top of page
Search

ni Lolet Abania | October 5, 2021



Sumali na rin ang aktor na si Robin Padilla, ang long-time supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, para tumakbong senador sa 2022 elections.


Makikita sa mga larawan na inilabas ng ruling party ngayong Martes, sina Robin at kapatid na si Rommel habang may caption na “taking [their] oaths as members of PDP-Laban.” Si Cusi ang siyang nag-present ng oath-taking ng magkapatid na Padilla.


Sa isang statement matapos ang oath taking, sinabi ni PDP-Laban secretary general Melvin Matibag na si Robin Padilla ay tatakbong senador habang ang kanyang kapatid na si Rommel ay tatakbo namang kongresista sa 1st District ng Nueva Ecija.


 
 

ni Lolet Abania | October 5, 2021



May ilang mga artista, kilalang personalidad at atleta na nagdesisyong pasukin ang mundo ng pulitika, ang naghain na rin ng kanilang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa 2022 National at Local Elections.


Kabilang sa mga naghain ng kanilang COC ang mga artistang re-electionist o dati nang umupo at humawak ng posisyon sa gobyerno. Si Jhong Hilario, TV host, actor at dancer, muling tatakbo sa ikalawang termino bilang councilor ng Makati.


Si Yul Servo, actor, congressman ng 3rd District ng Manila, tatakbong vice mayor ng nasabing lungsod. Si Jerico Ejercito, action star, tatakbong vice governor ng Laguna, habang ka-tandem si Sol Aragones, dating broadcast journalist, congresswoman ng 3rd District ng Laguna, tatakbong governor ng naturang lalawigan.


Si Anjo Yllana, TV host, actor, dating councilor ng Quezon City, tatakbong congressman ng Camarines Sur. Si Richard Yap, actor, tatakbong congressman ng 1st District ng Cebu City, kung saan natalo noong 2019 elections.


Si Javi Benitez, actor, tatakbong mayor ng Victorias City, Negros Occidental. Si Jason Abalos, actor, tatakbong board member ng 2nd District ng Nueva Ecija.


Si Ejay Falcon, actor, tatakbong vice governor ng Oriental Mindoro. Si Annalie “Ali” Forbes, beauty queen na runner-up sa Bb. Pilipinas, tatakbong councilor ng 6th District ng Quezon City.


Sina James Yap, Ervic Vijandre, Paul Artaid at Don Allado, basketball players, tatakbong councilor na kabilang sa slate ni Mayor Francis Zamora ng San Juan City.


Si Marissa del Mar, actress, beauty queen, tatakbong congresswoman na kinatawan ng OFW (One Filipino Worldwide) Party-list. Ang paghahain ng COC ay tatagal hanggang Biyernes, Oktubre 8.


 
 

ni Lolet Abania | September 29, 2021



Nagkakaisa ang naging boto ng Commission on Elections (Comelec) en banc ngayong Miyerkules hinggil sa pagpapalawig ng voter registration para sa 2022 national at local elections.


“Extension is unanimously approved,” ani Comelec Spokesperson James Jimenez sa mga reporters.


Sa post sa Twitter ni Comelec commissioner Rowena Guanzon, ang ekstensiyon ng voter registration ay mula Oktubre 11 hanggang 30, 2021, alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.


Una nang sinabi ni Comelec chairman Sheriff Abas na ang pagpapalawig ng voter registration ay mula Oktubre 9 hanggang 31.


Ang Oktubre 9 ay natapat na Sabado habang ang 31 naman ay isang Linggo. Paliwanag ni Guanzon, walang registrations kapag Sabado maliban sa Oktubre 30, ang huling araw ng voter registration.


Sinabi pa ng Comelec commissioner na maaari namang isagawa ang reactivation sa pamamagitan ng e-mail o personal na magpunta sa kanilang opisina. Tatanggapin naman ang mga registrants sa lahat ng mga election offices at registration sites sa mga malls.


Samantala, ayon kay Jimenez, lahat ng registrations services ay kanilang isasagawa kabilang na rito ang transfer ng voter registration at reactivation. Extended din ang overseas voter registration ng dalawang linggo, mula Oktubre 1 hanggang 14.


“Note that for overseas voting, the filing of COCs is not an issue, thus the extension starts immediately,” sabi ni Jimenez. Nabuo ang desisyon ng Comelec en banc dahil ayon kay Guanzon, “As requested by the Senate.”


“As I have voted a month ago, I voted again today to extend voter registration because of the necessity for it and to ensure access of all voters to the elections,” saad pa ni Guanzon.


Kaugnay nito, sa isang interview naman kay Abas, sinabi nitong napagdesisyunan din nila na ipagpatuloy ang voter registration matapos ang Oktubre 1 hanggang 8 na paghahain ng certificate of candidacy para sa mga nais tumakbo sa 2022 elections dahil aniya, batid nilang ang Comelec ay magiging sobrang abala sa pag-accommodate ng mga kandidato sa buong mundo na gustong pumasok sa pulitika.


Hanggang nitong Setyembre 11, sinabi ni Abas na umabot na sa 63,364,932 registered voters para sa eleksyon sa 2022. Mayroong 9 milyong karagdagang botante para sa darating na halalan.


Sa naturang bilang, 5 milyon ay mga bagong registrants, 3.2 milyon ay nai-transfer na voter registrations, at tinatayang nasa 871,000 ay reactivated registrations.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page