top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 24, 2022


Hello, Bulgarians! Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika sa 𝟐𝟒–𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟐 sa Pambansang Museo, Lungsod Maynila bilang pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang mga katutubong wika ng bansa at tugon sa Pandaigdigang Dekada ng mga Katutubong Wika 2022-2032 (International Decade of Indigenous Languages o IDIL 2022-2032).


Ipipresenta rin ang Pambansang Adyenda sa Pangangalaga ng Nanganganib na Wika at resulta ng implementasyon ng Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) bilang kauna-unahang programa ng pamahalaan sa pagpapasigla ng wika (language revitalization) sa bansa.


Tatalakayin din ang mga ginagawang hakbang ng mga institusyon sa pangangalaga sa mga komunidad at katutubong wika, mga saliksik sa katutubong wika, at mahahalagang isyung may kaugnayan sa nanganganib na wika tulad ng dokumentasyong pangwika, praktika sa dokumentasyon, field methods, pagbuo ng ortograpiya, at iba pang kaugnay na paksa. Magsisilbi itong panimulang gawain para sa International Decade of Indigenous Languages 2022-2023 (IDIL), kaya bubuo ng resolusyon hinggil dito.


Layunin ng Kongreso na mahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilang wika at lumikha ng mga saliksik; at mailahad/matalakay ang mga pinakamahusay na paraan sa pananaliksik, pagbuo ng programa para sa pagpasigla ng wika, at iba pang isyu na nakaaapekto sa wika.


Ang pamamaraang gagamitin ay hybrid—ang susing tagapagsalita, mga tagapanayam, mga presenter at ilang kalahok ay in person, samantala, ang ibang mga kalahok naman ay via Zoom. Magkakaroon din ng live streaming sa opisyal na Facebook ng KWF.

Abangan ang anunsyo hinggil sa rehistrasyon. Para sa mga tanong at karagdagang detalye, mag-email sa pambansangkongreso2022@gmail.com.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 20, 2022


Hello, Bulgarians! Ang SM Supermalls, katuwang ang Association of Filipino Franchisers Inc. (AFFI) at mga local government unit ay naglunsad ng HAFFINESS Franchise Roadshow sa SM City Sta. Rosa Laguna noong Biyernes, Agosto 19. Layunin ng roadshow na tulungan ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na makabangon mula sa mga hamon na dulot ng pandemya.


Ang temang “HAFFINESS, happy and radiant thoughts”, layunin ng tatlong araw na HAFFINESS Franchise Roadshow na ikonekta ang mga aspiring entrepreneurs, OFWs at retirees sa mga franchisor. Ang SM at AFFI ay mag-iimbita ng mga exhibitor, ekspertong tagapagsalita at kasosyo upang magbahagi ng impormasyon at diskarte sa pagpapaunlad upang matulungan ang mga MSME na palawakin ang kanilang negosyo sa post-pandemic business climate.


Bilang matibay na tagasuporta ng MSMEs, ang SM Supermalls ay nakatuon sa pagtulong sa mga negosyo na makabangon. Ang roadshow ay magpapakita ng iba't ibang franchise brand na maaaring bisitahin ng mga potensyal na franchisee.


Ang mga franchisee ay maaari rin kumunsulta sa mga franchisor o maging sa pinuno ng industriya at makipag-ugnayan sa mga business mentor at life coach para sa mentoring at coaching tungkol sa iba't ibang franchise at iba pang paksang nauugnay sa negosyo. Sa mga nagnanais na franchisee, magkakaroon din ng eksklusibong access sa mga executive na nagtagumpay sa pagpapalakas ng kanilang negosyo at brand sa pamamagitan ng mga one-on-one na session.


Ilan sa mga exhibitors na dumalo sa kick-off noong Biyernes ay kinabibilangan ng: Twice Tea, Esting's Bellychon, Cleeneco, Mr. Dagupeño, Wendeli, Shania's Manila, Tokyo Tempura, Siomai House, MyKartero, Unified Payment Center, Ricemart, Nakuyami, Avo Bravo, Umani, Rite Tea, Manila East Travel and Tours, El Bonitos Pizza at Healthy Meals PH.


Bukod dito, mula Setyembre 23 hanggang 25, ang SM City Clark ay magho-host ng second leg ng HAFFINESS Franchise Roadshow. Para malaman pa ang tungkol sa HAFFINESS Franchise Roadshow, bisitahin ang https://www.facebook.com/affiempoweringentrepreneurs.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 6, 2022



Hello, Bulgarians! Nagbukas ang Government Service Insurance System (GSIS) ng emergency loan program para sa halos 7,000 members at pensioners sa Abra, ang epicenter ng lindol na yumanig sa bansa noong July 27.


"Hinihikayat namin ang mga naapektuhang members at pensioners na mag-apply sa emergency loan. Nandito po ang GSIS para tumulong." Ito ang sinabi ni GSIS President and General Manager Wick Veloso bilang tugon sa naunang pakiusap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga ahensya ng gobyerno na tiyaking makatatanggap ng tulong mula sa gobyerno ang mga biktima ng lindol na nangangailangan ng tulong.


Unang inanunsyo ng GSIS na handa itong magbukas ng emergency loan para magbigay ng financial assistance sa members at pensioners noong July 28, isang araw matapos ang lindol.


"Sa ngayon, hindi pa nadedeklara sa ilalim ng state of calamity ang iba pang lalawigan sa North Luzon pero handa ang GSIS para rito," ani Veloso.


Hanggang September 4 puwedeng mag-apply sa emergency loan ang mga miyembrong nagtatrabaho o nakatira sa calamity area at mga pensioner na nananahan din sa Abra


Para sa members na may hinuhulugang emergency loan, puwede silang mag-apply hanggang P40,000. Ang hiniram nila sa emergency loan ay ibabawas sa proceeds ng kanilang bagong loan pero may maiuuwi pa rin silang P20,000. Para sa wala pang hinuhulugang emergency loan at mga pensioners, maaari silang humiram ng halagang P20,000.


Ang proceeds ng loan ay ike-credit ng GSIS sa UMID card o temporary eCard Plus account ng borrower.


Nag-deploy ang GSIS ng anim na portable Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosks sa mga malalayong lugar sa Abra para makatipid sa pamasahe at pagod sa pagbabiyahe ng mga borrowers.


"Sa mga pag-aari naman ng gobyerno sa Abra na nasira ng lindol, titiyakin po natin na magbabayad ang GSIS upang magawang muli ang mga nasirang pag-aari ng pamahalaan na naka-insure sa GSIS. Sa ngayon, na-inspeksyon na namin at na-assess ang damage ng pito sa 29 na gusali ng gobyerno na nasira ng lindol," dagdag ni Veloso.


***


Para sa detalye, bisitahin ang GSIS website (www.gsis.gov.ph), o Facebook page (@gsis.ph), magpadala sa email sa gsiscares@gsis.gov.ph o gsislaoag@gsis.gov.ph, o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe and TM subscribers), at 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, and Talk ‘N Text subscribers).

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page