top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 26, 2022


ree

Labis na ipinagtataka ng marami ang pananahimik ngayon sa social media ni Kris Aquino. Hindi raw niya ito dating ginagawa kahit na noong kasagsagan ng kanyang sakit at bumaba nang husto ang kanyang timbang.


Nagawa pa nga niyang lumabas at dumalo sa rally noon ni VP Leni Robredo sa Tarlac para magbigay ng suporta sa kanyang presidentiable.


At dahil din sa ginawang 'yun ni Kristeta, may mga bashers ang nagpayo na dapat ay ang kanyang kalusugan na lang ang kanyang gawing prayoridad at hindi ang pulitika.


Pero lately ay nanahimik nga ang mundo ni Kris Aquino. Ni hindi nga siya nag-post ng pagbati sa nakaraang kaarawan ni VP Leni Robredo noong April 23 kung saan isang grand rally na dinaluhan ng malalaking artista-singers ang ginanap sa Bay Area ng Pasay.


Nakakapanibago nga para sa lahat ang pananahimik ni Kris. May isang reliable source ang nagkuwento na diumano, may nagaganap na milagro at pagbabago sa health condition ngayon ni Kristeta.


Isa raw nagmamalasakit sa kanya ang nagdala ng picture ni Kris sa Padre Pio Shrine sa Batangas at doon ay pinadadasalan para gumaling ang mommy nina Joshua at Bimby.


Maraming kuwento ng healing miracles si Padre Pio na pinatotohanan ng marami. Kaya, posibleng may milagro ring nangyari kay Kris Aquino.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 25, 2022


ree

May ilang netizens ang nagsasabing hindi raw dapat lumantad ang Superstar na si Nora Aunor sa kanyang pagsuporta sa BBM-Sara tandem sa UniTeam.


Hindi raw ito makakatulong sa kanyang career dahil maraming bumabatikos ngayon kay BBM.


Sapaw na sapaw daw si La Aunor nina Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Regine Velasquez at Vice Ganda na supporter ni VP Leni Robredo.


Pero, hindi nagpatinag ang Superstar kahit na ano pa ang sabihin ng mga Kakampink sa kanya. Taos sa puso ni Guy ang pagsuporta kina BBM at Sara.


Kahit na sabihin pa ng mga supporters ni VP Leni na hindi na gaanong nararamdaman ng publiko ang karisma ng isang Nora Aunor, ang mahalaga ay nagpakatotoo siya sa kanyang sarili at hindi nadidiktahan or nakikiuso lamang, tulad din ng pagpapakatotoo ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.


At this point of her life, wala nang puwedeng katakutan at ipag-alala si La Aunor. Lahat ng hirap at pagsubok sa buhay ay kanya nang pinagdaanan. Masaya at tahimik na ang kanyang buhay ngayon kahit na sinasabing naghihirap na siya at naubos na ang kanyang yaman.


Sanay sa buhay-mahirap si Guy dahil doon siya nanggaling. Wala siyang pinagsisisihan sa kanyang mga major decisions na nagawa.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 24, 2022


ree

Marami ang natuwa nang pumasok sa Top 40 ng Bb. Pilipinas beauty pageant si Herlene Nicole Budol a.k.a. Hipon Girl. At least, ngayon ay hindi na siya mabu-bully at pagtatawanan ng mga humahamak sa kanyang pagkatao.


Hindi na masasabing babaeng hipon si Herlene. Lumutang na ang kanyang ganda sa tulong at pagmamalasakit ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.


Hindi siya kayang sapawan ng mga kapwa niya kandidata sa Bb. Pilipinas beauty pageant. Naging asset ni Herlene ang kanyang height at natural na karisma. Malakas ang loob ni Herlene at may kumpiyansa sa sarili. Hindi niya ikinahihiya na mahina siya sa English. Tagalog ang kanyang gagamitin sa Q & A portion ng pageant.


Tiyak namin na tuwang-tuwa at super proud ang Wowowin host na si Willie Revillame sa pagkakapasok ni Herlene Budol sa Top 40 ng Bb. Pilipinas beauty pageant. Alam niyang kakayanin ng dati niyang co-host ang lahat.


Ayon naman sa ilang malapit kay Herlene Budol, hindi siya gaanong nag-e-expect sa magiging kapalaran niya sa Bb. Pilipinas. Basta ibibigay niya ang lahat at gagawin ang mga natutunan niya sa training.


Pero, marami ang nagsasabing posibleng makasama si Hipon Girl sa Top 12 dahil malakas ang kanyang dating sa mga tao.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page