top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng | May 10, 2023





Hello Bulgarians! Una sa lahat, ingat lang tayo sa sobrang init ng panahon ngayon.


Alagaan po natin ang ating kalusugan.


Kamakailan lamang ay inanunsyo ng Social Security System (SSS) sa pamamagitan ng SSS Circular No. 2023-001 dated April 26, 2023, ang pagbaba ng kanilang service fees na sinisingil sa pamamagitan ng mga SSS-accredited collecting banks remittance at transfer companies.


Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet, ang pass-on service fees na sinisingil ng mga SSS collecting partners ay ibababa sa itinakdang P8 per transaction para sa online payment channels at P10 per transaction para sa over-the-counter payment.


Ayon kay Macasaet, magbebenepisyo sa pagbabawas ng service fees ang mga SSS members sa pagbabayad ng kanilang contributions sa pamamagitan ng over-the-counter at online payment channels.


Saklaw ng pagbaba ng service fees ang monthly contribution payments ng mga self-employed at voluntary members, Overseas Filipino Workers (OFWs), magsasaka at mangingisda gayundin ang mga asawang nasa bahay lang. Ang nabanggit na bagong patnubay o guidelines ay nag-aapply din sa contribution payments ng mga employed SSS members na sakop ng Worker’s Investment and Savings Program (WISP) Plus.


“We talked and negotiated with our collecting partner banks as well as with remittance and transfer companies to help ease the burden of ordinary SSS members by reducing the pass-on service fee whenever members pay their regular social security and WISP Plus contributions over-the-counter or through online payment channels,” ani Macasaet.


Bago ang nasabing guidelines, naniningil ang mga bangko sa mga SSS members ng pass-on service fee ng hanggang P25 per transaction, samantalang ang remittance at transfer companies ay naniningil ng pass-on service fee ng hanggang P15 per transaction sa pagbabayad ng kanilang mga contributions.


Ang mas-mababang pass-on service fees ay ganap na nagsimula noong Mayo 1, 2023.



 
 

ni Fely Ng | May 8, 2023





Hello Bulgarians! Ginanap kamakailan ng SM Cares ang “The Blackout Zone”, tampok ang kanilang pinakatanyag na exhibit kung saan idinesenyo nito ang pagiging bulag o

“simulate blindness” na ginanap sa SM City Tanza.


Dumalo sa naturang paglulunsad sina Engr. Bien Mateo, Senior Vice President ng SM Supermalls, Arch. Jaime Silva ng Philippine Foundation for the Rehabilitation of the Disabled, Inc., Marlo Lucas mula sa Resources for the Blind Inc., at Jayme Marino ng National Council on Disability Affairs.


Naroon din sa event sina Dr. Florencio Costa ng Tanza National Comprehensive High School, Mr. Joebert Guzon ng FEAPITSAT, at Coralyn Perez of Tanza Municipal Social Welfare and Development na kumakatawan kay Mayor Yuri Pacumio. Kalahok din ang mga mag-aaral mula Tanza National Comprehensive High School at ang The Blackout Zone booth sa SM City Tanza.


Ang “The Blackout Zone” ang kauna-unahang exhibit na gumagaya o nag-sisimulate upang magkaroon ng “blind experience” sa Pilipinas na naka-mount sa loob ng mall, nagkaroon ng kakaiba at nakaka-engganyong karanasan ang isang bulag sa paglilibot ng libre sa mall.


Ang mga kalahok ay gagawa ng mga simpleng gawain tulad ng pagtatali ng sapatos, gagawa ng sandwich, magtitimpla ng kape, manonood ng sine ngunit mananatiling bulag panandalian. Sa pagtatapos ng tour, ang mga kalahok ay pupulungin ng blind master, mga kinatawan ng blind community, upang magbahagi ng kanilang personal na karanasan at mga kaalaman upang ang mga hamon ng nabanggit na exhibit ay maging salamin ng pang araw- araw na buhay ng isang taong bulag.


Sa pamamagitan ng ganitong karanasan, ang mga mall-goers, tenants, at mga kawani ay inaanyayahan na magkaroon ng malalim na pang-unawa at pagmamahal sa mga miyembro ng blind community.


