top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 18, 2022





Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan ang paglulunsad at press conference ng GREEN GARDEN na dinaluhan ng malalaking media bureau personalities, VIP guest at iba pang kilalang personalidad sa Clark Freeport Zone, Pampanga, ang GREEN GARDEN ng Golden World Development Corporation ang pinaka-advanced luxury development sa gitna ng Clark Freeport Zone, na magbibigay-daan sa new era ng real estate industry.


Ang event ay pinangunahan ng opening remarks ni Golden World’s President Oscar Maglalang, Jr. na sinundan ng espesyal na mensahe mula sa Presidente ng Clark Development Corporation (CDC) na si PGGen. Manuel R. Gaerlan at mensahe mula sa Filipino Chinese Federation of all Circles Chairman General Manager Hanci Yang.


Ang nasabing five-star development ay nagtatampok ng world class amenities tulad ng indoor swimming pool, indoor gym, owner’s club, hanging garden, children’s play area at makabagong residential, commercial, entertainment at Hotel na may property management sa loob ng Clark Freeport Zone na 3 to 5 minutes travel papuntang Clark Airport, train stations, North Luzon Expressway (NLEX) at Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEx). Ang phase 1 project ay target matapos sa 2024.


Ang milestone at pag-unlad na ito ng Golden World Development Corporation ay nagpapakita na sa kabila ng pandemya, ang ating ekonomiya ay patuloy na tumataas kahit ang malalaking negosyo ay lubhang naapektuhan. Ito rin ay patunay na ang Pilipinas ay may napakalakas na partnership at pakikipagkaibigan sa mga Chinese investors, kaya nagbubukas ng mga bagong negosyo, oportunidad at trabaho sa bawat Pilipino sa Central North Community, lalo na sa mga taga-Pampanga.


Congratulations and kudos to the people behind Green Garden and Golden World Development Corporation. Maaaring bisitahin ang Green Garden Sales Office sa Claro M. Recto Highway, Clark Freeport Zone, Pampanga o tumawag sa 0969-2309999 para sa iba pang detalye tungkol sa proyektong ito.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 14, 2022





Hello, Bulgarians! Sinimulan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang pakikipag-usap sa mga supplier ng antiviral drug Molnupiravir, bilang paraan para tulungan ang maliliit na negosyo na ang mga manggagawa ay tinamaan ng COVID-19. Inaprubahan kamakailan ng Food and Drug Administration (FDA) ang Emergency Use Authorization (EUA) para sa Molnupiravir, isang oral medicine na nakatutulong para mabawasan ang malalang sintomas ng COVID-19.


Ayon kay Concepcion, paraan ito para tulungan ang maliliit na negosyo at mga partner ng “A Dose of Hope Program” na makakuha ng nasabing gamot para sa kanilang frontline workers na nahawaan kamakailan. Idinagdag ni Concepcion na ang paggamit ng nasabing antiviral drug ay may superbisyon at babantayang maigi ng mga doktor ng pribadong sektor. Batay sa kanyang inisyal na pakikipag-usap sa ilang supplier, sinabi ni Concepcion na ang presyo ng Molnupiravir ay naglalaro sa P1,991 hanggang P5,200 kada bote, depende sa dami ng order at sa supplier.


Sa katatapos na Town Hall Meeting na inorganisa ng Go Negosyo, sinabi ni Vaccine Expert Panel member at infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na nababawasan ang tsansa na maospital at masawi ng 30 porsiyento. Kapag pinag-aralan ang datos mula sa ilang pag-aaral sa India, nakatutulong din ang Molnupiravir upang mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 ng 50 porsiyento at 80 porsiyento sa ikatlo at ikalimang araw ng paggamit, ayon sa pagkakasunod.


Sa tulong nito, sinabi ni Solante na makababalik sa trabaho ang manggagawa dahil hindi na sila nakahahawa at walang anumang sintomas ng COVID-19. Sinabi ni Concepcion, sapat na ang Molnupiravir habang hindi pa dumarating ang Paxlovid, isang oral formulation na kombinasyon ng dalawang gamot na ibinibigay ng isang beses.


Maaaring magpadala ng mensahe ang may-ari ng maliliit na negosyo sa official Facebook ng Go Negosyo (https://www.facebook.com/gonegosyoofficial) para malaman kung paano makabibili ng Molnupiravir.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 10, 2022





Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay nagpapaalala sa lahat ng miyembro at employer na protektahan ang kanilang personal na impormasyon at maging mapagbantay laban sa mga fixer at scammers kasunod ng dumaraming ulat sa mga insidente ng pandaraya.


“We are deeply concerned with the increasing number of fraud victims who are mostly our members. That’s why we constantly remind them not to patronize these individuals. Never share your SS Number, My.SSS login credentials and other personal information with individuals who claim to be SSS employees because these will be compromised and used in illegal activities,” saad ni SSS President and Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.


Ayon sa SSS ang pagsali sa mga Facebook Group, na nag-aalok ng tulong tungkol sa iba’t ibang online transaksiyon na may bayad ang kadalasang dahilan ng scam. Paalala ng SSS na ang kanilang ahensya ay nagbibigay ng libreng serbisyo at hindi naniningil mula sa mga miyembro nito maliban sa pagpapalit ng Unified Multi-purpose ID Card (UMID).


Ang mga grupong ito ay itinuturing na ilegal at hindi awtorisado dahil nagagamit ito upang kunin ang personal na impormasyon ng indibidwal.


“We also reiterate that SSS shall not be held accountable for any transactions once the member is found to have connived with the fixer. This act is considered a violation R.A. No. 11032 or the Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 as well as R.A. 11199 or the Social Security Act of 2018. Hence, we strongly advise our members to coordinate with legitimate SSS branch personnel only. Aside from that, E-centers are also available in SSS branches where they can be assisted by our member service representatives.


We also made our My.SSS Portal and SSS Mobile App user-friendly which they can easily navigate and proceed with their online transactions,” dagdag ni Ignacio.


Ang mga concerned citizen at biktima ay maaaring mag-ulat ng mga fixer/scammer sa Special Investigation Department (SID) sa pamamagitan ng email fid@sss.gov.ph at numero ng telepono (02) 8924-7370. Para sa tamang impormasyon at update sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph,” Twitter sa “PHLSSS,” sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates,” o bisitahin ang uSSSapTayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page