top of page
Search

darating na love life ngayong 2021


ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 18, 2021





ree


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong taong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012 at 2024, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Dragon.


Samantala, narito naman ang pangkalahatang pagtaya sa inaasahang magiging kapalaran ng mga Dragon sa buong 2021.


Sa unang bugso pa lang ng taon, higit lalo sa unang quarter o mula Enero at abot na abot pa hanggang Marso at Abril, hindi dapat magpabigla-bigla at magpadalos-dalos ng desisyon dahil sa isang biglaang pagkakamali, ang magagandang ipinapangako ng taong ito ay maaaring mapurnada at maglaho.


Kaya anuman ang pagdedesisyunan ngayong taon, maging sa pag-ibig, negosyo, pinansiyal o career man, isipin mo munang mabuti at planuhin nang maingat ang mga kahihinatnan dahil kapag tama ka ng desisyon at diskarte sa unang buwan o quarter ng taon, ang suwerteng dulot nito ay magtutuluy-tuloy na sa buong taong 2021.


Sinasasabi ring sa simulang bahagi ng taon ay lubhang magiging mapalad at napaka-busy ng iyong mga schedule, na magdudulot naman sa iyo ng dagdag na oportunidad ng pagkakaperahan. Kasabay nito, tuluy-tuloy ding uunlad at lalago ang pakikitungo mo sa mga kaibigan at pakikisama sa lipunan. Gayunman, may babala na sa sandaling pinairal mo ang init ng ulo at padaskol na pagdedesisyon, ang lahat ng magagandang oportunidad na ipinapangako ng taong ito ay maaaring sumablay at tuluyang mapurnada. Kaya dapat panatilihin ang pagiging kampante at mahinahon upang magtuluy-tuloy ang malalaking dating ng suwerte sa buong taong ito ng 2021, higit lalo sa buwan ng Setyembre at Oktubre, kung saan malalaki at magaganda ang mga oportunindad at suwerte ang tiyak na magaganap sa iyong karanasan.


Dagdag pa rito, tinataya ring sa buong 2021, dramatiko at dahan-dahang aangat ang aspetong pangkabuhayan at pagkakaperahan. Ngunit sa panahong kumikita ng malaking halaga, 'wag ka namang masyadong maging greedy o mapaghangad dahil may babala rin na maaaring bigla kang maloko ng malaking halaga sa mga gawaing may kaugnayan sa scam at pyramiding.


Sa pag-ibig at romansa, sa mga may asawa at kapareha na, inaasahan naman na higit na iigting ang romansa at pagmamahalan ngayong 2021 kung saan mapapansin mong higit na magiging agresibo ang iyong kapareha, na dapat mo namang palaging pagbigyan, upang lalo pang sumarap at uminit ang inyong pagmamahalan.


Sa mga single, magiging paborable ang kapalaran sa buwan ng Hunyo at Oktubre kung saan maaaring dumating na ang hinihintay na prinsesa o prinsipe ng iyong buhay, ngunit ito ay mabilisan lamang na magaganap, kaya kapag ito ay iyong pinalagpas, muling babalik at kakatok ang nasabing dating ng pag-ibig at pakikipagrelasyon sa susunod pang taong 2022.


Ibig sabihin, kapag may dumating sa buwan ng Hunyo o Oktubre, kailangang maging alerto ka at mapagmatyag, sunggaban mo agad dahil kapag ito ay pinalagpas mo pa, maghihintay ka ng isa pang taon, na may pangako namang higit na magiging paborable, romantiko at mas masarap kung ikukumpara ngayong 2021 na hindi pa masyadong stable o panatag ang iyong kapalaran pagdating sa love life.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 16, 2021



ree


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging sadlakang kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012 at 2024, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Dragon.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sinasabing sa mura o maagang edad, madaling nai-in love ang isang Dragon at kapag hindi nila nakatuluyan ang kanilang puppy love, malamang na iburo na lang niya ang kanyang buhay sa pagtandang binata o dalaga.


Subalit sa totoo lang, karamihan naman talaga sa isang Dragon ay hindi nakatutuluyan ang kanilang first love. Ang kadalasan pa ngang nangyayari, tulad ng nasabi na ay nabibigo sila sa unang pag-ibig. May mga Dragon na hindi na nakaka-recover sa kabiguang ito kung saan kahit umibig pa siyang muli, hindi na kasing tindi ng nauna niyang pag-ibig. Kadalasan din, dahil nabigo sa unang pag-ibig o pakikipagrelasyon, nahihirapan na muling magtiwala ang isang Dragon na mayroon pang forever o totoong pag-ibig.


Sa kabilang banda, may mga Dragon naman na nakaka-recover sa unang pag-ibig o pakikipagrelasyon na nagdulot sa kanila ng matinding kabiguan at pagkasawi, ngunit bibihira lang sila at kung maka-recover man, upang habambuhay na maging maligaya, dapat ang kanilang maging ikalawang pag-ibig o pakikipagrelasyon ay kamukhang-kamukha ng kanilang unang nakarelasyon, lalo na sa pisikal na hitsura. Sa ganu’ng paraan, ‘pag may malaking pagkakahawig ang naging unang boyfriend o girlfriend sa ikalawang karelasyon, may pangako ng isang maligaya, maunlad at panghabambuhay na pag-ibig.


Dagdag pa rito, bagama’t mahirap mapaibig ang isang Dragon o matagal siyang na-in love, sinasabi namang kapag nakuha mo ang kanyang tiwala at simpatya, tiyak namang panghabambuhay ka na niyang mamahalin.


