top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

and Conference


ni Fely Ng - @Bulgarific | December 28, 2021





Hello, Bulgarians! Nananatiling alalahanin ang pagpapautang dahil sa patuloy na pandemya ng COVID-19, maaaring ikonsidera ng mga institusyong pampinansiyal ang mga posibleng solusyon na out of the box, karaniwang paraan upang ma-secure ang impormasyon ng mga potensiyal borrower. At, gumamit ng teknolohiya para mapababa ang mga panganib ng pagpapahiram.


Nagpahayag si Union Bank of the Philippines (UnionBank) Senior Executive Vice-President, Chief Finance Officer & Treasurer, Jose Hilado, ng ideya bilang panelist sa 59th Annual Meeting and Conference of the Philippine Economic Society noong nakaraang buwan, na pinamagatang “Building Back Better the Philippine Economy” na tumutuon sa kung ano ang maaaring gawin ng mga stakeholder upang makatulong sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa. “Even if we want to lend, the demand is not there. We actually saw our corporate borrowers paying off their long-term loans because rates were now a lot lower. In the areas where you have demand, the credit process is more difficult, for example, the SMEs. While we are being encouraged to lend to the SMEs, it is not easy due to the absence of credit information,” pahayag ni Hilado.


Noong Hulyo ng nakaraang taon, hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga bangko na pagaanin ang kanilang proseso sa pagpapahiram. “As banks, we have a responsibility to our depositors and we have to make good credit decisions,” binigyang-diin ni Hilado. “So, [lending] has become challenging. The market that does not want to borrow, they have the credit information. The market that wants to borrow, it's hard to execute the lending because of its absence,” dagdag pa ni Hilado.


Samantala, ang President and CEO ng UBX na si John Januszczak ay nagsalita tungkol sa fintech company at sa UnionBank experience, sa sesyon sa Harnessing Digitalization for Economic and Financial Literacy. “We see huge opportunities to provide access by serving financial services digitally and of course, making a positive and material impact on financial literacy along the way. However, key challenges in technology and digital adoption remain,” saad ni Januszczak.


Nag-aambag ang UBX sa pagpapabuti ng financial literacy sa bansa sa pagbibigay ng mga digital na solusyon. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga serbisyo na mas madaling maunawaan at mas naa-access ng publiko/indibidwal, binabawasan ng UBX ang hadlang sa financial literacy.


Nakadagdag dito ang agnostic mindset ng kumpanya na nagbibigay-daan dito na makipagtulungan sa iba pang provider ng solusyon, para sa financial literacy at inclusion.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 20, 2021





Hello, Bulgarians! Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga bagong benefit package rates nito para sa plate-based at cartridge-based Reverse Transcription – Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) COVID-19 testing. Ang mga ito ay nakapaloob sa PhilHealth Circular No. 2021-0021 na naging epektibo pagkalathala nito noong Nobyembre 30, 2021.


Sa nasabing Circular, ang coverage ng ahensiya para sa plate-based RT-PCR ay nagkakahalaga ng P800 hanggang P2,800; at P500 hanggang P2,450 naman para sa cartridge-based tests.

Binase ng PhilHealth ang mga bagong rates sa revised costing estimates at price cap na itinakda ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI).


Dagdag ng PhilHealth, patuloy ang pag-monitor at pag-review nito sa implementasyon ng kanilang benefit packages para mabigyan ng financial risk protection ang kanilang mga benepisaryo.

Ang COVID-19 testing benefits ay maaaring ma-avail sa mga PhilHealth-accredited testing laboratories.


Paalala ng PhilHealth na ang isang miyembro ay entitled sa benepisyo ayon sa DOH guidelines sa priority sub-groups para sa SARS-CoV-2 testing. Sa kabilang banda, nilinaw ng PhilHealth na makatatanggap pa rin ng coverage ang mga magpapa-testing na hindi pa rehistrado sa Programa.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, magpadala ng text message sa 09216300009 para makatanggap ng callback mula sa Action Center ng PhilHealth. Magpadala ng mga komento, feedback, at suhestiyon sa actioncenter@philhealth.gov.ph. Maaari mo ring i-follow ang PhilHealth sa Facebook (www.facebook.com/PhilHealthOfficia) at Twitter (@teamphilheath).


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 17, 2021





Hello, Bulgarians! Iniulat ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy itong nagbabayad ng mga reimbursement sa ospital, na nakapaglabas ng kabuuang P165.8 bilyon na claim mula Enero 2020 hanggang sa kasalukuyan.


Dahil sa mga hamon na dulot ng pandemya sa mga operasyon nito, ipinatupad ng ahensiya ang Debit-Credit Payment Method (DCPM) para bigyang-daan ang mabilis na pagpapalabas ng pondo sa mga kuwalipikadong ospital sa buong bansa na nagsasaad ng intensiyon na gamitin ang bagong payment mechanism habang pinoproseso nito ang kanilang mga claim.


Sa ngayon, ang PhilHealth ay naglabas ng dalawang pagbabayad na nagkakahalagang P11.04 bilyon sa ilalim ng DCPM. Nakatakda itong maglabas ng mas maraming pondo para sa third wave sa pamamagitan ng Circular 2021-0023 na agad na nagkabisa pagkatapos mailathala noong Disyembre 8, 2021.


Sa ilalim ng third wave, ang mga ospital sa buong bansa ay kuwalipikadong mag-apply hangga’t sila ay namamahala sa mga kaso ng COVID at nag-aalok ng PhilHealth testing packages, ganap na na-liquidate ang kanilang IRM, at walang mga legal na kaso sa PhilHealth.


Napag-alaman ng Korporasyon na ang mga ospital sa Iloilo City ay kuwalipikadong mag-avail ng nasabing mekanismo mula nang magsimula silang makaranas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa unang bahagi ng taong ito. Nanawagan ito sa pitong ospital na mag-avail ng DCPM upang mapabilis ang pagbabayad, sa gayon ay matiyak at mapangalagaan ang kapakanan ng mga miyembro sa nasabing rehiyon.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page