top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 9, 2022



Hello, Bulgarians! Nakapagtala ang Social Security System (SSS) ng kita na P28 bilyon noong 2021 mula sa mga operasyon nito dahil nahigitan ng pumasok na kontribusyon at kita sa investment nito ang lumabas na pera para sa benefit payments at operating expenses. Base sa 2021 unaudited financial statements nito, ang pumasok na pera sa SSS ay umabot sa P262 bilyon habang ang lumabas naman na pera ay umabot sa P234 bilyon.


Noong huling anim na taon naman, nakapagtala ang SSS ng cumulative earnings na P202 bilyon, kahit pa naglabas ito ng record-breaking P1.1 trillion para sa benefit payment at P254 bilyon para sa loan releases sa mga miyembro at pensioner nito. Ang pag-adopt ng SSS sa Philippine Financial Reporting Standards (PFRS) 4, kung saan kinilala ang Social Benefit Liabilities (SBLs) kabilang ang Margin for Adverse Deviation (MfAD), ang dahilan para sa pagtaas ng policy reserves nito ng P872 bilyon na nagresulta sa accounting net loss na halos P844 billion noong 2021.


“Nais naming ipaliwanag na ang increase sa aming policy reserves ay hindi aktuwal na pera na lumabas sa pondo ng SSS. Ito lamang ay estimates ng kinakailangang reserba para pondohan ang benefit claims sa hinaharap,” ani SSS President at CEO Michael G. Regino.


“Kinikilala namin ang future liabilities na ito ngayon pa lamang para mas maging transparent sa pamamahala ng pondo ng SSS at makabuo ng mas malinaw na larawan ng aming long-term financial standing. Sinisiguro naming hindi ito nakakaapekto sa aming kasalukuyang cash flows at nananatili kaming financially viable para makapagbigay ng benepisyo sa aming mga miyembro,” dagdag niya.


Ang SSS ay mayroong estimated fund life na hanggang 2054. Ang estimated fund life naman social security institutions ng ibang ASEAN countries gaya ng Vietnam at Thailand ay 2027 at 2054, habang ang United States Social Security Administration fund ay inaasahang magtatagal hanggang sa 2034 lamang.


Ayon kay Regino, ang SSS ay palaging bukas para makipag-usap sa mga mambabatas, na maaaring maging plataforma para matulungan ang mga stakeholder nito na maunawaan ang kasalukuyang accounting standard na sinusunod nito para sa pagre-report ng financial performance.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 7, 2022



Hello, Bulgarians! Sa maikling panahon pagkatapos ng debut nito, inilagay ang BingoPlus bilang isa sa mga pinaka-promising na kontribyutor sa sektor ng gaming. Pagkatapos ng serye ng mga sponsorship, charity at collaboration sa loob lamang ng limang buwan, nagpapatuloy ang excitement para sa BingoPlus, dahil pormal nitong ipinakilala ang bago nitong celebrity endorser, na si Luis Manzano sa first BingoPlus Day event.


Sa talumpati ni LRWC President Andy Tsui, sinabi niya, “BingoPlus day is a culmination of what the brand has been since it was launched in January 2022. We are only four months old since launching. As they say, very young, but not on the prizes that we have given away. Adding all our prizes, BingoPlus has given away a total of 5.1 billion pesos! I believe there’s no other way of celebrating this achievement than having it with you and with our dear players.”


Ipinagmamalaki ng BingoPlus ang pagkakaiba nito bilang pinakaunang online bingo game na lisensiyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ito ay breakthrough technology na may tradisyunal na laro na binigyang-buhay upang mapunan ang puwang para sa mga nag-e-enjoy sa paglalaro ng bingo, ngunit hinahamon ayon sa lokasyon at mga sitwasyon. Pagkatapos makatanggap ng napakalaking suporta mula sa merkado, binigyang-diin ng BingoPlus ang integridad, saya, kilig at iba’t ibang produkto na hatid sa mga parokyano nito. Ang brand nito ay sumasalamin kay Luis Manzano na ginawa siyang BingoPlus’ first and newest celebrity endorser.


“Mr. Manzano is a familiar face to all of us, as we all know him as the country’s ‘Pambansang Host.’ We are happy to be part of his long list of endorsements, a proof of our commitment to uphold our brand’s integrity and be among the most reputable brands in the gaming sector,” ipinahayag ni Jasper Vicencio, ABLE president.


“I am very happy to have been chosen as the first celebrity endorser of BingoPlus. The ability of the brand to bring happiness to people and keep them aspiring for greater things is exactly the reason why I am in the entertainment business. BingoPlus and I both love to bring joy to people and show them that despite challenges brought about by problems such as the pandemic, we can always choose to be mentally active and positive in our thinking. We have so many more in store for everyone,” pahayag ni Luis Manzano.


Ang mga manlalaro ay na-treat ng online concert sa BingoPlus Day event na may mga espesyal na pagtatanghal mula kina Yeng Constantino, Erik Santos at mga host na sina Marco Gumabao, Lance Edward at Ogie Diaz.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 3, 2022



Hello, Bulgarians! Habang pinupuri ang administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pagbuo ng economic team, idiniin ni Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo Joey Concepcion na ang susunod na kalihim ng Department of Health (DOH) ay may mahalagang papel sa pagtiyak na ang papasok na pamahalaan ay magpapatuloy sa pagsisikap laban sa COVID-19 pandemic.


Upang maipagpatuloy ang mga sinimulan ng gobyernong Duterte, iminungkahi ni Concepcion na si Dr. Edsel Salvana o Dr. Ted Herbosa ang nararapat maitalaga bilang susunod na Kalihim ng DOH.


Si Salvana ay miyembro ng DOH Technical Advisory Group at Direktor ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology sa National Institutes of Health sa Unibersidad ng Pilipinas-Manila. Habang si Herbosa ay kasalukuyang medical adviser ng National Task Force Against COVID-19. Kasabay nito, iminungkahi ni Concepcion na maibigay ang Department of Science and Technology (DOST) portfolio sa molecular biologist at OCTA Research fellow na si Fr. Nicanor Austriaco, na may malawak na karanasan sa larangan ng agham at teknolohiya na makadagdag sa kampanya ng DOH sa COVID-19 ng kinakailangang kaalaman na makatutulong sa pagwawakas sa pandemya.


“I believe that with either of them at the DOH helm will help the government keep COVID-19 under control and maintain our health in good standing which will keep our economy running at full capacity, I have worked with all 3 and I have to say they are all qualified for the DOH and DOST positions,” pahayag ni Concepcion.


Nauna nang pinuri ni Concepcion si Marcos, Jr. sa pagtatalaga kay Alfredo “Fred” Pascual bilang incoming Secretary ng Department of Trade and Industry (DTI). Sinabi ni Concepcion na si Marcos, Jr. ay gumawa ng mahusay na pagpili sa paghirang kay Pascual bilang kanyang DTI Chief, na isang patunay ng kanyang pangako na magbibigay ng sapat na suporta sa MSMEs.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page