top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 30, 2021



Hello, Bulgarians! Lalong pinaigting ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pagkilala sa mga natatanging Pilipino na nagbigay-karangalan sa bansa sa pamamagitan ng inilabas nitong mga bagong limbag na “New Generation of Philippine Postcards” na inilunsad ng Post Office sa Cebu City kamakailan.


Kasabay ng paglulunsad ng kauna-unang “1st Visayan Art Fair” sa Cebu, ang mga imahe o larawan ng mga tinaguriang Living Legends na ginawaran ng “bagong mga Postcards” ay sina:


Internationally recognized Filipino bowling world champion Paeng Nepomuceno, grandmaster Eugene Torre, theater actress at singer Lea Salonga, innovator at technology entrepreneur Diosdado Banatao, fashion designer at entrepreneur Josie Natori, National Basketball Association player Jordan Clarkson, billiard legend Efren “Bata” Reyes, iconic Filipino fast-food chain mascot Jollibee, at Cebuanong sina Kenneth Cobonpue, furniture designer, at Monique Lhuillier, a fashion designer; ang kauna-unahang Olympic gold medalist, weightlifter Hidilyn Diaz; mga Pilipinang nagwagi sa Miss Universe pageant tulad nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray at ang pagdiriwang ng ika-500 Quincentennial commemorations ng pagdating ni Sto. Niño sa bansa; ika-500 selebrasyon ng Labanan sa Mactan; at ang Murillo-Velarde map, tinaguriang “Ina ng mga Mapa sa Pilipinas”.


Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, “Stamps are windows through which we see the world. Postcards are the doors to which we explore it. Postcards are used to travel to distant lands, promote creativity and arts, express our feelings and emotions, while we keep in touch with our loved ones”.


“Ang Post Office ay hindi lamang maghahatid ng mga sulat at parsela, kundi magiging tagapagpadala at tagapagpakilala ng mga kapwa Pilipino na magbibigay-inspirasyon, pag-asa at magandang balita sa bansa at sa buong mundo”, dagdag pa niya.


Tampok sa bagong Postcards ang kalidad ng limbag na carboard o papel na 135 grams per square meter, makintab at matt finished, mas pinalaking sukat na 250mm (lapad) x 150mm (taas) at sukat parihaba, maliban sa Living Legends series na parisukat.


Ang naturang mga special postcards at selyo ay mabibili sa Cebu City Central Post Office (malapit sa Plaza Independencia) at Manila Central Post Office shop sa Liwasang Bonifacio.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 29, 2021





Hello, Bulgarians! Ayon sa isang nationwide trust survey ng mga pangunahing institusyon sa Pilipinas. Pag-IBIG Fund ang pinaka-pinagkakatiwalaang korporasyong pinamamahalaan ng gobyerno.

Ito ay ayon sa 2021 Philippine Trust Index (PTI), isang nationwide survey ng EON Group na bumabagtas sa iba't ibang background upang sukatin ang tiwala ng mga Pilipino sa gobyerno, sektor ng negosyo, media, non-government organizations, Simbahan at ng akademya.

“We are truly honored to be included in the list of most trusted government agencies. The latest results of the Philippine Trust Index and our 9th straight unmodified opinion from COA show that we have fulfilled our duties during the pandemic while still maintaining the highest standards of transparency and integrity in our work. This is aligned with President Duterte's vision of clean government with heart for service,” sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Binanggit sa 2021 PTI na, "Sa mga tuntunin ng mga ahensiya ng gobyerno, ang mga departamentong nakakuha ng pinakamataas na tiwala ay yaong mga tungkulin na nakikipag-ugnayan sa publiko, kahit na sa panahon ng pandemya tulad ng online na pag-aaral, regulasyon sa pananalapi, loan assistance at pamamahagi ng tulong."

Nakuha ng Department of Education ang pinakamataas na trust rating na 91% na sinundan ng Pag-IBIG Fund sa 89% – ang pinakamataas sa mga GOCC sa listahan.

“On behalf of all Lingkod Pag-IBIG, thank you for your trust, our dear members! As you know, we never stopped providing service even during the lockdown and community quarantines.


Instead, we improved our digital assets so you can continue transacting with us online. We have proven that during this health crisis, you can always count on our Lingkod Pag-IBIG brand of service. And, while we have previously received awards and recognition, we are even more grateful that it is the public itself, the people we serve, that ranked us as the most trustworthy GOCC in the country for 2021,” pahayag ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

KWF ngayong 2021



ni Fely Ng - @Bulgarific | November 28, 2021



Hello, Bulgarians! Para sa huling libreng onlayn talakayan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ngayon 2021, ipababasa ang “Otra Declaracion Desperada/Isa Pang Pangahas na Pahayag” ng makatang Ilokana na si Leona Florentino.


Tinatawag ang proyekto na Onlayn Talakayan sa mga Babasahin sa Kulturang Filipino at serye ito ng mga libreng sesyon sa pagbasa at diskusyon. Layon nitong magpasigla ng kultura ng pagbabasa at pagbabahagi ng kaalaman sa madla.


Sa mga nagdaang sesyon, pinag-usapan sa talakayan ang mga akda nina Emilio Jacinto, Antonio Luna, Apolinario Mabini, at Andres Bonifacio.


Kinakailangan lamang magpatala ang mga kalahok sa https://forms.gle/iqTWwogZGuVFdjjN9.

Pipiliin ng KWF ang 30 kalahok para sa nasabing talakayan.


Ipababasa sa mga kalahok ang nasabing teksto at pagkakalooban ng gabay ng video na magpapaunlad ng kanilang danas sa pagbása. Matapos nito ay lalahok sila sa isasagawang talakayan na gagabayan ng mga kawani ng KWF.


Tatanggap ang mga makatatapos ng sesyon ng katibayan ng paglahok. Itinuturing na isang haligi sa hanay ng mga makatang Pilipina si Florentino (1849–1884). Sumulat siya ng mga tula sa wikang Ilokano at Español sa panahong hindi pa gaanong naililimbag ang kababaihan.


Nailathala ang kanyang mga tula sa Francia, Estados Unidos, at España.


Para sa karagdagang detalye, maaaring magpadala ng email sa rrcagalingan@kwf.gov.ph, o bumisita sa kwf.gov.ph.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page