top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | June 25, 2022




Hello, Bulgarians! Inilunsad ng HMD Global, tahanan ng Nokia phone, ang bagong Nokia C32, ang unang smartphone na sikat sa hanay ng C-series na may advance imaging 50MP camera, IP52-certified at *7GB of RAM sa mas abot-kayang presyo.


Ang pinakabagong Android 13 ay napaka-refresh ang disenyo at mayroong matibay na glass finish.

“Nokia C32 reimagines what’s possible in an affordable smartphone. Featuring the most advanced camera in the C-series to date, it’s here to give people high-quality photos at exceptional value. We believe that value should not sacrifice design, so we have included a toughened glass finish usually seen in more premium designs to ensure Nokia C32 looks as good as the pictures it takes,” pahayag ni Yolanda Liang, General Manager ng Pan Asia and the Greater China Region, HMD Global.

Available na ang Nokia C32 sa Pilipinas na nasa halagang P5,490 lamang sa mga mobile physical store ng Nokia, partners, authorized resellers nationwide, at online sa Lazada.


Ang variant ng Charcoal ng Nokia C32 ang unang ilalabas, kasunod ang kulay ng Autumn Green sa huling bahagi ng buwang ito. Ang parehong variant ay may kasamang 128GB storage.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | June 23, 2022




Hello, Bulgarians! Pormal na inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapalawig ng benepisyo nito sa hemodialysis mula 90 hanggang 156 sesyon simula ngayong taon. Ito ay batay sa PhilHealth Circular 2023-0009 na epektibo na simula Hunyo 22, 2023.


Ang mga miyembro ng PhilHealth pati na ang kanilang mga kwalipikadong dependents na mayroong chronic kidney disease stage 5 (CKD5) at nangangailangan ng hemodialysis ay maaaring mag-avail ng nasabing benepisyo.


Kailangan lamang na sila ay nakarehistro sa PhilHealth Dialysis Database bago mag-avail ng dialysis.

Ipinaliwanag ng PhilHealth na ang kabuuang 156 sesyon ay ayon sa kasalukuyang panuntunan para sa kinakailangang tatlong sesyon sa isang linggo sa loob ng 52 linggo o katumbas ng isang taon.


Dahil sa karagdagang benepisyo, maaaring makapag-avail ang mga CKD5 patients ng hanggang P405,600.00 kada taon.


Ang pakete ng PhilHealth para sa dialysis ay P2,600 kada sesyon.

“Tiwala kami na ang suportang ito ay malaking ginhawa para sa mga kababayan nating umaasa sa life-saving treatment na ito,” ani ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr.


“Ang pagpapalawig ng benepisyo para sa hemodialysis ay patunay na ang PhilHealth ay nakikinig sa panawagan ng ating mga miyembro. Patuloy ang aming pag-aaral na mapabuti ang mga benepisyo ng PhilHealth upang mas mabigyan pa ng sapat na financial risk protection ang mga Filipino,” dagdag ni Ledesma.

Mariin namang ipinaalala ng PhilHealth na inirerekomenda nito ang peritoneal dialysis (PD) bilang unang hakbang sa paggamot ng mga pasyenteng mayroong CKD5.


Sinabi rin ng ahensya na ang kidney transplantation pa rin ang “gold standard treatment” para sa mga pasyenteng may kidney failure.


Nakaamba na rin ang pagtaas ng financial coverage para sa peritoneal dialysis at kidney transplant sa susunod na dalawang taon.


Binanggit ni Ledesma na ang pagpapalawig ng benepisyo sa hemodialysis ay naging posible dahil sa tulong ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).


“Sa tulong ng PAGCOR at PCSO ay mabilis nating maipatutupad ang Universal Health Care Law. Ang pagpapalawak ng benepisyo ng PhilHealth ay bilang pagtugon din sa prayoridad ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabawasan ang out-of-pocket expenses sa kalusugan ng mga Filipino na naaayon sa layunin ng ating pamahalaan na Matatag, Maginhawa at Panatag na Buhay para sa Filipino sa 2040,” sabi nito.

Mayroon nang P21 bilyong pondo mula sa dalawang partner agencies na nakalaan para sa PhilHealth sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | June 21, 2022




Hello, Bulgarians! Ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at SM Store ay nagtulungan para ilunsad ang first Coin Deposit Machines sa SM Mall of Asia. Upang makatulong sa coin circulation ng Pilipinas, ang BSP at SM Store ay naglagay ng una sa 18 mga coin deposit machines sa SM Store at SM Hypermarket sa SM Mall of Asia.


Nasa larawan (L-R): SM Supermalls Senior Vice President for Marketing Jonjon San Agustin, SM Supermalls President Steven Tan, BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, SMIC Vice Chairperson Tessie Sy-Coson, BSP Governor Felipe Medalla, BSP Deputy Governor Bernadette Puyat, SM Retail Director Ricky Lim, SM Store Executive Vice President Dhinno Tiu, and SM Retail Vice President of Treasury Jeffrey Ang.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page