top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | March 26, 2023





Hello, Bulgarians! Naglabas ang Pag-IBIG Fund ng P53.76 bilyon na cash loan o mas kilala bilang short-term loan, kung saan nakinabang sa record-high ang 2,612,491 na miyembro noong 2022, ayon sa opisyal na pahayag ng ahensya noong Martes, ika-21 ng Marso, 2023.


Para sa 2022, tumaas ng 21% o P9.46 bilyon ang halaga ng short-term loan na inilabas ng ahensya kumpara sa P44.30 bilyon na inilabas noong 2021. Sa naturang halaga, tumaas ng 24% o mahigit kalahating milyon ang bilang ng mga miyembrong tinulungan sa pamamagitan ng programa kaysa sa 2,090,851 na miyembro noong 2021.


“We at Pag-IBIG Fund exert all efforts in providing our members with assistance on their financial needs. We are happy to note that through our Short-Term Loan Program, we were able to aid more than 2.6 million Filipino workers gain added funds to tend to their needs last year. All our efforts are in line with the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide the best service to the Filipino people,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, binanggit ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta ang pagiging maaasahan at kadalian ng pag-access sa pag-avail ng MPL at Calamity Loan ng Pag-IBIG na nagtulak bilang pangunahing lakas sa paglago nito.


“We at Pag-IBIG Fund are aware that millions of our members rely on our MPL for their immediate financial needs and our Calamity Loan to help rebuild their lives. That is why we have made these loan programs more accessible and easier to avail for our members. Today, our members can easily and conveniently apply for these loans through many channels, which include their employers, our more than 200 branches and services offices nationwide, or online via the Virtual Pag-IBIG or the Virtual Pag-IBIG Mobile App. What’s more, we also have our Lingkod Pag-IBIG On Wheels which are currently going around the country, ready to receive loan applications from members particularly those from underserved and calamity-stricken areas,” sabi ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | March 24, 2023





Hello, Bulgarians! Inupakan ni Senador Ramon Bong Revilla, Jr. ang Bureau of Immigration (BI) matapos nitong maglabas ng statement ukol sa nag-viral na offloading incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Sa isang viral video na umikot sa social media, detalyadong ikinuwento ng isang pasaherong papunta sana sa Israel ang kanyang naging karanasan sa kamay ng isang Immigration Officer (IO) nang siya’y isailalim nito sa puro “walang-katuturan” na pagtatanong hanggang sa puwersahin pa itong dalhin ang kanyang school yearbook.


Dahil d’yan, naiwan ang pasahero sa kabila ng pagpunta sa airport ilang oras bago umalis. Mas masahol, kinailangang gumastos muli ang pasahero para magpa-rebook.


Ayon kay Revilla, marami nang natatanggap na reklamo ang kanyang tanggapan ukol sa offloading nitong nakaraang taon pa at kanila nang iniimbestigahan ang isyu, hanggang sumambulat na ito. “Tinitingnan na namin ito since last year, at eto at pumutok na.


Mismong kaibigan ni Congressman Bryan Revilla na papasyal lang sa Singapore twice in-offload despite our correspondence with BI,” kuwento niya. “Ang katwiran ng BI, iba raw ‘yung nasa legal at head office nila sa mga nasa airport. Wala raw silang control sa mga nasa airport. Tama ba ‘yun?” kanyang pagtatanong.


Pinuna ni Revilla ang kasalukuyang polisiya ng BI sa pag-offload na ayon dito ay kung may marangal man na hangarin ay hindi kaaya-aya ang nagiging resulta. “Sa pagkakataong ito, it looks like the solution being implemented is worse than the problem,” ani Revilla.


Ayon sa statement na inilabas ng BI, sa 32,404 na pasaherong kanilang in-offload noong 2022, 472 lamang ang may kaugnayan sa human trafficking, 873 ang umano’y nag-misrepresent sa kanila, at 10 ay mga menor-de-edad.


“Sa lagpas 30,000 na in-offload at inabala ng immigration na ‘yan, wala pang 4.2% niyan ang may semblance of basis. Mas nakakagalit, only 1.45% ang sinasabi nilang connected sa Human Trafficking,” punto ng mambabatas. “Over 95% talagang inabala at pinagastos lang.


Ibig sabihin, isa lang sa bawat dalawampung inoffload nila ang medyo may basis. ‘Di ba kalokohan ‘yan?”


paliwanag nito. “Sobrang daming naabala. Sobrang daming nasayang na oras at pera. This really says something about the accuracy and efficiency of their [Bureau of Immigration] performance.”


“Ano’ng nangyayayari sa Bureau of Immigration? Nakakahiya! Hindi ganyang klase ng serbisyo-publiko ang dapat natatanggap ng mga tao. Ngayon kasi, para bang all Filipinos are human traffickers unless proven otherwise! Bakit niyo hahanapan ng yearbook? Bakit niyo hahanapan ng graduation photo? Hindi ko maisip para saan. Our people deserve to be treated better, if not fairly. Kaya kung hindi niyo matutuwid ‘yang ‘di matapos-tapos na kalokohan niyo, mag-resign na lang kayo!” himutok ng Senador.


Naniniwala si Revilla na harapang pagyurak sa constitutionally guaranteed right to travel ang ginagawa ng BI, at maaari pang pagyapak sa kapangyarihan ng mga Korte na mag-issue ng Hold Departure Orders (HDO) kung may batayan. “Parang daig pa nila ang korte.


Napaka-absurd yata na ‘yung nakagawa ng krimen, basta walang HDO makakaalis, pero ‘yung mga ordinaryong Pilipino na gusto lang makaranas ng bakasyon sa ibang bansa, basta-basta lang iniipit at hindi pinaaalis. Over-stepping na ‘yan,” paliwanag nito.


