top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 12, 2022


Hello, Bulgarians! Naglunsad ang Philippine Post Office (PHLPost) at Universal Postal Union (UPU), sa pamamagitan ng International Bureau, upang imbitahan ang mga kabataan edad 9 hanggang 15 na sumali sa “51st International Letter Writing Competition for Young People”, upang mapalakas ang kaalaman at kasanayan sa pagsusulat o art ng letter-writing.


Sa pakikipagtulungan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd), inaanyayahan ang mga mag-aaral mula public at private schools sa buong bansa na gumawa o sumulat ng isang liham base sa tema na: “Write a letter to an influential person about why and how to take action on climate change”.


"The contest is designed to develop the young people's skills in composition and the ability to express their thoughts clearly, to foster their enjoyment of letter-writing and to help strengthen the bonds of international friendship – one of the basic missions of the UPU."

Kailangang orihinal na sulat-kamay sa lenggwaheng Ingles, walang bura ang komposisyon na hindi lalagpas ng 800 salita.


“On a separate sheet of paper, the participant must indicate the number of words of the letter composition, complete name and address, gender, age and date of birth, name of school and address, grade level, contact numbers ng participant at school, litrato na 2×2 colored digital ID (300 dpi minimum) must be attached.”


Ang mananalo ay tatanggap ng P25,000 at magiging kalahok sa UPU International Letter Writing Competition na gaganapin sa Switzerland.


Habang ang 2nd prize winner ay tatanggap ng P15,000 at P10,000 sa ikatlo.


Ang lahat ng nagwagi ay makakatanggap ng medalya at presentation frame.


Ang mga lahok ay dapat ilagay sa brown envelope at ipadala sa pamamagitan lamang ng Post Office Domestic Express Mail Service (DEMS) – UPU 51st International Letter Writing Competition for Young People (2022), Post Shop, Philately and Museum Division, Philippine Postal Corporation, 3/F Manila Central Post Office Building, Magallanes Drive Liwasang Bonifacio, Barangay 659-A, Ermita 1000 Manila. Ang lahat ng ipapadala via private couriers ay diskwalipikado.


Ang mga lahok ay huhusgahan sa kanyang Composition (30 percent), imagination and originality of the contents (20 percent), demonstrates a good style of writing and communication (20 percent), demonstrates an extensive vocabulary (20 percent), at youthfulness of the tone (10 percent).


Ang deadline ng pagsusumite ng mga lahok ay hanggang Abril 25, 2022, at ang final winner ay malalaman sa Mayo 2, 2022.


Para sa karagdagang impormasyon, maaaring tumawag kay Ms. Joy Edralin-Cacho sa Tel. No. 8527-01-32 o bisitahin ang opisyal na website at social media account ng Philippine Postal Corporation: www. phlpost.gov.ph, Facebook pages @PHLpost at @Pilipinas Philately, or twitter account @phlpostofficial for updates on the letter-writing competition.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 31, 2022


Hello, Bulgarians! “Time to shine!” Pagkakataon ito para sa mga Pilipinong negosyante, OFWs, mga retiradong empleyado, at mga indibidwal na naghahanap ng negosyong papasukin.


Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay magkakaroon ng Lotto Agent Recruitment Summit. Kung saan kailangan mo lang mag-sign up at magparehistro sa pamamagitan ng Online Registration Form access link:https://form.jotform.com/220670241757050


Ang PCSO ay magsasagawa ng summit/orientation, “Kumita para sa Pamilya at Kawanggawa” Be a PCSO Lotto Agent Recruitment Summit Project”, layunin ng proyektong ito na tulungan ang mga taong business-minded, na gusto ng karagdagang kita sa pamamagitan ng pagpapatakbo o pagmamay-ari ng PCSO lotto outlet, at kasabay nito ay tutulong sa ahensiya na makalikom ng mas maraming pondo para sa mga proyekto at serbisyong kawanggawa.


Alam ng lahat na ang gaming industry ay isa sa mga sektor na tinatamaan ng pandemya, at ang PCSO at ang mga ahente nito ay isa sa mga apektado ng krisis.


