top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 9, 2022



Pabor umano si presidential aspirant Ka Leody De Guzman na ipagbawal ang mga caravan at motorcade dahil wala itong naitutulong tungkol sa diskurso ng halalan.


Ito ay inihayag ni De Guzman matapos ipagbawal ni Davao City Mayor at VP bet Sara Duterte-Carpio ang lahat ng uri ng political caravan at motorcades sa Davao City dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


“Ang mga campaign caravan at/o motorcade ay maaksaya at mas nagagamit pang-bandwagon ng mapeperang kandidato,” pahayag ng labor leader.


“Higit pa dyan, walang naiaambag ang mga ito para itaas ang diskurso ng halalan. Sangayon ako na ang mga ganitong aktibidad ay di na dapat pahintulutan,” dagdag niya.


Sinabi rin ni De Guzman na mas mainam kung mismong ang Commission on Elections (Comelec) ang gagawa ng polisiya hinggil dito.


“Mas mainam kung ito ay isasapatakaran ng Comelec at umpisahan na ang mga reporma sa halalan katulad ng sentralisadong pangangampanya na kung saan ang pagpapakilala at pagpapalaganap ng plataporma ng mga kandidato ay di nakabatay sa sariling kakayahang gumastos ng kandidato kundi ay pondohan ito ng estado at pantay na gagawin para sa lahat ng kandidato,” aniya pa.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 7, 2022



Inanunsiyo na ni presidential candidate Leody de Guzman ang kanyang complete Senate slate ng Partido Lakas ng Masa (PLM) para sa May 9 elections.


Bukod kina labor leader Luke Espiritu at environmentalists Roy Cabonegro, at David D’Angelo, inendorso rin ng PLM ang 9 pang guest candidates.


Kabilang dito sina Teddy Baguilat, Leila De Lima, Chel Diokno, Risa Hontiveros, at Sonny Matula, Neri Colmenares, Bong Labog, Samira Gutoc, at Agnes Bailen.


Ayon kay De Guzman, ang mga naturang kandidato ang kumumpleto sa kanyang Labor and Ecology Advocates for Democracy slate ng PLM.


Noong Oktubre, ipinakilala ni De Guzman ang kanyang senatorial lineup pero hindi kabilang dito sina Baguilat, Gutoc, at Bailen.

 
 

ni Lolet Abania | February 21, 2022



Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang New Normal Manual para sa May 2022 national at local elections.


Sa kanilang website, ipinost ng Comelec ang naturang manual, kabilang na rito ang mga guidelines na dapat na sundin ng mga voters sa Mayo 9, araw ng eleksyon.


Batay sa Comelec, ang standard protocols ay ang mga sumusunod:


• Always wear face masks and face shields and observe other minimum public health standards while inside the voting center.

• Undergo non-contact temperature check upon entering the premises. Those with temperature of 37.5 degrees Celsius must be brought to the medical personnel. If evaluated to be with fever, voter may proceed to the IPP to vote.

• Observe physical distancing of at least one meter.

• Proceed to the Voter’s Assistance Desk to get precinct and sequence number.

• Proceed to polling place.

• Sanitize hands at the sanitation station before entering the polling place.

• Give his/her precinct number and sequence number.

• Cast his/her vote.


Wala namang binanggit kung ang mga botante ay kailangan pang iprisinta ang kanilang vaccination card sa election day.


Sa ngayon, wala ring tugon ang Comelec kung ang vaccination cards ay ire-require sa araw mismo ng botohan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page