top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 21, 2022




Hello, Bulgarians! Ang Government Service Insurance System (GSIS) ay tumatanggap ngayon ng mga aplikasyon para sa 10,000 slots para sa GSIS Educational Subsidy Program (GESP) para sa academic year (AY) 2022-2023. Ang aplikasyon ay hanggang Agosto 31. Ang GESP ay bahagi ng corporate social responsibility ng GSIS, kung saan 10,000 mag-aaral sa kolehiyo ay tatanggap ng Php10, 000 mula sa GSIS bawat taon hanggang sa matapos ang kanilang kurso.


Ang isang miyembro ay maaaring magkaroon ng hanggang dalawang bata o dependent na tumatanggap ng tulong sa ilalim ng GESP, sa kondisyon na ang subsidy ay ipinagkaloob sa magkaibang taon ng pag-aaral.


Kuwalipikadong magmungkahi ng mga grantee para sa GESP ay mga aktibong miyembro na may permanenteng katayuan. Ang kanilang salary grade ay dapat 24 (o katumbas nito) o mas mababa at ang premium payment ay dapat updated at walang underpaid o unpaid loan amortization na hindi hihigit sa tatlong buwan para sa buong panahon ng GESP grant.


Bilang karagdagan, ang kanilang student dependent ay dapat nasa anumang antas ng taon sa kolehiyo at naka-enroll sa isang 4 o 5-taong kurso sa anumang pribado o pambansang unibersidad o kolehiyo na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).


Upang mag-apply, ang mga mapipiling miyembro ng GSIS ay dapat magsumite ng application form; orihinal o certified true copy ng birth certificate ng mag-aaral na inisyu ng Philippine Statistics Authority; certificate of employment o certified true copy ng rekord ng serbisyo na nilagdaan ng awtorisadong opisyal ng ahensya; notarized affidavit na nagsasaad na ang mag-aaral ay hindi tumatanggap ng iba pang programang pang-edukasyon o pinansyal na tulong; at sertipikasyon mula sa paaralan na ang mag-aaral ay nakatala sa kasalukuyang akademikong taon, durasyon ng kurso, at antas ng taon ng mag-aaral.


Ang GESP application form, listahan ng mga kinakailangan at mga tuntunin at kondisyon ay makukuha online sa pamamagitan ng GSIS website, www.gsis.gov.ph.


Para sa AY 2021-2022, nakatanggap ang GSIS ng 17,300 GESP application.


Mula sa mga natanggap na aplikasyon, pinili mula sa iba’t ibang rehiyon sa buong bansa, na pinaghiwa-hiwalay tulad ng sumusunod: 1,581 mula sa NCR; 1,994 mula sa North Luzon; 2,093 mula sa South Luzon; 2,078 mula sa Visayas; at 2,254 napagkalooban mula sa Mindanao.


Sa mga interesado na may katanungan sa GESP ay maaaring bumisita sa GSIS website (www.gsis.gov.ph) o GSIS Facebook page (@gsis.ph); mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (Globe at TM subscribers) at 1-800-10-847-4747 (Smart, Sun at subscriber ng Talk ‘N Text). Ang mga


prospective applicant ay maaari ring makipag-ugnayan sa GSIS Corporate Social Advocacies and Public Relations Facilities Department sa gesp@gsis.gov.ph o (02) 8479-3571 hanggang 72.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 19, 2022




Ang Social Security System (SSS) ay naglabas ng record-breaking na pagbabayad ng benepisyo na halos P1.1 trilyon sa mga miyembro nito, mga pensyonado at kanilang mga benepisaryo mula 2016 hanggang 2021. Sinabi ni SSS President at CEO Michael G. Regino na halos doble ito kaysa sa P549.59 bilyon na benepisyong pagbabayad na ginawa ng SSS mula 2010 hanggang 2015.


Iniuugnay ni PCEO Regino ang pagtaas sa halaga ng mga disbursement ng benepisyo pangunahin sa mga repormang ipinatupad sa nakalipas na ilang taon, tulad ng mgaibinigay sa ilalim ng Republic Act Nos. 11199 (Social Security Act of 2018) at 11210 (Expanded Maternity Leave Law) at ang pagbibigay ng karagdagang P1,000 na benepisyo para sa mga pensyonado mula 2017.


