ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 14, 2025

Photo: Jak Roberto at Kylie Padilla - IG, My Fathers Wife
Marami ang nakakapansin na may “something” na nagaganap kina Kylie Padilla at Jak Roberto. Halatang-halata sa kanilang mga kilos na may namumuong relasyon sa kanilang dalawa.
Maging ang kanilang mga co-stars sa seryeng My Father’s Wife (MFW) ay madalas na rin silang tinutukso sa isa’t isa.
Kita kay Kylie na may spark sa kanyang mga mata at kinikilig kapag magkasama sila ni Jak. Ganoon din si Jak na may kakaibang ngiti kapag nakikita si Kylie.
Kapag may nagsasabi sa aktor na may mga anak na si Kylie, ang tanging sagot daw nito ay, “I love kids!”
So, posible nga na may romansa nang namumuo kina Kylie at Jak. Pareho naman silang single ngayon at open naman ang aktres na magmahal muli kung makakatagpo ng lalaking mamahalin at tatanggapin ang kanyang mga anak.
Payag din ang mga fans ni Jak at ni Kylie na mabuo ang tambalang JakLie (Jak Roberto at Kylie Padilla).
Bentang-benta sa madlang pipol…
SARAH DISCAYA, ‘DI RAW NATUWA SA PANGGAGAYA NI MICHAEL V.
TRENDING sa social media ang ginawang parody ni Michael V. (Bitoy) sa kontrobersiyal na lady contractor na si Sarah Discaya. Milyon ang mga viewers na natuwa sa panggagaya ni Bitoy sa hitsura nito na tinawag niyang “Ciala Dismaya”.
Kopyang-kopya ni Michael V. si Sarah, pati na ang nunal at British accent nito kapag nagsasalita.
Tunay na henyo si Bitoy sa kanyang mga ideya at brand of comedy. Marami na siyang personalidad na ginaya na nagustuhan ng mga manonood ng Bubble Gang (BG).
At ngayong gabi, ipapakilala ni Bitoy sa mga viewers si Ciala Dismaya, kasama ang ilang personalidad na dawit sa flood control projects scandal. Haharap sa hearing si Ciala Dismaya.
Samantala, may balitang hindi nagustuhan ni Sarah Discaya ang pagkopya sa kanya ni Michael V. Nakakasira raw iyon sa kanyang reputasyon. Ganunpaman, maraming viewers ng BG ang tuwang-tuwa at pumupuri sa spoof ni Michael V. kay Sarah Discaya na usap-usapan ngayon sa buong Pilipinas.
AYON sa ilang netizens, mukhang overexposed na si Shuvee Etrata at baka pagsawaan na ng publiko. She’s everywhere, halos lahat ay gusto siyang imbitahin para mag-show.
Marami ring bagong beauty products ang gustong kunin siya bilang endorser.
Nauna nang nag-endorse si Shuvee ng ilang malalaking produkto ng clothing line, fastfood at online shop.. Pinag-aagawan siya ngayon ng mga may-ari ng mga bagong produkto na gustong maging bahagi ng kanyang kasikatan.
Pero nag-aalala ang ilang mga fans at supporters na baka maumay at pagsawaan agad siya.
dapat daw ay i-build-up muna nang husto ng GMA-7 si Shuvee.
Malaking break para sa kanya ang makapareha ang Primetime King na si Dingdong Dantes sa upcoming seryeng Master Cutter (MC). Hindi lahat ng baguhan ay nabibigyan ng ganitong kagandang oportunidad. Siguradong lalo siyang kaiinggitan ng ibang Kapuso stars.
Pero deserve naman talaga ni Shuvee ang tinatamasa niyang popularidad ngayon. Hindi rin siya masisisi kung tinatanggap niya ang mga product endorsements na dumarating sa kanya.
Gusto ni Shuvee Etrata na bigyan ng maginhawang buhay ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Pangarap niyang ipagpagawa ng malaking bahay ang kanyang pamilya sa Bantayan, Cebu. Nais niya na magkaroon ng sariling kuwarto ang lahat ng kanyang 8 kapatid sa ipatatayo niyang bahay.








