top of page
SPECIAL - SERIES NINA IAN AT HARVEY TUNGKOL SA DRUG WAR, IPINA-STOP SA YOUTUBE_FB Rhein En
Search

ni Gina Plenago @News | September 27, 2026



Richland Building sa Brgy. San Isidro, Parañaque City - Brgy. Moonwalk Fire & Rescue Brigade

Photo: Richland Building sa Brgy. San Isidro, Parañaque City - Brgy. Moonwalk Fire & Rescue Brigade



Tinatayang P30 milyong halaga ang natupok sa mahigit pitong oras na sunog sa Richland Building sa Brgy. San Isidro, Parañaque City.


Ayon sa security guard na si Ariel Seva, nakarinig siya ng pagsabog bago madiskubreng nasusunog ang bodega ng pintura at thinner.


Sinabi ni Parañaque City Fire Marshal F/Supt. Liher Barrios na umabot sa ikalimang alarma ang sunog. Mahigit 80 fire truck ang rumesponde bago ito nakontrol alas-6:29 ng Sabado ng umaga.


Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan.


 
 

ni Lolet Abania | July 3, 2022



Sumiklab ang sunog sa isang hotel sa Pasay City ngayong Linggo ng umaga, ayon Bureau of Fire Protection (BFP).


Batay sa isang report mula sa BFP-National Capital Region Public Information Office, nagsimula ang sunog sa kusina ng Sofitel Philippine Plaza Manila. Alas-11:37 ng umaga, itinaas sa unang alarma ang sunog.


Gayunman, idineklara ng BFP na under control ang sunog ng alas-12:01 ng tanghali habang fire out ng alas-12:09 ng tanghali.


Sa ngayon, wala nang iba pang ibinigay na detalye ang mga awtoridad. Patuloy namang inaalam ng BFP ang naging sanhi at pinagmulan ng sunog.Hotel sa Pasay City, nasunog Sumiklab ang sunog sa isang hotel sa Pasay City ngayong Linggo ng umaga, ayon Bureau of Fire Protection (BFP).


Batay sa isang report mula sa BFP-National Capital Region Public Information Office, nagsimula ang sunog sa kusina ng Sofitel Philippine Plaza Manila. Alas-11:37 ng umaga, itinaas sa unang alarma ang sunog.


Gayunman, idineklara ng BFP na under control ang sunog ng alas-12:01 ng tanghali habang fire out ng alas-12:09 ng tanghali. Sa ngayon, wala nang iba pang ibinigay na detalye ang mga awtoridad. Patuloy namang inaalam ng BFP ang naging sanhi at pinagmulan ng sunog.


 
 

ni Lolet Abania | June 20, 2022



Dalawa ang nasaktan habang 150 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Parañaque City, bago mag-madaling-araw ngayong Lunes. Nasa tinatayang 80 bahay ang natupok sa Valley 6 sa Barangay San Isidro.


Nagsimula ang sunog bandang ala-1:00 ng hatinggabi na umabot sa ikaapat na alarma. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nahirapan silang pasukin ang lugar dahil sa makitid na kalsada, may konstruksyon sa oras na iyon, habang malayo ang lokasyon ng fire hydrant.


Batay pa sa BFP, ang mga kabahayan ay makakadikit at gawa rin sa mga light materials. Nagtulung-tulong naman ang mga residente para apulahin ang sunog, kung saan kumuha sila ng tubig mula sa isang drainage system na kasalukuyang isinasagawa.


Nagsimula ang sunog habang karamihan sa mga residente ay natutulog na. Ilan sa kanila ang hindi na rin nasagip ang kanilang mga kagamitan. Apektado rin ng sunog ang isang bakery na pag-aari ng isa sa mga residente.


Ayon pa sa BFP, tinatayang aabot sa P600,000 ang mga ari-ariang napinsala. Alas-2:22 ng madaling-araw idineklarang ng BFP na under control na ang sunog, habang fire out naman pasado alas-4:00 ng madaling-araw.


Pansamantalang nanuluyan ang mga apektadong residente sa isang covered court ng barangay. Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang naging sanhi at pinagmulan ng sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page