top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 3, 2022




Hello, Bulgarians! Pinapurihan ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga Provincial Science and Technology Directors (PSTD) sa tagumpay ng mga proyekto nito sa kanilang rehiyon.


Ang okasyon ay isinagawa sa Widus Hotel sa Clark Freeport Zone sa Pampanga noong November 25 hanggang 26, sa pangunguna ni DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang at ni Region III Director Julius Caesar Sicat.


Ginawaran din ng pagkilala ang Most Outstanding PSTD at PSTDs na naglingkod sa kagawaran sa loob ng mahigit sa 20-taon. Ayon kay DOST Secretary, Dr. Renato U. Solidum Jr., matagumpay ang pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng mga provincial director sa kani-kanyang lugar at rehiyon.


Ayon kay Engr. Mabborang, ilan sa mga layunin ng PSTD ay ang pagkilala sa tagumpay ng mga naipatupad na proyekto, programa at serbisyo na nagbunga ng benepisyo sa lokal na komunidad; pagbibigay ng pagkakataon sa PSTD na maibahagi ang ideya, estratehiya na nagpapalakas ng loob at moral ng mga miyembro nito sa kabila ng maraming hamong kinahaharap sa ilalim ng socio-economic at political landscape.


Sinaluduhan din ni Solidum ang mga regional director dahil sa pagkapasa sa 18th Congress ng Republic Act 119141 o tinatawag na “converting the Provincial Science and Technology Center into the Provincial Science and Technology Office” at nilaanan ng kaukulang pondo.


Kabilang sa panauhin at naghandog ng kanilang pahayag sa okasyon ay sina Undersecretary Dr. Leah J. Buendia ng Research and Development; Maridon Sahagun, Undersecretary for Scientific and Technical Services; Atty. Marc Fabian Castrodes, presidente at CEO ng Arete Foods Corporation. Dumalo rin sa pagtitipon ang mga assistant regional directors.


Ang PSTD ay taunang pagtitipon ng mga S & T director mula noong 2009, ngunit nahinto ito dahil sa pagdating ng global pandemic. Muli ay ipinapakilala ito ngayong taon. Maraming binanggit na plano sa 2023 sina Solidum at Mabborang, tulad ng paglapit at pagdala sa mga tao ng agham, teknolohiya at inobasyon at ang dalang benepisyo nito na makapagpabago ng kanilang buhay at kinabukasan.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 28, 2022




Hello, Bulgarians! Inanunsyo kamakailan ng Social Security System (SSS) na magbibigay ito ng tulong-pinansyal sa mga miyembro at pensyonado nito sa mga lugar na apektado ng Severe Tropical Storm ‘Paeng’ mula Nobyembre 17, 2022 at tatagal hanggang Pebrero 16, 2023.


Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino, na ang SSS Calamity Assistance Package ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) para sa mga miyembro nito at Three-Month Advance Pension para sa SSS at Employees’ Compensation (EC) pensioners.


“We, at SSS, are always ready to assist our members and pensioners in the typhoon-stricken areas. We want to assure them that even during times of calamities, they can rely on the financial assistance from SSS,” pahayag ni Regino.


Ang mga lalawigang nasa ilalim ng state of calamity ay Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Albay, Northern Camarines, Southern Camarines, Sorsogon, Catanduanes, Masbate, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Basilan, Lanao del Sur, Tawi -Tawi, Sulu, Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.


Sa Cagayan, ang mga bayan na nasa ilalim ng state of calamity ay kinabibilangan ng Amulung, Enrile at Tuguegarao. Sa Marinduque, ang mga lugar na ito’y matatagpuan sa Mogpog, Santa Cruz at Buenavista, habang sa Cotabato, ito ay sa Pigcawayan, Libungan at Midsayap. Ang iba pang lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity ay kinabibilangan ng Muntinlupa City, Calbayog sa Samar, Sirawai sa Zamboanga del Norte, at Zamboanga City sa Zamboanga del Sur.


Sa ilalim ng CLAP, ang mga kuwalipikadong miyembro sa mga lugar na apektado ng ‘Paeng’ ay maaaring mag-loan na katumbas ng kanilang isang buwanang salary credit o hanggang P20,000. Ang calamity loan ay babayaran sa loob ng dalawang taon o 24 equal monthly installments na may taunang interest rate na 10%.


“We want to help our members and pensioners during these difficult times. We hope that the financial aid that we extended to them will be of big help to rebuild their lives,” sabi ni Regino.


Samantala, pinaalalahanan ni Regino ang mga miyembro at pensyonado sa mga lugar na naapektuhan ng Super Typhoon Karding na mayroon pa silang hanggang Enero 6, 2023 para mag-avail ng CLAP at Three-Month Advance Pension para sa mga tinamaan ng super typhoon.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 27, 2022



Hello, Bulgarians! Nakatakdang maglabas ng state pension fund ang Government Service Insurance System (GSIS) ng kabuuang P10 milyon sa 25 pampublikong paaralan sa pakikipagtulungan ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Adopt-A-School Program (ASP). Ang aktibidad ay bahagi ng corporate social responsibility ng GSIS.


“We share President Ferdinand Marcos, Jr.’s belief that education is the ‘bedrock of a prosperous society’. Our public schools need our support and assistance especially after the reopening of face-to-face classes in November. In selecting the schools that do not have enough funds and must therefore be prioritized, we closely coordinated with DepEd,” pahayag ni GSIS president and general manager Wick Veloso.


Tinaasan ng GSIS ang tulong para sa bawat paaralan sa P400,000 ngayong taon mula sa P200,000 noong 2014. Sinabi ni Veloso na ang pondo ay gagamitin sa pagbibigay ng mga assistive device sa napiling paaralan tulad ng computers, internet connectivity at educational tools.


Sa National Capital Region, ang mga adopted school ay Navotas Elementary School, Constantino Elementary School sa Valenzuela City, at Laiban Integrated School sa Rizal. Habang sa Luzon, kasama sa listahan ang Calawaan Elementary School; Baccuit Elementary School; San Miguel Elementary School; National High School sa Nueva Vizcaya; at Maguyepyep Integrated School sa Abra. Kasama rin ang Haligue Silangan National High School sa Batangas City; Calpi Elementary School sa Sorsogon; Aroroy East Central School sa Masbate; Tagaytay Elementary School sa Albay; at Bagumbayan Elementary School sa Catanduanes.


Ang mga adopted school ng GSIS sa Visayas ay Celestino Diaz Integrated School sa Capiz; Manjuyod Central Elementary School sa Negros Oriental; Gaas Elementary School sa Cebu; Nahawan Elementary School sa Bohol; Hinoloasco National High School sa Eastern Samar; at Catig Primary School sa Southern Leyte at Hinoloasco National High School – Caglao-an Annex sa Eastern Samar.


Sa Mindanao, anim na adopted school na kinabibilangan ng Sinoropan National High School sa Zamboanga; Talisay National High School sa Dapitan City; Magallanes Elementary School sa Davao City; Don Reuben E. Ecleo Sr. Memorial National High School sa Dinagat Island; Surigao City National High School sa Surigao City; at Camp Edward Elementary School sa Surigao del Norte.


Mula nang ipatupad ito noong 2014, may kabuuang 85 paaralan na ang nakinabang sa programa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page