDT High Speed Hitters sa tampok na laro sa pagpapatuloy ng eliminasyon ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Todo hatawan ang magaganap sa pagitan ng mga nangungunang scorer’s ng liga na sina 2022 Reinforced Conference MVP Mylene Paat ng Crossovers at nakabuntot na si Kim Kianna Dy ng Cargo Movers na magkaka-alaman kung sino ang mananatiling walang bahid ng pagkabigo at sososyo sa liderato sa powerhouse Creamline Cool Smashers sa 3-0, sa pambungad na paghaharap ng 4 p.m., na susundan ng tapatan ng parehong naghahanap ng unang panalo na Army Lady Troopers at High Speed Hitters sa tampok na laro ng 6:30 p.m.


Bida sa maagang pagsisimula ng liga ang 28-anyos na opposite hitter ng Crossovers na may naitalang 41 puntos kasunod ng malupit na pagratsada ng puntos sa dalawang magkasunod na panalo kontra Cignal HD Spikers at Army Black Mamba nang magrehistro ng 15 at impresibong 26 puntos, ayon sa pagkakasunod.


Nakabuntot ang 5-foot-10 na dating La Salle Lady Spiker na si Dy na kumubra ng pinagsamang 34 puntos na panalo laban sa PLDT High Speed Hitters at pangwawalis sa Akari Chargers.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 15, 2023





Mga laro sa Huwebes: (Philsports Arena)

4:00 n.h. – F2 Logistics Cargo Movers vs. Chery Tiggo Crossovers

6:30 n.g. – Army Black Mamba vs. PLDT High Speed Hitters


Inilista ng Cignal HD Spikers ang kanilang unang panalo mula sa malinaw na atake at matibay na floor defense upang diskargahin ang Akari Power Chargers sa Araw ng mga Puso sa straight set sa 25-23, 25-20, 25-14 sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, kahapon sa Smart Araneta Coliseum.


Kumarga ng 21 excellent sets ang 24-anyos na playmaker na si Maria Angelica “Gel” Cayuna kasama ang apat na puntos at walong excellent digs upang pagbidahan ang unang panalo ng 2022 Reinforced Conference runner-up, habang nakubra ni team captain Rachel Anne Daquis ang nag-iisang double-digit scorer sa 11 puntos mula sa walong atake at tatlong blocks, kaantabay ang pitong excellent receptions.


Naging halos patas naman ang takbo ng opensa para sa HD Spikers ng nag-ambag rin sina Roselyn Doria ng 9 puntos, Frances Molina sa walo, tig-pitong puntos nina Claudine Troncoso at Ria Meneses at anim na puntos ni Toni Rose Basas.


Sa training naman talagang naging masinop kami sa mga ganung crucials, kaya nagagawa namin hanggang dulo. Tina-trabaho naming yung kulang sa last two games namin,” pahayag ni Cayuna matapos ang laro matapos hiranging Best Player of the Game. “Personally, pinapanood ko yung mga highlights na kaya kong gawin, binalikan lang namin kung saan kami humuhugot ng lakas, kaya binalikan lang namin talaga,” dagdag ng dating Far Eastern University playmaker.


Matapos mangapa sa unang set ng HD Spikers kasunod ng dikitang laro na kinakitaan ng maraming errors ng bawat koponan, naging mas pursigido sa ikalawang set ang Cignal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page