Kaya naman ang PCSO ay magsasagawa ng series of webinar, na tutulong sa mga tao na magnegosyo habang tinatanggap ang new normal at upang pataasin ang bilang ng mga nagpapatakbong ahente ng Lotto sa buong bansa.


Magkakaroon ng 4 batch para sa taong ito at limitado sa 150 kalahok sa buong bansa bawat online session. Ang iskedyul ng unang batch ay magaganap sa Martes, 05 Abril 2022, ganap na 10:00 AM sa pamamagitan ng Microsoft Teams.


Ang mga rehistradong kalahok ay papaalalahanan ng summit dalawang araw bago ang aktwal na event, at ang iba pang mga detalye ay ipapadala sa pamamagitan ng email.

Nag-aalok ang PCSO ng reduced/discounted prize for early bird. Ang PCSO Authorized Lotto Agent Application Fee na P2,500 ay magiging P1,500 at ang Installation Fee na P10,000 ay magiging P8,000.


Upang makuha ang discounted price, ang Lotto Application Form at iba pang mga kinakailangan ay dapat isumite sa Branch Operation Sector na may naka-print na email na nagpapakitang opisyal na pakikilahok sa nasabing summit.


Inaasahan ng PCSO ang isang produktibong summit at ang lahat ay mag-e-enjoy, higit sa lahat ay matanto na ang pagpapatakbo ng lotto outlet ay hindi lamang paggawa ng negosyo kundi pagtataguyod din ng isang karapat-dapat at layuning maging responsable sa lipunan na layunin.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 19, 2022



Hello, Bulgarians! Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan ngayong Marso, inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mga benepisyong maaaring ma-avail ng mga kababaihan mula sa ahensiya.


Una na ang benepisyo sa panganganak sa ilalim ng Maternity Package na kinabibilangan ng pre-natal check-up na hindi bababa sa apat (4) na beses na panganganak, hanggang sa postpartum period.


Nagkakahalaga ito ng P6,500 kung sa ospital at P8,000 naman kung sa mga lying-in clinics.


Kung sakaling hindi naisagawa ang mga pre-natal check-up, maaari pa ring ma-avail ang Normal Spontaneous Delivery package kung saan kasama ang postpartum care na may halagang P5,000 sa ospital at P6,500 naman sa mga lying-in clinics.


Samantala, P19,000 naman ang benepisyo para sa caesarean section delivery sa mga level 1 hanggang 3 na ospital.


Ipinaalala ng PhilHealth na dapat ay accredited ang mga pasilidad na pupuntahan para siguradong maka-avail ng benepisyo.


Para naman sa mga kababaihang may breast o cervical cancer, sila ay maaaring maka-avail ng Z Benefit Packages sa mga piling contracted hospitals ng PhilHealth sa buong bansa. Ang Z Benefit para sa breast cancer stage 0-111A ay nagkakahalaga ng P100,000 kung saan sagot ang kumpletong serbisyo kasama ang operasyon, professional at hospital fees at chemotherapy.


P125,000 hanggang P175,000 naman ang pakete para sa cervical cancer depende sa treatment options.


Nilinaw din ng PhilHealth na may selections criteria na itinakda ang ahensiya sa nasabing Z Benefit Packages upang matiyak ang mataas na posibilidad ng paggaling ng pasyente.


Sa kasalukuyan ay mayroong 19 contracted na ospital para sa Z package sa breast cancer; at anim (6) na ospital naman para sa cervical cancer package sa buong bansa.


Covered din ng PhilHealth ang gamutan sa ilang gynecological disorders gaya ng ovarian cystectomy (P23,300), vaginal hysterectomy (P30,300), dilatation at curettage o raspa (P11,000) at mastectomy (P22,000).


Para sa karagdagang impormasyon, mag-text sa 09216300009 para matawagan ng PhilHealth Action Center o mag-post ng komento, feedback, at suhestiyon sa PhilHealth Facebook page (www.facebook.com/PhilHealthOfficial).


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City

 
 
RECOMMENDED
bottom of page