top of page
Search

PARA SA OUTPATIENT HEMODIALYSIS

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 13, 2021

Hello, Bulgarians! Pinalawig kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang binabayaran nito sa hemodialysis hanggang 144 sessions para sa 2021 upang makatulong sa maraming Pinoy na nangangailangan ng pagda-dialysis dahil sa malubhang sakit sa bato o end-stage renal disease.

Ayon sa PhilHealth Circular No. 2021-0009 na agad nagkabisa kasabay ng paglathala nito noong Hulyo 2, 2021, ang karagdagang coverage para sa ika-91 hanggang ika-144 sessions ay magagamit lamang para sa outpatient hemodialysis ng mga pasyenteng rehistrado sa PhilHealth Dialysis Database.

Dahil sa nasabing extension, aabot sa P374, 400 ang benepisyong maaaring makamtan ng pasyente para sa kanilang gamutan ngayong taon. Maaari ring magamit ng kanilang qualified dependents ang nasabing benepisyo.

Siniguro naman ng PhilHealth na maaaring mag-direct file sa kanila ang mga pasyenteng lumampas na sa 90-session limit at nagbayad nang buo para sa kanilang dialysis bago pa malathala ang extension na ito upang makakuha ng refund.

Nilinaw pa ng PhilHealth na maaaring maka-avail ang mga pasyente ng maximum na 144 sessions ngayong 2021 kung ang kanilang pagda-dialysis ay batay sa prescription ng kanilang doktor.

Maliban sa hemodialysis, nagbibigay din ang ahensiya ng ayudang nagkakahalagang P270,000 kada taon sa mga pasyenteng sumasailalim sa peritoneal dialysis. Mayroon din itong Z Benefits para sa kidney transplantation na nagkakahalagang P600, 000 para sa mga kuwalipikadong renal patients.

Maaaring tumawag sa PhilHealth Action Center (02) 8441-7442 o magpadala ng e-mail sa actioncenter@philhealth.gov.ph.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 1, 2021

Hello, Bulgarians! Hinikayat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga health care facilities (HCFs) na nasa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19 na tinukoy ng Inter-Agency Task Force/National task Force Against COVID-19 (IATF-NTF) na mag-avail na ng Debit-Credit Payment Method (DCPM).

Ipinatupad ng PhilHealth ang DCPM upang mapabilis ang pagbabayad nito ng claims reimbursement sa mga pasilidad upang matiyak ang patuloy na paghahatid ng serbisyong medikal sa gitna ng pandemya. Unang ipinatupad ang DCPM sa mga pasilidad sa National Capital Region, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga at Rizal.

Ayon sa huling tala noong Hunyo 14, 2021, nakapagbayad na ng mahigit P6.3 bilyon ang ahensiya para sa kabuuang 206 ospital sa pamamagitan ng DCPM.

Alinsunod sa IATF Resolution Nos. 121, 118-A, 116-C, 114-C, 114-A at 113-A, s. 2021, pinalawak pa ng PhilHealth ang DCPM sa mga sumusunod na lalawigan at lungsod:

ree

Ang mga interesadong HCFs sa mga nabanggit na lugar ay dapat magsumite ng Letter of Intent sa PhilHealth Regional Office na nakasasakop sa kanilang lugar upang makatanggap ng agarang reimbursement sa ilalim ng DCPM.

Batay sa PhilHealth Circular No. 2021 — 0006, ang DCPM ay para lamang sa in-process claims na isinumite mula Marso 8, 2020 hanggang Abril 7, 2021, samantalang ang mga claims na ibinalik sa ospital, denied, iniimbestigahan, at naaprubahang mabayaran mula Abril 7, 2021 ay hindi na kasama sa DCPM.

Ang mga pasilidad ay dapat ding may claims para sa COVID-19, walang balanse sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) batay sa record, at hindi suspendido ang accreditation sa pagitan ng Marso 8, 2020 hanggang Abril 7, 2021.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 30, 2021

RECOMMENDED
bottom of page