Tuluy-tuloy pa rin ang pag-offload ng BI sa kabila ng mga patakarang inilatag sa Memorandum Circular No. 036, s. 2015 ng Department of Justice na nagtakda ng revised guidelines sa Departure Formalities for International-Bound Passengers. Ayon sa circular, “only when a tourist passenger is identified by the immigration officer to have doubtful purpose of travel, fraudulent, falsified or tampered travel documents, or identified as a potentially trafficked person may he/she be not cleared for departure or recommended for deferred departure and turned over to the Travel Control and Enforcement Unit.” At “[a]s much as practicable, secondary inspection shall not exceed 10 minutes unless extraordinary circumstances require a longer period of inspection”.


“This is obviously being abused. Napakalaki ng latitude being given to these IOs. Sobrang broad ng authority at ng discretion. Daig pa nila mga consul sa pag-iissue ng visa,” pagtatapos ni Revilla.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | March 23, 2023





Hello, Bulgarians! Idinaos ng Go Negosyo ang Women Summit 2023 noong Sabado, Marso 18, sa Ayala Malls Manila Bay sa Parañaque City. Pinangunahan ito ni Go Negosyo founder Joey Concepcion, kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos, US Ambassador Marykay Carlson at Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Alfredo Pascual na malugod na tinanggap ang libu-libong kababaihang negosyante na nais matuto mula sa mga batikang negosyante na nagsalita sa kaganapan.


"Sa 17 taon na kami ay katrabaho ang mga MSMEs, napansin namin na ang mga kababaihan ay maparaan, malikhain at determinadong mga negosyante," sabi ni Concepcion. "Ito ang dahilan kung bakit ginagawa namin, mula nang magsimula ang Go Negosyo, na palaging maglaan ng kaganapan sa para sa mga babaeng negosyante," sabi niya.


Sa temang “Celebrating Inspiring Filipina Entrepreneurs”, ang Women Summit 2023 ay naglalayon na itampok ang papel ng kababaihan sa iba't ibang larangan, kabilang ang innovation, teknolohiya, kalakalan, at pamumuno sa negosyo, at kilalanin ang mga kababaihang nanguna sa mga larangang ito. Itinampok din ang mga matagumpay na negosyong maaaring pagsikapan ng mga kababaihan, at magbigay-inspirasyon sa mga babaeng negosyante na ituloy ang kanilang mga pangarap, bumuo ng negosyo, at tumulong sa lipunan.


Labinlimang natatanging Filipina entrepreneurs ang ginawaran ng Inspiring Filipina Entrepreneurs Award sa summit. Ang parangal ay ibinibigay sa mga natatanging negosyanteng Pinay na nagpakita ng pambihirang pamumuno at nakatulong sa kanilang mga komunidad. Mahigit sa 200 outstanding women entrepreneurs ang nabigyan na ng parangal mula nang ito ay mabuo.


Pinamunuan ni Philippine Retailers Association President at Wilcon Depot SEVP Rosemarie Ong ang Inspiring Filipina Entrepreneurs Awards, habang si ASEAN BAC Philippines at Go Negosyo Senior Adviser Josephine Romero ang nanguna sa awarding ceremonies.


Sa talakayan, itinampok ang mga kababaihan na umangat sa mundo ng tech, gaya nina Angkas founder Angeline Tham, Kumu VP at She Talks Asia co-Founder Victoria Herrera, GrowSari CMO Maimai Punzalan, at Kindred Health CEO Jessica De Mesa.


Si Ms. Universe 1969 Gloria Diaz at Ms. Universe Philippines (Agusan del Norte) Jannarie Zarzoso ay nagbahagi ng kanilang mga entrepreneurial journeys pagkatapos maging beauty queen, habang si Amina Aranaz-Alunan ay nagkwento tungkol sa pagiging una sa negosyo ng fashion accessories. Si Jessica Wilson ng Sunnies Face ay nagbigay-payo kung ano ang kinakailangan upang makabuo ng isang pinagkakatiwalaang brand, habang ang content creator na si Nana Silayro at celebrity mom na si Melai Cantiveros-Francisco ay nagbahagi ng kanilang mga inspirational talk sa audience.


Ang may-ari ng Lydia's Lechon na si Lydia de Roca, ang nagtaguyod ng Ate Rica's Bacsilog na si Rica Peñalosa, at ang mother-daughter tandem ng Mary Grace Café na sina Mary Grace Dimacali at Marian Dimacali Calaquian ay nagkuwento kung ano ang kailangan upang magtagumpay sa food business. Ang may-ari naman ng Eggluck na si Luck Pedro, House of Musa founder Sina Gleizl Joy Soo, Arkat Lawanen Chair Amielyn Limbona, at Something Nice CEO Rosanna Kabiling ay lumahok sa isang forum kung ano ang kinakailangan upang magtagumpay bilang isang babaeng negosyante. Nagbigay-aliw naman ang celebrity vlogger na si Macoy Dubs na dumating bilang "Lisa B." tungkol sa pagtanggap ng pagkakaiba at pagkakaisa.


Nagsagawa rin ang Go Negosyo ng libreng entrepreneurship mentoring session kasabay ng event.


Mayroon ding mga sponsor na nag-aalok ng tulong sa kapital at access sa mga merkado, kabilang na ang Esquire Financing Inc., na nagbigay ng walang interes na pautang na Php50,000 sa mga dadalo ng Women Summit. Ang Women Summit 2023 ay ginanap sa pakikipagtulungan sa US Embassy.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page