top of page
Search

ni Lolet Abania | March 10, 2022


ree

Ipinahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na luwagan pa ang COVID-19 status ng bansa na gawing “Alert Level 0,” habang maraming lugar na ang nasa Alert Level 1.


Ayon kay Duque, nakapagtala na ng mas mababa sa isang libo ang mga kaso araw-araw ng COVID-19 sa anim na magkakasunod na araw habang ang National Capital Region (NCR) at 38 pang mga lugar sa buong bansa ay nananatili sa pinakamababang alert level system hanggang Marso 15.


“So far, so good naman ‘yung ating Alert Level 1. Kahit na maximum, 100% capacity na ang mga establisimyento, patuloy naman na bumababa ang ating mga kaso. Anim na araw na tayo na below 1,000 cases daily,” ani Duque sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.


“Hopefully, mapababa pa natin ito ng 500 or even less on a daily basis para talagang, malay natin baka pwede nang magde-escalate sa Alert Level 0,” dagdag niya.


Ipinunto naman ni Duque na ang element ng Alert Level 0 ay tatalakayin pa ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, at ng iba pang government advisers.


“Ano ba ang elements ng Alert Level 0? Kasi may mga tanong halimbawa, sa Alert Level 0, pwede na bang magtanggal ng mask? Pwede na bang ‘wag nang sumunod sa hand hygiene? ‘Yung mga ventilations, supisyente ba?” sabi ni Duque.


Marami aniyang mga tanong na kailangang sagutin habang ang mga expert panels at technical advisory group ay patuloy na ito ay pinag-aaralan. Magbibigay din aniya, sila ng rekomendasyon sa IATF sa mga susunod na araw.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 15, 2022


ree

Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa kanyang weekly taped “Talk to the People” briefing nitong Lunes ng gabi.


“You have done good sa iyong trabaho and the Filipinos will never forget that,” ani Duterte.


“It’s a sacrifice really for you, to continue doing it, and I had to ask you several times to stay on the job because we need you,” dagdag pa ng pangulo.


Matatandaang pinagre-resign ng mga kritiko, maging ng ilang mambabatas, si Duque dahil umano sa poor handling ng Department of Health (DOH) sa COVID-19 pandemic at sa umano’y irregularities sa paggamit ng pondo ng ahensiya.


Noong August 2021, sa kasagsagan ng mga panawagan na mag-resign si Duque, sinabi niyang walang problema sa kanya ang pagre-resign ngunit aniya ay hiniling sa kanya na ‘wag itong gawin.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 22, 2021


ree

Nagbabala si Health Secretary Francisco Duque III sa mga "super spreader event" na maaaring maging sanhin ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa mga susunod na buwan.


Ito ay matapos makitang dinadagsa ng maraming tao ang ilang pampublikong lugar, gaya ng "dolomite beach" sa Manila Baywalk.


"These are super spreader events. This is potential for a possible surge in the future," ani Duque.


“Hopefully we continue to discipline ourselves and comply with the minimum public health standards," dagdag niya.


Pero ayon din kay Duque, kung patuloy na bababa ang Covid cases ay posibleng maibaba pa sa alert level 1 ang NCR sa Disyembre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page