top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 14, 2023

ni Mylene Alfonso @News | July 14, 2023



ree

Natupok ang bahagi ng ikalawang palapag ng Manila Hotel matapos na sumiklab ang isang sunog kahapon ng hapon sa Katigbak, parkway, Ermita, Maynila.


Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, alas-2:50 ng hapon nang magsimula ang sunog mula sa Health Club ng Manila Hotel na nasa ikalawang palapag.


Umabot ang sunog sa ikatlong alarma at idineklarang fire out alas-4:05 ng hapon.


Wala namang naiulat na namatay o nasaktan sa nangyaring sunog.


Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian.


 
 
  • BULGAR
  • Jul 3, 2023

ni Mylene Alfonso | July 3, 2023



ree

Natupok ang isang bahagi ng Diamond Hotel matapos sumiklab ang isang sunog, kahapon ng umaga sa panulukan ng Roxas Boulevard at J. Quintos Street, Malate, Maynila.


Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas-8:20 ng umaga nang mangyari ang sunog.


Nagsimula umano ang apoy sa sauna machine na ginagamit ng hotel kung saan idineklarang fireout, alas-9:22 ng umaga.


Wala naman namatay o nasugatan sa nabanggit na sunog at inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.


 
 

ni Gina Pleñago | June 3, 2023



ree

Tinatayang aabot sa halagang P40 milyon ang nilamon ng apoy sa sunog sa stock room ng isang sangay ng Mercury Drug, kahapon ng umaga sa Parañaque City.


Ilang katabing establisimyento ang nadamay kabilang ang isang computer shop, tanggapan ng isang security agency at pahayagang Brigada, isang boutique at maging ang bahagi ng Land Transportation Office (LTO).


Ikinuwento ng guwardiyang si Raymund Tojong, alas-8:30 ng umaga nang mawalan umano ng supply ng kuryente sa binabantayang drug store sa Olivarez Plaza sa Ninoy Aquino Ave., Bgy. San Dionisio, Sucat. Pinuntahan niya ang generator ng naturang

establisimyento upang ito’y paandarin,


Makalipas lamang ang ilang minuto ay bigla na lamang aniyang nagliyab ang kuryente malapit sa generator hanggang sa tumawid na ang apoy patungo sa stock room area kaya’t agad niyang iniligtas ang ilan niyang mga mahahalagang gamit.


Base sa ulat ng BFP na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. Gen. Kirby John Kraft, alas-10:25 ng umaga nang makontrol ng mga pamatay-sunog ang apoy na umabot sa ikatlong alarma hanggang tuluyang naapula ala-1:35 ng hapon.


Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Parañaque Bureau of Fire Protection (BFP) sa ilalim ng pangangasiwa ni Fire Marshal Supt. Eduardo Loon upang alamin ang dahilan ng pagsiklab ng apoy.


Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa naturang sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page