top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 06, 2021




Si Lovi Poe nga ang naba-blind item na big star na mag-oober-da-bakod na sa Kapmilya Network. Tapos na ang kontrata niya sa GMA-7 pero marami naman ang nagsasabing magre-renew siya bilang Kapuso.


Matagal na rin naman siya sa GMA-7. Nabigyan siya ng malalaking projects. Hindi naman siya pinabayaan at nadehado.


Isa si Lovi Poe sa mga prized artists ng Kapuso Network at binigyan ng importansiya tulad ng ibang female stars na sina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Heart Evangelista, Carla Abellana, Rhian Ramos, Sanya Lopez atbp.. Kaya, hindi expected ng marami na magagawa pang talikuran ni Lovi ang GMA Network.


Ano nga ba ang naging problema? Ang alam namin, bago pa nagbakasyon sa USA ang aktres ay may negosasyon nang nagaganap sa kampo ni Lovi at sa pamunuan ng GMA Network. Marahil, may mga bagay-bagay na hindi napagkasunduan. May tsikang may kinalaman dito ang talent fee.


Dismayado at nalungkot naman ang ilang fans ni Lovi Poe sa kanyang pag-alis sa GMA. Nakasanayan na nilang mapanood si Lovi sa mga shows ng Kapuso Network.


May ilang netizens naman ang nagsasabing baka raw na-insecure si Lovi sa pagpasok ni Bea Alonzo sa Kapuso. Baka inisip niyang maeetsapuwera na siya sa magagandang projects dahil kay Bea na ito ibibigay?


Well, tanging si Lovi lang ang makasasagot sa tunay na dahilan kung bakit nilayasan niya ang GMA-7. Baka naman nagsawa na siya sa mga Kapuso actors na ipinapareha sa kanya? Baka gusto naman niyang maranasang itambal sa mga Kapamilya actors

 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 05, 2021




Marami ang hindi na nagulat at nagtaka nang sumabog ang balitang hiwalay na sina LJ Reyes at Paolo Contis. Ang aktor daw ang nakipaghiwalay, ayon na rin sa kuwento ni LJ na six years nakarelasyon ni Paolo.


Sabi nga ng ilang netizens, may record na raw si Paolo na hindi nagtatagal sa pakikipagrelasyon. 'Yung mga nauna niyang girlfriends, 2 to 3 years lang tumagal tulad nina Isabel Oli at dating EB Babes member na si Lian Paz na kanyang pinakasalan at naanakan ng dalawang babae.


Si LJ lang ang medyo tumagal at naka-six years nga ang kanilang pagsasama. May anak silang babae, si Summer.


Kaya kung sinuman ngayon ang bagong babae na ipinalit ni Paolo kay LJ, dapat ay handa na sa maaaring mangyari. Tiyak na hindi rin magtatagal ang relasyon nila ng aktor. Kailangang handa ang kalooban nito dahil walang katiyakan kung hanggang kailan tatagal ang kanilang pagsasama.


Well, ano nga kaya ang katangiang hinahanap ni Paolo Contis sa babaeng gusto niyang makasama habambuhay? Kailan siya magseseryoso sa pakikipagrelasyon? Hindi ba naaawa si Paolo sa mga babaeng kanyang sinaktan at iniwan?

 
 

NANG MAGKITA ULI, WALA NANG KILALA.


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 04, 2021



Blind item:


Minarkahan na ng maraming reporters ang isang aktor na feeling big star kung umasta. Pakiramdam ng aktor sa kanyang sarili ay napakagaling na niya kaya dapat bigyan ng malalaking projects.


Gusto niyang i-level-up ang kanyang sarili sa ilang multi-awarded actors. Kaya 'pag may bago siyang pelikula o serye ay ramdam ng mga tao sa kanyang paligid na sobrang bilib siya sa kanyang sarili.


Pero ang ugali niyang kinaiinisan ng maraming reporters ay 'yung kawalan niya ng sinseridad sa pakikitungo. Kapag may pa-presscon para sa kanyang pelikula ay super sweet siya sa mga nakakaharap na press people. Super-chika-chika at feeling close sa lahat. Okey lang sa kanya na mapagod sa kase-selfie sa mga reporters na nag-interview sa kanya. Kaya ang buong akala ng mga reporters ay matatandaan ng aktor ang kanilang mukha at mga pangalan.


Pero ilang araw lamang ang lumipas, nang ma-meet nilang muli ang aktor sa isang event ay dedma na ito, as in hindi na sila kilala ng feeling-sikat na aktor.


Biglang-bigla na itong nagkaroon ng amnesia at hindi na kilala ang mga reporters na ilang araw lang ay binebeso-beso pa niya.


Plastik ang aktor, Hari ng Tupperware at Orocan! Minus factor 'yun sa aktor na ngayon pa lamang ay sinasabi nang hindi sisikat nang husto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page