Sa sandaling nagtiwala ang isang Dragon, isang pagkakamali mo lang sa kanya, ‘yun bang sinira mo ang pagsamba at pagtitiwalang ibinigay niya sa iyo, sobrang hirap na siyang magpatawad dahil bago ka pa nagkasala, hindi niya lubos na maisip na ang pagsamba at pagmamahal na ginawa niya sa iyo ay magagawa mong sirain sa isang iglap o biglaang pagkakamali lamang. Kaya kung ikaw ay may boyfriend o girlfriend na Dragon, hindi mo siya dapat pagsamantalahan o lokohin dahil kapag ganu’n ang nangyari, akala mo lang na pinatawad o nauto mo siya, pero darating at darating ang panahong gagantihan ka niya nang palihim o lantaran dahil sa isang panloloko o pagkakamali na nagawa mo sa kanya.


Tugmang-tugma naman sa isang Dragon ang may karisma ay may pagkatusong Unggoy. Sa pagnenegosyo at aspetong pagpapaunlad ng kabuhayan, eksakto naman sa isang Draon ang Rat o Daga dahil ang kanilang pagsasama ay siguradong magiging maunlad at maligaya.


Aalagaan naman ng Snake at lilimitahan ang pagiging sobrang agresibo ng isang Dragon, habang mapapawi ang pag-aalinlangan at lalo namang lalakas ang loob ng isang Snake at lalo pang magiging masigla kapag kasama niya ang isang Dragon dahil mararamdaman ng isang Ahas ang tunay na security sa piling ng isang matapang na Dragon.


Ang pagsasama ng parehong Dragon ay pinaniniwalaan ding tugma at compatible, kaya nakasisiguro rin sila ng masagana at maligayang pagsasama habambuhay.


Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast | March 13, 2021



ree


Ipagpatuloy natin ang pag-aanalisa sa pangunahing ugali at magiging kapalaran ng animal sign na Dragon ngayong Year of the Metal Ox.


Kung ikaw ay isinilang noong 1928, 1940, 1952, 1964, 1976, 1988, 2000, 2012 at 2024, ikaw ay naiimpluwensiyahan ng animal sign na Dragon.


Sinasabi ring sa lahat ng gawain, palaging buo ang loob ng isang Dragon at sobrang lakas ng tiwala nila sa kanilang sarili. Dahil sa taglay na kakaibang tapang na ito at enerhiya, lumalabas kadalasan ang kanilang pagiging dominante. Gayunman, kahit sila ay may pagkadominante, hindi sila nawawalan ng alalay o tauhan na sumusunod at inuutus-utusan niya, kaya tulad ng nasabi na, kadalasan ay napaliligiran ang mga Dragon ng mga tapat na tauhan at utusan na lalong nagpapayaman at nagpapalakas sa kanilang impluwensiya.


At dahil ang isang Dragon ay palaging masigla at punumpuno ng enerhiya sa kanilang buhay, hindi puwede sa kanya ang walang ginagawa dahil kapag ganito ang sitwasyon ng isang Dragon, pihadong manlulumo at magkakasakit siya. Kaya naman ang pinakamabuti, pinakadakila at pinakamapalad at pinakamayamang Dragon ay silang mga aktibo, palaging busy at maraming ginagawa. Sa puntong ito, bukod ang nasabing Dragon ay talaga namang magiging mayaman at dakila, tunay na sa ganu’ng sitwasyon lamang ng buhay, ‘pag maraming ginagawa ang isang Dragon, talaga namang siya ay magiging maligaya.


Kaya naman kapag ang Dragon ay naglayon o may gusto siyang abutin at talagang nagpokus siya rito, walang duda na ito ay kanyang makakamit. Karamihan sa Dragon ay sobrang laki ng nagiging tagumpay sa kanilang buhay, ngunit ang nakababahala, may mga sandali sa kanilang buhay na matatagpuan mong bigong-bigo naman sila.


Ngunit kung ikaw ay Dragon at minsan nang nabigo, nalungkot o nasawi sa anumang aspeto ng iyong buhay, hindi ka dapat mawalan ng pag-asa dahil sa lugmok na senaryo ng iyong karanasan, biglang bababa ang isang anghel na ipinadala ng langit upang hanguin ka sa kumunoy ng mga problema. At sa sandaling nahango ka na, ang mga dating yaman at karilagan ng iyong buhay at karanasan ay tiyak na muling ibabalik ng langit na mas maganda at bonggang-bongga kung ikukumpara sa mga nakaraan mong tagumpay.


Samantala, dahil palaging kinakikitaan ng pagiging buo ang loob at madali niyang na-e-express ang kanyang sarili, bagay na bagay sa isang Dragon ang negosyong may kaugnayan sa pagbebenta dahil may kakayahan siyang ibenta ang anumang bagay na walang kakuwenta-kuwenta. Bukod sa pagbebenta, ang isang Dragon ay bagay din sa mga career at negosyong siya ang mamumuno o namamahala. Dahil sa sandaling naging manager o tagapamahala ang isang Dragon, tiyak na lalaki at lalago ang anumang kumpanya o organisasyon na pamumunuan niya.


Gayunman, dahil sinasabing sobrang tiwala sa sarili at malakas ang loob ng isang Dragon, sa rurok ng kanyang tagumpay, dapat namang mag-ingat siya sa mga taong kanyang pagkakatiwaalan, ganundin sa mga taong nakapaligid sa kanya, dahil may babala ng walang anu-ano ay bigla siyang tatraydurin ng nasabing mga taong akala niya ay tunay na kaibigan. At ang pagta-traydor na ito ang siya namang ikinababagsak ng napakagandang kapalaran ng isang Dragon.


Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page