top of page
Search

ni Lolet Abania | May 6, 2021




Isang senior citizen ang namatay habang nasa 180 kabahayan ang natupok matapos sumiklab ang sunog sa Davao City, kagabi.


Kinilala ang 84-anyos na biktima na si Diosdada Alferez.


Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Davao City, nagsimula ang sunog sa tirahan ng isang Charice Acupiado sa isang residential area sa Barangay Tibungco dakong alas-10:00 ng gabi nang Miyerkules.


Itinaas sa ika-5 alarma ang sunog habang naapula ang apoy alas-2:34 ng madaling-araw ngayong Huwebes.


Ayon pa sa BFP, isang nakasinding kandila ang naiwan na naging sanhi ng sunog.


Tinatayang nasa P630,000 ang halaga ng napinsala dahil sa sunog.


 
 

PHOTni Lolet Abania | April 29, 2021




Isang retail property ng mga sasakyan na under renovation ang nasunog sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayong Huwebes nang umaga.


Sa report ng Taguig City Fire Department, sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali na pag-aari ng Toyota Philippines sa Bonifacio Global City.


Nagsimula ang sunog bandang alas-10:30 ng umaga, kung saan umabot sa unang alarma nang alas-10:45 ng umaga na itinaas sa ikalawang alarma nang alas-10:50 ng umaga at idineklarang under control nang alas-11:19 ng umaga, habang naapula ang apoy nang alas-11:33 ng umaga ngayong Huwebes.


Tinatayang limang sasakyan ang napinsala sa insidente. Wala namang naitalang nasawi o nasaktan dahil sa sunog.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga natupok na ari-arian.


 
 

ni Lolet Abania | April 28, 2021




Patay ang isang ina at 6-anyos nitong anak matapos na sumiklab ang sunog sa Sta. Cruz, Manila ngayong Miyerkules nang umaga.


Sinabi ng mga saksi, nakita pa nila ang mag-ina na sinusubukang makalabas mula sa nagliliyab na bahay sa bintana na nasa itaas na bahagi nito.


Una rito, nakarinig umano ang mga kapitbahay ng malakas na pagsabog mula sa bahay ng mga biktima. Nangungupahan lamang umano ang mag-ina sa nasabing bahay.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula ang apoy. Patuloy naman ang imbestigasyon ng BFP sa naging sanhi ng sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page