top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 6, 2022


Hello, Bulgarians! Batay sa datos mula sa National COVID-19 Vaccination Dashboard, halos walang pagkilos ang antas ng pagbabakuna sa nakalipas na buwan, kung saan 18.1 milyong booster vaccination lang ang naibigay sa kabila ng nasa 71.5 milyong katao ang maaari nang makatanggap nito. Naniniwala naman si OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, OP, na maling ituring ang mababang booster rate bilang senyales ng pagkakampante.


Samantala, napansin din ni Concepcion na ang paggamit ng antigen testing ay nakakadagdag sa underreporting ng mga kaso. “Naniniwala ako na maraming tao ang nahawa, ngunit karamihan sa kanila ay hindi na nire-report ang ang kaso dahil mas madalas nang ginagamit ang antigen testing,” sinabi niya na maaaring nakakadagdag pa ito sa mababang booster rate dahil ang mga nahawa ay hindi na nag-aabala pang mag-booster. “Ang Omicron ay nagsisilbing booster sa mga nakakakuha nito,” wika ni Austriaco, na idinagdag pa na naniniwala siya na ang natural na impeksyon ay mas mabuti kaysa sa Omicron booster na ipinamahagi sa Estados Unidos dahil may mahalagang datos na nagpapakita na mas malakas ang natural immunity sa immunity mula sa bakuna. Gayumpaman, idinagdag ni Austriaco na: “Dapat pa rin nating subukang iwasang magkasakit hanggang kaya natin. Kaya magpa-booster na!”


Sa kabilang banda, sinabi ni Austriaco na dapat magtakda ng deadline para makakuha ng libreng bakuna ang taumbayan, upang magpursigi silang magpa-booster sa lalong madaling panahon. Kasabay nito, iminungkahi rin ni Austriaco na maaaring panahon na upang alisin ang mandatory na pagsusuot ng mask kapag nasa labas. “Isuot lang ito sa pampublikong transportasyon at health care facilities. Oo, maaaring mauwi ito sa pagkalat ng Omicron, ngunit dahil sa desisyon ng maraming Pilipino na huwag magpa-booster, mas maigi nang hayaang mahawa ng Omicron ang mga tao na bumababa na ang immunity para mapalakas ang population immunity sa halip na harapin ang mas mapanganib na variant sa susunod na anim na buwan na maaaring mauwi sa pagkamatay ng maraming tao,” wika niya.


Iginiit naman ni Concepcion na ang iba pang istratehiya ay nakabatay kung itutuloy o hindi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang kanyang plano na palawigin ang State of Public Health Emergency hanggang katapusan ng 2022. “Makakaapekto ito kung paano bibilhin ang mga bagong bakuna. Kung makakakuha ang manufacturers ng Certificates of Product Registration para sa kanilang bakuna at ibenta ang mga ito sa drug stores o kung magpapatuloy tayo sa Emergency Use Authorization, lahat ito ay dapat maging klaro kapag nagpasya na ang Pangulo,” ani Concepcion.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 5, 2022



Hello, Bulgarians! Inanunsyo kamakailan ng Government Service Insurance System (GSIS) president and general manager Wick Veloso na bubuksan ng GSIS ang kanilang emergency loan program para tulungan ang mga miyembro at pensyonado na apektado ng Bagyong Florita.


Ang mga miyembro ng GSIS na mayroong balanse sa emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang Php40,000 upang mabayaran ang kanilang nakaraang balanse sa emergency loan at makatanggap pa rin ng maximum na halagang Php20,000. Ang mga walang emergency loan ay maaaring mag-apply ng Php20,000. Ang mga pensyonado ay maaari rin mag-apply para sa Php20,000 na pautang.


Ang mga aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa mga apektadong lugar, gayundin ang mga pensioner na may edad na at may kapansanan na nakabase sa parehong mga lugar ay maaaring mag-apply ng loan pagkatapos maideklara ang mga lugar sa ilalim ng state of calamity.


Ang mga kuwalipikadong mag-apply ay mga miyembro na nasa aktibong serbisyo; mayroong tatlong buwang bayad na premium sa loob ng huling anim na buwan; walang nakabinbing kasong administratibo o kriminal; at mayroong netong take-home pay na hindi bababa sa Php5,000 pagkatapos maibawas ang lahat ng kinakailangang buwanang obligasyon.


"Aside from emergency loans, our members may avail of the Multi-purpose Loan (MPL) Plus, which has a loan ceiling of up to P5 million. Pensioners, on the other hand, may borrow up to six-months’ worth of their pension under our enhanced Pension Loan program or up to P500,000," Sabi ni Veloso.


Dagdag pa ng pension fund chief, ang GSIS ay magbibigay ng tulong-pinansyal na tig-P400,000 bawat isa sa anim na paaralan sa North Luzon bilang bahagi ng Adopt-a-School Program nito sa pakikipagtulungan ng Department of Education. Kasama sa package ang tulong na suporta para sa teknolohiya at mga kagamitan sa pag-aaral, imprastraktura at kasangkapan.


“This is out of the 25 schools that GSIS will adopt nationwide this year as part of its corporate social responsibility program. Since 2014, GSIS has already adopted 85 schools across the country,” ayon kay Veloso.

Para sa mga detalye sa loan at CSR program ng GSIS, maaaring bisitahin ng mga miyembro at pensioner ang website ng GSIS (www.gsis.gov.ph) o Facebook page (@gsis.ph); mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscriber) o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk 'N Text subscriber)

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 26, 2022


Hello, Bulgarians! Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay magdaraos ng Pambansang Kongreso sa Nanganganib na Wika sa 𝟐𝟒–𝟐𝟔 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟐 sa Pambansang Museo, Lungsod Maynila bilang pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang mga katutubong wika ng bansa at tugon sa Pandaigdigang Dekada ng mga Katutubong Wika 2022-2032 (International Decade of Indigenous Languages o IDIL 2022-2032).


Ipipresenta rin dito ang Pambansang Adyenda sa Pangangalaga ng Nanganganib na Wika at resulta ng implementasyon ng Bahay-Wika at Master-Apprentice Language Learning Program (MALLP) bilang kauna-unahang programa ng pamahalaan sa pagpapasigla ng wika (language revitalization) sa bansa.


Tatalakayin din ang mga ginagawang hakbang ng mga institusyon sa pangangalaga sa mga komunidad at katutubong wika, mga saliksik sa katutubong wika at mahahalagang isyung may kaugnayan sa nanganganib na wika tulad ng dokumentasyong pangwika, praktika sa dokumentasyon, field methods, pagbuo ng ortograpiya, at iba pang kaugnay na paksa. Magsisilbi itong panimulang gawain para sa International Decade of Indigenous Languages 2022-2023 (IDIL), kaya bubuo ng resolusyon hinggil dito.


Layunin ng Kongreso na mahikayat ang mga katutubo at komunidad na idokumento ang kanilang wika at lumikha ng mga saliksik at mailahad/matalakay ang mga pinakamahusay na paraan sa pananaliksik, pagbuo ng programa para sa pagpasigla ng wika, at iba pang isyu na nakaaapekto sa wika.

Ang pamamaraang gagamitin ay hybrid—ang susing tagapagsalita, mga tagapanayam, mga presenter, at ilang kalahok ay in person, samantala, ang ibang mga kalahok naman ay via Zoom. Magkakaroon din ng live streaming sa opisyal na Facebook ng KWF.

Abangan ang anunsyo hinggil sa rehistrasyon. Para sa mga tanong at karagdagang detalye, mag-email sa pambansangkongreso2022@gmail.com.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page