top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 10, 2022


Hello, Bulgarians! Isang masuwerteng tricycle driver mula sa Guiguinto, Bulacan ang bumiyahe patungo sa PCSO Main Office, Shaw Boulevard, Mandaluyong City upang kubrahin ang tumataginting na P188,471,378.80 jackpot prize ng Super Lotto 6/49 matapos niyang matumbukan ang mga numerong 09-03-19-13-20-29 na binola noong Linggo, ika-23 ng Oktubre 2022 sa nabanggit na opisina.


Batay sa salaysay ng masuwerteng drayber, mahigit 20-taon na siyang tumataya sa Lotto at “alaga” di umano ang mga nabanggit na numero. Ayon din sa kanya, ang mga kombinasyon ay mula sa araw ng kapanganakan at kamatayan ng kanyang biyenan na nakaukit sa puntod nito.


“Matagal ko nang inaalagaan ang mga numerong ito. Madalas, tumataya ako kapag alam kong malaki na ang jackpot prize. Kaya sa pagkakataong ito, labis po ang aking tuwa kasi mababago na ang buhay namin.”


Nang tanungin kung saan niya gagamitin ang nakubrang premyo, “Sa ngayon wala pa akong plano pero kalaunan, gagamitin namin ito sa tama at hindi kami makakalimot magbahagi. Maraming salamat PCSO.”


“Alam kong hindi lang ako ang nakatanggap ng ganitong biyaya ngayon, maging ang mga taong patuloy ninyong natutulungan sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pangkawanggawa.”, dagdag niya.



Bilang pagsunod sa RA 1169, ang mga nagwagi ay binibigyan ng isang taong palugit mula sa araw ng bola upang kunin ang premyo.


Para makubra ang napanalunang premyo, marapat na isulat nang malinaw ang pangalan at lagdaan ang likod na bahagi ng nanalong tiket bago magtungo sa lotto outlet o sa tanggapan ng PCSO at magdala ng dalawang valid government IDs.


Pinaaalalahanan ang lahat ng nananalo na may kaakibat na 20 percent tax ang napanalunang jackpot prize alinsunod sa TRAIN LAW.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 9, 2022



Hello, Bulgarians! Inihayag ng Top executives ng Pag-IBIG Fund noong Biyernes, Nobyembre 4 na ang ahensya ay naglaan ng P5 bilyong calamity loan funds para matulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng Bagyong Paeng.


“We are ready to help our members affected by Typhoon Paeng with our Calamity Loan program. We have initially identified a total of 344,000 affected members in Regions IV-A (CALABARZON), V (Bicol Region), VI (Western Visayas), the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and other areas where a state of a calamity has been declared by the local government unit, who are eligible to borrow under the program. That is why we have set aside P5 billion in calamity loan funds to help them recover from the damages caused by the typhoon. This is in line with the directive of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide Filipinos in affected areas with immediate relief and all the necessary assistance,” sabi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar of the Department of Human Settlements and Urban Development at Chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan, ang mga kuwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings. At bilang pagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga miyembro, ang loan ay inaalok sa rate na 5.95% kada taon na siyang pinakamababang rate sa merkado. Ang loan ay maaaring babayaran sa loob ng hanggang tatlong taon, na may palugit na tatlong buwan upang ang paunang pagbabayad ay dapat bayaran lamang sa ikaapat na buwan pagkatapos mailabas ang utang. Maaaring mag-apply ang mga kuwalipikadong borrower para sa calamity loan sa loob ng 90-araw mula sa petsa kung kailan idineklara ang lugar sa ilalim ng state of calamity.


“When calamities strike, we at Pag-IBIG understand that our members in affected areas need immediate financial assistance. For this reason, we make sure that all our services and benefits remain accessible to our members. Even while our offices and personnel in calamity-hit areas have also been affected by the typhoon, our branches remain open and are ready to receive loan applications and housing loan insurance claims. We have also deployed our Lingkod Pag-IBIG on Wheels to initially go around typhoon-stricken areas in Cavite, Aklan, Capiz, Cotabato and Maguindanao to further bring our services closer to our members who are most in need. And, for members who have internet access, the Virtual Pag-IBIG is ready to accept their calamity loan applications online. During these trying times, our members can count on Lingkod Pag-IBIG,” pahayag ni Acosta.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 8, 2022


Hello, Bulgarians! Sa pagdiriwang ng SM Pink Ribbon Day ngayong taon, nakipagtulungan ang SM Cares sa GE Healthcare para magbigay ng libreng breast cancer screening at konsultasyon sa doktor ng mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at City Hall ng Mandaluyong sa Megatrade Hall, SM Megamall noong Oktubre 26, 2022. Ang medical mission ay alinsunod sa pagsisikap ng SM Cares na isulong ang kahalagahan ng maagang pagtuklas para sa breast cancer, lalo na sa kababaihan at bahagi ito ng Programa sa Breast Cancer Awareness na nagsimula pa noong 2017.


Kabilang sa mga dumalo sa event ay sina GE Healthcare Imaging Sales Director Karlo Perez; SSupt Achilles Santiago, Deputy to the Regional Director ng BFP NCR; PNP Deputy Sub Station 3 Commander, Lt. Jean Aguada; gayundin si City Health Officer Dr. Arnold Abalos at Program Coordinator para sa Breast Cancer na si Dr. Judd DF Dela Vega, MD, MOV ng Mandaluyong City Health Office.



Upang higit pang isulong ang holistic na kagalingan para sa kababaihan, ilang wellness booth ang itinayo sa panahon ng kaganapan, na nagawang bisitahin ng mga dumalo para sa iba't ibang perks at aktibidad na nakatuon sa fitness, beauty at wellness. Ang mga dumalo ay binigyan ng libreng pass sa SM Skating at SM Bowling, gift certificate para sa libreng workout sa Slimmers World at libreng baking passes mula sa I Did It Myself Bakery. Binigyan din sila ng libreng gift certificates para sa Gandang Ricky Reyes, Beauty & Butter Nail Lounge at Flawless Face and Body Clinic. Dagdag pa, nasiyahan ang mga dumalo sa mga sample at diskwento sa Human Nature; libreng kape at choco merchandise mula sa MX3; at libreng pink ribbon pastillas treats at gift certificates mula sa Sweet Blooms.


Ang SM Cares ay ang corporate social responsibility arm ng SM Supermalls, na responsable para sa mga pamumuno na nakatuon sa sustainability at community development. Kabilang sa mga programa nito ang tungkol sa Women and Breastfeeding Mothers, Environment, Persons with Disabilities, Senior Citizens, at Children and Youth, gayundin ang Bike-Friendly SM initiative. Upang matuto nang higit pa tungkol sa mga programang ito, bisitahin ang www.smsupermalls.com/smcares.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page