top of page
Search

ni Lolet Abania | August 5, 2021


ree

Ipapamahagi na ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela City ang nakalaang cash assistance sa mga benepisyaryo nito sa Sabado o Linggo sa gitna ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region.


Sa Laging Handa public briefing, ayon kay Mayor Rex Gatchalian, inaasahan niyang matatanggap ang pondo ngayong Huwebes. “Pinakamaaga ay Saturday natin masisimulan. Pinaka-late na siguro ‘yung Sunday,” ani Gatchalian ngayong Huwebes sa briefing.


Ayon kay Gatchalian, naglaan na ang city government ng mga payout centers kung saan matatanggap ng mga nakaiskedyul na benepisyaryo ang kanilang mga ayuda sa mga naturang pasilidad kada oras.


Aniya pa, inihahanda na nila ang mga iskedyul at ang masterlist para sa distribusyon. Ang NCR ay isasailalim sa ECQ ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20 upang maiwasan ang panganib ng mas nakahahawang Delta variant ng coronavirus. Bibigyan ang mga low-income residents ng Metro Manila na labis na maaapektuhan ng restriksiyon ng P1,000 hanggang P4,000 cash aid mula sa national government.


 
 

ni Lolet Abania | August 3, 2021


ree

Sinuspinde ng Manila Electric Company (Meralco) ang kanilang disconnection activities sa Laguna at maging sa National Capital Region (NCR) ng mga piling petsa ngayong buwan, kasunod ng pagpapatupad ng mas mahigpit na quarantine restrictions sa nasabing lugar.


Ayon sa Meralco, hindi sila magpuputol ng kuryente sa Laguna mula Agosto 1 hanggang 15, kung saan ipapatupad ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa lalawigan. Hindi naman magsasagawa ng disconnection ang Meralco sa NCR mula Agosto 6 hanggang 20, 2021 dahil sa muling pagsasailalim dito sa pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ).


“Given the current situation, we continue to take into consideration the challenges our customers are facing amid these difficult times,” ani Ferdinand Geluz, first vice-president at chief commercial officer ng Meralco sa isang statement ngayong Martes. “Thus, we will again suspend all disconnection activities in NCR and Laguna to help ease the burden of our customers with the needed relief and additional time to settle their bills,” sabi pa ni Geluz.


Gayunman, hinimok ng kumpanya ang mga kostumer na patuloy pa rin na makipag-ugnayan sa kanilang billing at payment para hindi mahirapan sa pagbabayad sakaling na-lift na ang ECQ.


“Meralco business operations, including meter reading and bill delivery activities, will continue throughout the ECQ. Our continued operations will ensure that actual consumption for the month will be billed accordingly,” saad ni Geluz.


“But rest assured there will be strict implementation of health protocols in order to safeguard the health and safety of both customers and our personnel,” dagdag pa ng opisyal. Ayon pa sa Meralco, ang kanilang business centers ay mananatiling bukas mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes, at mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali ng Sabado. Ang kanilang mga crew ay patuloy ding naka-standby 24/7.

 
 

ni Lolet Abania | August 3, 2021


ree

Naglabas na ng bagong guidelines ang Department of Transportation (DOTr) na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan magpapatuloy at mananatili ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.


Gayunman, ayon sa DOTr, papayagan lamang na pasakayin sa public transport ang mga authorized persons outside residence (APORs). “Restrictions will be applied on passengers. There will be stricter enforcement to ensure that only APORs are permitted to use public transport, as mandated by the IATF,” ani Transportation Secretary Arthur Tugade sa isang email statement ngayong Martes.


“APORs are reminded to be ready to present transport marshals identification cards issued by the IATF or other documents or IDs as proof that they are authorized to travel,” dagdag ni Tugade. Isinailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5, 2021. Kasunod nito ang ECQ na pinakamahigpit na quarantine protocol mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.


Narito ang mga guidelines para sa ipapatupad na ECQ sa public transport:

*Ang mga public utility vehicles (PUV) gaya ng mga bus at jeepneys ay papayagan na mag-operate ng 50% capacity lamang. Ipinagbabawal ang mga nakatayong pasahero habang isang pasahero lamang ang maaaring maupo sa hilera ng driver.

* Papayagang bumiyahe ang mga motorcycle taxi services at mga transport network vehicle services (TNVS).

* Hinikayat naman at papayagan din ang mga bisikleta at electric scooters na bumiyahe, habang ang mga tricycle ay papayagang magsakay ng isang pasahero lamang.

* Magpapatuloy ang operasyon ng Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT1 at LRT2) at ng Metro Rail Transit Line 3 sa panahon ng ECQ, kasabay nito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga transport marshals ng health protocols.

* Isasagawa ang temperature checks sa entrance ng mga istasyon ng tren habang ang mga pasaherong nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ay hindi papayagan.

* Mananatiling operational ang mga domestic flights at sea travel sa NCR habang nakadepende ang quarantine restrictions sa destinasyong pupuntahan.


“We are more adamant now, as we reinforce the government initiatives and measures to prevent the spread of the highly-transmissible Dela variant,” sabi ni Tugade.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page