top of page
Search

ni Lolet Abania | May 10, 2021



ree

Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration ang mga airlines na tiyaking ang mga dayuhan na maaaring makapasok sa bansa lamang ang papayagang sumakay sa kanilang mga flights na patungo sa Pilipinas.


“We reiterate that only foreigners with valid and existing visas are allowed to enter the country. The entry of foreign tourists is still temporarily restricted,” ani BI Commissioner Jaime Morente.


Ayon kay Morente, ang mga dayuhan na kasalukuyang ipinagbabawal na pumasok sa bansa ay hindi pinapayagan pagdating pa lamang sa airport habang agad na pinasasakay sa flight pabalik sa pinanggalingang bansa.


Ayon din sa bureau, ang mga airlines ay posible ring pagmultahin at i-sanction dahil sa pagpayag sa tinatawag na “improperly documented aliens” na nasa flight.


“We are thankful that they have been very supportive, and understands that the IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) deems these actions necessary to curb the further spread of COVID-19 and its variants in our country,” saad ni Morente.


Ipinagbabawal na pumasok sa bansa ang mga biyahero na galing sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, at Sri Lanka epektibo hanggang Mayo 14.




Gayunman, ayon sa BI, ang mga dayuhan lamang na kuwalipikado sa balikbayan privilege ang exempted sa pagkuha ng entry visas. Kabilang sa mga balikbayan ay mga Pinoy at mga dating Filipino, kanilang dayuhang asawa at mga anak na kasama nilang bumiyahe.


Sinabi pa ng BI na maaari silang pumasok at manatili sa bansa nang isang taon kung saan ito ay visa-free.


Ipinatutupad din ng bureau ang IATF Resolution 114 na kinakailangang lahat ng darating na pasahero sa bansa ay sasailalim sa 14-day quarantine, kung saan ang unang 10 araw ay isasagawa sa isang quarantine facility.


“Following this, arriving aliens will be required to present a 10-day booking in an accredited quarantine facility,” ani BI Port Operations Division Chief Carlos Capulong.


“Failure to present a confirmed booking will result in exclusion,” dagdag ni Capulong.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 17, 2021



ree

Pansamantalang ipagbabawal ng pamahalaan ang pagpasok sa bansa ng mga foreign national at balikbayan na hindi overseas Filipino workers (OFWs) simula sa Sabado, March 20, hanggang April 19 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Pahayag ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa Memorandum Circular No. 5, s. 2021, “In light of efforts to prevent the entry of SARS-CoV-2 variants from other countries and the further rise of cases, all concerned agencies are hereby directed to limit the number of inbound international passengers/arrivals to only One Thousand Five Hundred (1,500) a day and to temporarily suspend the entry of Foreign Nationals and Returning Overseas Filipinos (ROFs) who are non-OFWs.”


Samantala, exempted diumano sa naturang kautusan ang sumusunod:

• Holders of 9(c) visas;

• Medical repatriation and their escort/s duly endorsed by the DFA-OUMWA or OWWA;

• Distressed ROFs duly endorsed by DFA-OUMWA; at

• Emergency, humanitarian, and other analogous cases approved by the NTF-COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page