Kabilang sa mga reporma sa ilalim ng Social Security Act of 2018 ang pagpapalawak ng mandatory coverage ng SSS sa Overseas Filipino Workers, pagtaas ng maximum monthly salary credit para sa pagkalkula ng mga benepisyo at pagbibigay ng Unemployment Benefit, bukod sa iba pa. Ang Expanded Maternity Leave Law, sa kabilang banda, pinalawig ang compensable days mula 60 (normal delivery) o 78 days (cesarean delivery) para sa first four deliveries hanggang 105 days, regardless of frequency, na may karagdagang 15-araw para sa solo mother sa bawat panganganak.


Nakita rin ang record-breaking na loan releases mula 2016 hanggang 2021 na may kabuuang P249.54 billion, 84 percent growth mula sa P135.63 billion loan na inilabas mula 2010 hanggang 2015, dahil sa pagtaas ng maximum loanable amount, paglulunsad ng Pension Loan Program noong Setyembre 2018 at sa buong bansa na nag-aalok ng COVID-19 Calamity Loan Assistance Program na may mas flexible na mga tuntunin sa pagbabayad at mas mababang rate ng interes sa 2020.


“Much as we have progressed, there is still a lot more to be done. We will continue to build on

our gains and establish a more viable SSS for our current and future stakeholders,” saad ni

Regino.


Bukod sa financial performance nito, matagumpay na naipatupad ng SSS ang iba’t ibang plano, programa at hakbang sa nakalipas na 6 na taon na nakaugnay sa pagbibigay ng unibersal at pantay na proteksyong panlipunan sa pamamagitan ng world-class na serbisyo.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 14, 2022



Hello, Bulgarians! Sa courtesy call kamakailan ni Go Negosyo founder Joey Concepcion kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual ay tinalakay ang patuloy na pakikipagtulungan nito sa DTI at mga plano upang higit pang isulong ang pag-unlad ng MSMEs. Si Concepcion ay nagsisilbi ring Vice-Chair ng Micro, Small and Medium Enterprises Development Council.


Napag-usapan ang papel ng “digital transformation” bilang tagapagtaguyod para sa mga MSMEs, gayundin ang digital alliance na itinatag ng Go Negosyo noong 2019 at paano nito matuturuan ang MSMEs na gumamit ng mga pamamaraang digital sa pagnenegosyo.


Kasama rin sa agenda ang pagpapatuloy ng ASEAN Mentorship for Entrepreneurship Network (AMEN) Project, na kamakailan ay ginawaran ng US$333,943 grant mula sa Japan-ASEAN Integration Fund. Ito ay bahagi ng legacy project ng ASEAN Business Advisory Council–Philippines, kung saan ang maliliit na negosyante ay tuturuang magnegosyo sa ibang bansa sa ASEAN at mapaparami pa ang mga maaaring maging mentor sa buong rehiyon. “Ito ay mahusay na hakbang para sa mentorship advocacy na sinimulan ng Go Negosyo,” ani Concepcion.


Ibinahagi rin ni Concepcion kay Sec. Pascual ang mga hakbangin ng Go Negosyo noong pandemya na naglalayong panatilihing bukas ang ekonomiya at tulungan ang mga MSME na makabangon. Sinabi ni Sec. Pascual ang kanyang pagnanais na makita at matiyak na, sa kanyang termino, mas maraming MSMEs ang lalago mula sa micro hanggang small, mula sa small hanggang medium at sa kalaunan, magiging large enterprises.


"Ang kalusugan at kapakanan ng ating mga MSME ay mahalaga sa pagbangon ng Pilipinas mula sa pandemya," sabi ni Concepcion. "Mga MSMEs ang higit sa 99 porsyento ng mga negosyo sa bansa," aniya. "Sa kanila nakasalalay ang trabaho ng 62.5 porsiyento ng mga Pilipino," aniya.


Dati nang kaagapay ang DTI sa mga programa ng Go Negosyo. Pangunahin sa mga ito ang Kapatid Mentor Me (KMME), na gumabay sa mahigit na 11,000 negosyante sa buong bansa mula noong 2016. Kahit noong pandemya ay nagpatuloy ang mga mentoring program nito gamit ang online at social media.


Ang mga mentoring program ng Go Negosyo ay para sa mga aktibong negosyante na nagnanais na palaguin ang kanilang negosyo at sa mga aspiring entrepreneur na gustong magnegosyo. Tumutulong ang Go Negosyo sa pagtataguyod ng entrepreneurship sa mga Pilipino sa pamamagitan ng tatlong haligi na kinakailangan ng negosyante upang magtagumpay: pera, pamilihan at paggabay.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page