top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | February 7, 2023





Hello, Bulgarians! Tuwing Pebrero ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Segurong Pangkalusugan o National Health Insurance Month sa bisa ng Presidential Proclamation No. 1400 s.2007 na nagpapakilala sa kahalagahan ng segurong pangkalusugan sa bawat Pilipino.


Ang National Health Insurance Program (NHIP), bilang isang social health insurance (SHI) scheme, ay isang pamamaraan sa pagpopondo para sa kalusugan ng mamamayan gamit ang konsepto ng risk pooling. Ang mga pondo ay pinagsasama-sama na siyang ginagamit para tugunan ang pangangailangang medikal ng mga miyembro.


Sa madaling salita, ang NHIP ay isang sistemang Bayanihan kung saan ang mga kabataan ay tumutulong sa matatanda, ang malulusog ay sumusuporta sa mga maysakit, at ang mga may kakayahang pinansyal ay tumutulong sa mahihirap at iba pa gaya ng senior citizens at persons with disabilities.


Ang PhilHealth bilang tagapangasiwa ng NHIP ang nangunguna sa pagdiriwang na ito kasabay ng ika-28 anibersaryo ngayong Pebrero 14 na may temang “Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamamayang Filipino”.


Layunin ng ahensya na mapataas ang kamalayan ng publiko tungkol sa segurong pangkalusugan at mahikayat ang mga partners nito na tuparin ang kanilang katungkulan upang masiguro ang tagumpay ng programa, gaya ng regular na pagbabayad ng kontribusyon, tamang pagre-remit at pagre-report ng mga employers, pagsusumite ng “good” claims ng mga ospital, at iba pa.


Magandang oportunidad din ito na ipaalam sa publiko ang mahalagang ginagampanan ng PhilHealth sa kalusugan ng pamilya sa pamamagitan ng mga benepisyo kapag naoospital. Sa panahon ng pandemya pa lamang, ang PhilHealth ay nakapagbayad ng P307.70 bilyon para sa mahigit 33.93 milyong benefit claims ng mga miyembro at kanilang dependents. Hinihikayat ng PhilHealth ang mga tanggapan ng gobyerno, lokal na pamahalaan, mga ospital, mass media at lahat ng mamamayan na suportahan ang selebrasyong ito at tulungan ang ahensya na matupad ang mandato nitong mabigyan ng sapat na segurong pangkalusugan ang lahat ng Pilipino.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | Pebrero 4, 2023



Hello, Bulgarians! Masaya at magandang araw ang naghihintay sa mga mallgoers sa pagdating ng beauty and wellness sa mga SM malls. Ginanap noong Pebrero 1, 2023 ang Health and Beauty Nationwide Caravan sa Event Center, Mega A, SM Megamall.


Dumalo sa kaganapan sina Philippine Cancer Society Representative Dr. Romy Marcaida, PhilHair President Ricky Reyes, Judy Chua, Tiffany Gatchalian, Philippine Red Cross Secretary General Dr. Gwen Pang, SM Supermalls Vice President for Corporate Marketing Grace Magno, SM Supermalls AVP for Premier 2 Operations Ian Mathay.


Nagpahayag ng talumpati si PhilHair President Ricky Reyes sa nasabing event at masayang ibinalita ang partnership ng PhilHair sa Philippine Red Cross na magsasagawa ng medical health checkup at pagsasanay sa First Aid para sa mga kababaihan at kabataan sa mga komunidad na nakapalibot sa SM malls.


Bisitahin ang SM Supermalls at magpakasaya sa #AweSM beauty and wellness deals na walang katulad! At para makuha ang lahat ng pinakabagong update tungkol sa SM Supermalls, siguraduhing mag-log on sa www.smsupermalls.com o sundan ang @smsupermalls sa lahat ng social media platforms.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | Pebrero 1, 2023



Hello, Bulgarians! Sinimulan ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Timpalak sa Tulang Senyas, ang kauna-unahang patimpalak sa pagtula sa pasenyas na paraan sa buong Pilipinas. Itinataguyod ito ng KWF na naglalayong palaganapin ang Filipino Sign Language (FSL) bilang tunay na wika, pagsulong ng Filipino deaf culture sa pamamagitan ng panitikan, kilalanin at bigyang-puwang ang hindi matatawarang kakayahan at husay ng mga kababayang bingi, at makapag-ambag sila sa panulaang Filipino ng kanilang obra sa pamamagitan ng pasenyas na pagtula.


Bukas ang timpalak sa lahat ng mga Filipino citizen na matatas sa FSL, babae man o lalaki sa buong mundo, maliban sa kawani na ng KWF at kanilang mga kaanak. Maaaring lumahok sa isa sa dalawang kategorya ng timpalak, ang Bingi o Hard-of-Hearing at Hindi Bingi.


Ang entring ipapasa ay isang tulang senyas na hindi bababa sa dalawampu’t apat na taludtod o linya at hindi lalagpas sa apatnapung taludtod o linya. Kinakailangang may pamagat ang ipapasang koleksyon. Ang paksa ng tula ay salig sa tema ng Buwan ng Panitikan 2023 na “Kultura ng Pagkakaisa: Pagsisiyasat ng Pagkakaisa sa Pamamagitan ng Panitikan.” Ang ipapasang tula ay malaya (walang tugma at sukat).


Ang lahok ay kailangang orihinal at isesenyas gamit ang Filipino Sign Language (FSL), hindi salin ng nalathala nang tula, at hindi pa nasesenyas at nalalathala sa alinmang platform. Ang sinumang mahuli at mapatunayang nagkasala ng pangongopya ay kakanselahin ng KWF ang ipinagwaging lahok nito sa timpalak at hindi na muling makasasali pa sa alinmang timpalak ng KWF.


Ang huling araw ng pagsusumite ng lahok ay sa ika-13 ng Pebrero 2023, alas-5:00 ng hapon. Hindi na mauurong ang araw ng pagsusumite.


Para sa karagdagang detalye, mag-text o tumawag sa 0928-844-1349 o mag-email sa timpalak.gawad@kwf.gov.ph.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page