Bukas naman sa publiko ang Blackout Zone na matatagpuan sa SM City Tanza mula Abril 24 hanggang Mayo14.


“We at SM Cares firmly believe that empathy and awareness are crucial to enabling a barrier-

free and disability inclusive environment,” sabi ni Mateo. “As such, we humbly

invite everyone to visit ‘The Blackout Zone’ to show solidarity, appreciation, and inspired action to the blind community.”


Kasunod ng matagumpay na “The Blackout Zone” mula sa mga nakaraang pagtatanghal sa SM Southmall at SM City Clark, ang naging kaganapan sa SM City Tanza ang itinuturing na pinakamalaki sa kasalukuyan. Unang inilunsad noong Oktubre nung isang taon, ang “The Blackout Zone” na binisita ng higit 2,000 attendees.


Ang Blackout Zone ang isa sa mga inisyatibo ng SM Cares sa ilalim ng programa nito para sa mga Persons with Disabilities. Ang iba dito ay ang taunang Emergency Preparedness Forum ng mga PWDs at senior citizens; ang taunang Happy Walk for Down Syndrome with the Down

Syndrome Association of the Philippines; at ang annual Angels Walk for Autism in partnership with Autism Society Philippines.

Sa pamamagitan ng Blackout Zone, sinusuportahan ng SM Cares ang United Nations’ Sustainable Development Goals (SDGs), partikular ang “SDG 10: Reduced Inequalities”.


 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | April 26, 2023





Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan sa SMX Convention Center sa Pasay ang Autism Acceptance Month sa pangunguna ng Autism Society of the Philippines (ASP), kasama ang SM Cares at ang National Council on Disability Affairs (NCDA), sa taunang tradisyon ng ASP Angels Walk for Autism. Ang paglalakad ay ginawa online sa panahon ng pandemya, ngunit kinilala bilang pinakamalaking event sa adbokasiya ng autism sa Asia na may 26,000 kalahok sa 11 lungsod noong 2020.


Ang pagdiriwang ngayong taon ay buong pagmamalaking sinuportahan ng SMX Convention Center, SM Mall of Asia, ASEAN Secretariat, ASEAN Autism Network, Miss Universe Philippines, TikTok, Pancake House, at iba pang mga grupo at indibidwal na nakipagtulungan sa ASP sa mga nakaraang taon tungo sa pagbabago.


Ang US Center for Disease Control ay naglabas ng isang pag-aaral noong Abril 2023 na ang autism ay nakakaapekto sa 1:36 na batang wala pang 8 taong gulang. “Autism is a complex and lifelong developmental exceptionality, challenging an individual’s ability to communicate, socialize and adapt to the world around him. This spectrum condition manifests uniquely in different persons. It is a variation of the human condition affecting approximately 1.2 million Filipinos,” pahayag ni Mona Magno-Veluz, ASP National Spokesperson.


Pinangunahan naman ni NCDA Executive Director Don Frajedas ang panunumpa ng bagong board of trustees ng Autism Society Philippines, sa pangunguna ni incoming ASP National President Lorenzo ‘LJay’ Sumulong III, ang unang lalaking Presidente sa 34-taong kasaysayan ng ASP. Ang mga kandidata ng Miss Universe Philippine 2023 ay umaakyat sa entablado kasama ang mga bata sa autism spectrum para sa isang makabagbag-damdaming opening salvo para sa pre-walk program ngayong taon, bilang ‘big sisters’.


Sinusuportahan rin ng Innovation leader TikTok Philippines ang pagsasama ng autism sa digital space sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga post gamit ang mga hashtag #AngelsWalk2023 #AutismOKPH #AutismOKUniverse. Kinikilala ng Autism Society Philippines ang power of short-form video habang pinapataas ang adbokasiya nito sa pamamagitan ng TikTok (@autismphils). Samantala, ang ASP Hans T. Sy Leadership Award for Inclusion and Welfare, ang pinakamataas na pagkilala ng ASP, ay ipagkakaloob kay G. Daniel Razon, ang creative giant sa likod ng makabuluhang adbokasiya ng iconic Wish Music Awards.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page