top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 20, 2022



Dahil tumatakbo siyang senador ngayon, aware si Herbert Bautista na pati ang kanyang personal na buhay ay pakikialaman at ilalantad ng kanyang mga bashers.


Tiyak na huhusgahan siya ng mga netizens dahil may mga anak siya sa mga babaeng kanyang nakarelasyon pero walang pinakasalan.


Open naman mula't sapul si Bistek sa kanyang real status. Hindi naman niya itinago sa publiko ang pagkakaroon niya ng mga anak simula nang pumasok siya sa pulitika.


Aminado si Herbert na marupok siya sa tukso ng pag-ibig. Pero, kahit na sabihin pa ng iba na isa siyang absentee father, never niyang tinalikuran ang kanyang responsibilidad sa kanyang mga anak.


Hindi niya itinago sa publiko ang kanyang mga anak. Ibinigay niya sa mga ito ang lahat ng kanilang pangangailangan.


At kapag libre ang kanyang panahon, bumabawi at nakikipag-bonding siya sa mga anak. Dito siya nakikipag-heart-to-heart talk sa kanila at ipinauunawa ang kanilang sitwasyon.


So far, very supportive naman kay Bistek ang kanyang mga anak lalo na ngayon na kumakandidato siyang senador at bahagi ng BBM-Sara UniTeam.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 13, 2021




Tuwang-tuwa si Hipon Girl a.k.a. Herlene Budol nang regaluhan ni Ivana Alawi ng iPhone12 na sobrang high tech at pangarap niyang mabili para sa kanyang sarili.


Nagkasama sina Ivana at Herlene sa latest vlog ng Pantasya ng Kalalakihan. Madali silang nagkasundo at tuwang-tuwa si Ivana sa kakenkoyan at pagiging down-to-earth ni Hipon Girl, kaya niregaluhan niya ito ng iPhone12.


Tunay na napakasuwerte ni Herlene Budol dahil kahit hindi siya nakabalik bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin/Tutok To Win ay may mga guestings naman siya ngayon.

Sumali rin siya sa Sing Galing ng TV5. Lumabas na rin siya sa top-rated gag show na Bubble Gang. At ngayon, kasama si Herlene sa cast ng Never Say Goodbye na pinagbibidahan nina Jak Roberto, Klea Pineda at Lauren Young.


Tuwang-tuwa naman ang cast ng NSG kay Hipon Girl dahil masayahin ito palagi. Siya ang happy pill ng lahat sa locked-in taping ng serye. Natural comedienne si Herlene at wala siyang kiber kung siya ay pinagtatawanan ng lahat dahil sa mga pagkakamali sa kanyang mga linya. Nag-e-enjoy lang siya sa kanyang ginagawa.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | October 11, 2021




Sa latest vlog ni Jessy Mendiola kung saan guest niya si Luis Manzano, nagkaroon sila ng lie detector game at isa sa mga inamin ni Jessy ay ang tungkol sa pagkakaroon niya ng attitude at pagiging masungit noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz.


Si Jessy ang breadwinner ng pamilya kaya lagi siyang pagod at nape-pressure. Kaya kadalasan ay wala siya sa kanyang sarili kahit nasa showbiz events.


Hindi niya pinapansin ang mga fans na tumatawag ng kanyang pangalan at kumakaway sa kanya. Problemado kasi siya at maraming iniisip.


Madalas pa ay kapos siya sa magagandang gamit na pang-artista. Hindi niya ma-afford ang bumili ng mga branded bags and shoes dahil kailangan na una niyang gastusan at itaguyod ang kanyang pamilya.


Pero nang nag-mature na siya, natutunan ni Jessy na mag-adjust sa lahat ng klase ng tao. Mabuti na lang at ang napangasawa niya ay si Luis Manzano na sobrang masayahin at ma-PR sa tao.


Kahit papaano ay nabago ang ugali ni Jessy at hindi na siya masyadong nagsusungit at hindi na rin nag-a-attitude.


Isa pa sa mga inamin ni Jessy sa lie detector game nila ni Luis ay ang mga indecent proposals noon sa kanya. Name your price ang offer sa kanya para lang sa isang lunch date. Isang super rich non-showbiz guy ang nag-offer daw sa kanya pero hindi niya ito pinatulan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page