top of page
Search

ni Lolet Abania | January 22, 2022



Ipinahayag ni Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez ngayong Sabado na ang mga kandidato sa pagka-pangulo at bise presidente sa 2022 elections ay dapat mag-commit na sumali sa Comelec debates kung saan magsisimula na ito sa susunod na buwan.


Ginawa ni Jimenez ang statement matapos na tanggihan na lumahok ni presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” ngayong Sabado.


“Presidential and Vice-Presidential candidates should commit, to the public whose votes they seek, that they will participate in the #PiliPinasDebates2022. #gauntlet,” ani Jimenez sa Twitter.



Una nang sinabi ni Jimenez na sa ilalim ng batas, hindi kinakailangan na ang mga kandidato ay lumahok sa public debates, at hindi maaaring obligahin ng poll body ang mga kandidato na sumali rito.


Gayunman, ang mga kandidato ay nakikilahok sa ganitong uri ng public forum dahil ani Jimenez sa tinatawag na “massive airtime”.


Ayon sa opisyal, pinaplano ng Comelec na magsagawa ng isang public debate kada buwan para sa presidential at vice presidential candidates simula sa Pebrero hanggang Abril.


Paliwanag ni Jimenez, sisimulan nila ang pirmahan ng memoranda of understanding (MOU) sa bawat kandidato para puwede silang magkasundo sa mga rules ng mga debates.


Ang campaign period sa mga kandidato para sa national posts ay magsisimula sa Pebrero 8, habang ang campaign period naman para sa local candidates ay sa Marso 25. Nakatakda ang 2022 national at local elections sa Mayo 9.


 
 

ni Lolet Abania | January 18, 2022



Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes na ang pag-imprenta ng official ballots para sa May 9, 2022 elections ay inaasahang magsisimula sa Miyerkules sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City.


Nagsagawa din ang printing committee ng Comelec at Education and Information Department ngayong araw ng isang virtual walkthrough sa NPO, kung saan magaganap ang ballot printing.


Tiniyak naman sa publiko ni Comelec Chairman Sheriff Abas, chairman din ng printing committee, na ipapatupad nila ang nararapat na protocols sa NPO sa duration ng pag-iimprenta ng mga balota na ligtas, masusi at secured ito.


“Ang mahigpit na protocol na ating ipinapatupad ay testamento sa ating tungkulin na pangalagaan at bantayan ang sagradong boto ng bawat isang Pilipino,” ani Abas.


Tatlong printers ang tatakbo para sa printing ng 67,442,714 official ballots, kung saan 65,745,512 dito ay para sa local o in-country voting, at ang natitirang 1,697,202 ay para sa mga overseas voters.


Ayon naman kay Comelec Director Helen Aguila-Flores, printing committee vice-chair, may isang contingency machine na naka-standby na kanilang inilaan, sakaling isa sa mga printers ang mag-bog down.


Tiwala naman si Flores na ang ballot printing ay makukumpleto na sa Abril 21.

Ang huling ipi-print ay mga ballots para sa National Capital Region (NCR).


“To us, we treat this process as sacred, we dedicate our efforts, best efforts and hard work to this process… We conduct this walkthrough because we assure the public that it (ballot printing) is done on time,” sabi ni Flores.


Sa ngayon, ang mga test ballots na ginamit sa mga Comelec field tests at mock polls ay nai-print na.


Sinabi pa ni Flores na ang budget para sa ballot printing sa nalalapit na eleksyon ay tinatayang nasa P1.3 billion.


 
 

ni Lolet Abania | November 25, 2021



Bumuo ng isang alyansa ang Partido Federal ng Pilipinas, Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Hugpong ng Pagbabago (HNP) at Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) ngayong Huwebes para sa May 2022 national at local elections.


Tinawag na UniTeam Alliance Agreement, ang koalisyon na binuo ng apat na political parties na nangakong susuporta sa kandidatura nina dating senador Ferdinand “Bongbong/BBM” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte para sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente.


Nangako rin ang alyansa na ipagpapatuloy ang pagkakaroon ng tinatawag na good governance, reforms to reboot and rebound the economy, sustenihan ang kampanya para malabanan ang pandemya ng COVID-19, isulong ang national unification at healing, at pagtuunan ang iba pang malaking problema na kinakaharap ng Pilipinas.


“Whereas, in view of the shared vision of the Convenor and Partners, all parties have agreed to forge this alliance that will pave the way for unity, strength and continued positive change for the country,” batay sa statement ng two-page agreement ng koalisyon.


Ang kasunduan ay nilagdaan nina Lakas-CMD president at House Majority Leader Martin Romualdez, PFP president at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo, Jr., HNP president at Davao Occidental Governor Claude Bautista, at PMP president Jinggoy Ejercito Estrada.


Si Marcos na dumalo sa event na ginanap sa Sofitel ng Philippine International Convention Center sa Pasay City ay nagsabing ang kasunduan ay kinakailangan bilang hakbang para tipunin at buuin ang magkakaibang political forces para sa 2022 elections.


“This is a very important step. This is the beginning of our consolidating of the political forces at least on this side. As we have been experiencing, it has been a very tumultuous campaign already, we are still six months away from the national election,” ani BBM.


“It is with these unifying steps that we hope to bring stability back, well first to the political arena, which now is in the middle of the decision-making process that our people will have to come to when May comes, the election comes,” dagdag ni Marcos.


Sa isang video message naman, sinabi ni Mayor Sara, anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ang alyansa ay hindi lamang nagpapakita ng matibay na mithiin ng partido para sa ikabubuti ng bansa aniya, “[i]t also echoes loudly of our triumph to peacefully unite and stand side by side in the pursuit of continued development and positive change for our fellow Filipinos and the Philippines.”


“The UniTeam has done something remarkable in a time when political noise and bickering drown the issues and problems confronting the Filipino people -- that is, to forge a partnership as one organization, setting aside political rivalries and differences, to become strong partners of the people and the nation. Our alliance is built on friendship, trust, and the commitment to serve the Filipinos and the country,” dagdag ni Mayor Sara.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page