ni Fely Ng - @Bulgarific | February 15, 2022

Hello, Bulgarians! Habang papalapit ang Mayo, mas lalong umiigting ang usaping pulitika, dahil na rin sa nalalapit na eleksyon. Kani-kanyang paraan kung paano mas makikilala ang mga kandidatong tumatakbo, lalo na sa pinakamataas na posisyon.
Kadalasan umaasa ang lahat sa mga nakikita sa TV, radio, pahayagan at iba pang social media apps, kung saan panalung-panalo sa mga nangangampanya. Kamakailan, naging isyu ang pagdalo sa mga Interview at Forum ng mga kandidato sa pagka-Presidente. Naglabasan ang iba’t ibang haka-haka o espekulasyon at katanungan sa nangyaring mga palabas, na nasundan ng mataas na porsiyento o datos na galing sa iba’t ibang survey.
May kredibilidad ba ang mga gumagawa nito? Isa ang Tangere: Pinoy Survey app sa nagbigay ng datos sa mga tanong sa nagdaang senaryo na may kinalaman sa eleksyon at sa mga tumatakbong kandidato. Naglabas din ito ng Presidential Survey Bump Chart mula Enero hanggang Pebrero 2022, na bagamat nangunguna pa rin si former Senator Ferdinand Marcos, Jr. sa survey. Maraming nadismaya sa hindi nito pagdalo sa naganap na mga panayam, ang nagpataas sa datos ni Mayor Isko Moreno-Domagoso.
Ang Tangere ay award-winning technology & innovation-driven market research & opinion poll company na aktibo at patuloy na lumalaki nationwide base sa mahigit na 600,000 respondent nito at kinikilala sa industriya na nagbibigay ng makabagong diskarte sa pangangalap ng data, paglutas sa mga kritikal na pangangailangan para sa napapanahong mga kaalaman at pagdedesisyon na batay sa data.
Sinabi ni CEO and Founder Martin Xavier Peñaflor, ang Tangere ay isang incentivized mobile application na nagsimula noong 2018. Sa ngayon ang kumpanya ay nakapagsagawa ng higit sa 500 surveys para sa mga kliyente mula sa parehong pribado at pampublikong sektor at sa bawat survey na sasagutan ng Ka-Tangere Community kada Linggo ay magkakaroon ng pagkakataong makaipon ng raffle points na maaaring i-redeem o i-donate sa mga proyektong makatutulong sa mga kababayang nangangailangan.
Para sa mga karadagdagang impormasyon at detalye, mag-subscribe sa kanilang FB page, Tangere (where the voice of the Filipino counts) o maaring i-download ang Tangere: Pinoy Survey with Prizes app sa mobile playstore upang mapasama sa Ka-Tangere community.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



