top of page
Pokwang.jpg
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 10, 2026



Mexico State police sa pinangyarihan ng pagsabok ng pyrotechnic sa religious festival sa Temascalcingo, Mexico - AP - Ramses Mercado

Photo: Ang Mexico State police sa pinangyarihan ng pagsabog ng pyrotechnic sa isang religious festival sa Temascalcingo, Mexico - AP - Ramses Mercado



Patay ang 10 katao habang 64 ang sugatan matapos sumabog ang pyrotechnic materials sa isang religious festival sa Temascalcingo, Mexico State nitong Sabado ng gabi.


Naganap ang pagsabog malapit sa Nuestra Señora de la Luz Church habang daan-daang deboto ang naghihintay sa fireworks display para sa pista ng patron saint.


Gumuho ang isang pader dahil sa lakas ng pagsabog, habang ilang residente ang nagtulong-tulong sa paghahanap ng mga survivor sa gitna ng usok at debris.

Dalawa sa mga sugatan ay mga pari, ayon sa lokal na obispo.


Hindi pa malinaw ang sanhi ng pagsabog at iniimbestigahan na ito ng Mexico State Attorney General’s Office.


Karaniwan ang paggamit ng paputok sa mga street celebration at religious festival sa Mexico. 

 
 

ni Justine Berganio @Overseas News | August 29, 2026



Chernigovka, Russia - Reuters

Photo: Chernigovka, Russia - Reuters



Pito ang kumpirmadong nasawi habang siyam na manggagawa ang patuloy na hinahanap matapos sumiklab ang pagsabog at malaking sunog sa Amur Gas Chemical Complex sa Russian Far East.


Naganap ang insidente habang isinasagawa ang startup operations sa malaking petrochemical facility, ayon sa mga paunang ulat.


Bukod sa mga nasawi at nawawala, mahigit 150 manggagawa rin ang nagtamo ng iba’t ibang pinsala matapos ang insidente.


Agad namang nagsagawa ng malawakang search and rescue operation ang mga awtoridad upang matunton ang siyam na nawawalang empleyado.


Kasabay nito, isinailalim sa imbestigasyon ang pasilidad upang matukoy kung ano ang sanhi ng pagsabog at kung may naging pagkukulang sa safety procedures habang isinasagawa ang operasyon.


Ang Amur Gas Chemical Complex ay isang malaking joint petrochemical project ng Russia at China na itinatayo sa rehiyon para palakasin ang produksyon ng petrochemical products at suportahan ang sektor ng enerhiya ng dalawang bansa.


Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang lawak ng pinsala sa pasilidad habang nagpapatuloy ang rescue operations at imbestigasyon.

 
 

ni Lolet Abania | July 8, 2021


Iniimbestigahan na ng mga awtoridad sa Dubai ang naganap na pagsabog ng isang container ship na may kargang flammable materials, kung saan nagkaroon ng nagliliparang bolang apoy sa isa sa tinaguriang busiest ports sa buong mundo at nagpayanig sa buong siyudad ngayong Huwebes.


Agad na rumesponde ang mga bumbero sa Jebel Ali Port, Dubai para apulahin ang apoy na sumiklab mula sa isang malaking barko na may dalang container na ayon sa mga awtoridad ay naghahanda na sa pagdaong sa pantalan.


Makapal na usok at apoy ang lumalabas mula sa barko subalit naapula ng mga bumbero ang sunog sa loob ng 40 minuto habang wala namang naiulat na namatay o nasugatan, at ang lahat ng 14 crew members ay nakalikas bago pa ito tuluyang sumabog.


“Thank God, everything is safe. But this is a natural accident that happened in one of the containers, which was also carrying some flammable materials. There was no other reason,” pahayag ni Mona Al Marri, director ng Dubai Media Office, sa Al-Arabiya television.


Ayon kay Marri, inaalam na nila ang naging sanhi ng pagsabog, habang ang mga police vehicles at fire trucks ay nananatiling nakaistasyon ngayong araw sa matinding nawasak na barko na may mga makikita pa ring containers na nasusunog.


Sinabi naman ng mga residente sa mga apartment towers at mga villa na malapit sa coast, nakarinig sila ng malakas na pagsabog nang oras na iyon habang naramdaman at nakita nila ang pagyanig ng mga bintana at pinto matapos na magliparan ang mga fireball sa himpapawid, kung saan ilan sa kanila ay nagbi-video pa mula sa kanilang balcony.


Sa ulat ng Dubai police, tatlo sa 130 containers ng naturang ship ay naglalaman ng flammable materials. “Initial reports indicate that...friction, or heat, may have led to the blast,” ani Dubai Police Chief Abdullah al-Marri Dagdag pa niya, wala namang radioactive substances o explosives na nilalaman ang mga containers. “The port authority was taking all necessary measures to ensure the normal movement of ships in the port continues without any disruption,” pahayag ng Dubai Media Office.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page